Krissa Mae Arietta says Polo Ravales has apologized to her and she has forgiven him

"But I felt nga that sincerity in Polo and his sorry was a big thing for him to do. Maybe someday, we will be friends again. Right now, okey na yung magkatrabaho kami ulit. Walang problema sa akin 'yon," says Krissa Mae Arietta ahout Polo Ravales (inset).


Pagkatapos ng naging malaking isyu na namagitan sa dating Gobingo Girl na si Krissa Mae Arietta at sa aktor na Polo Ravales na may kinalaman sa pera at alahas, natapos na ang lahat dahil pinatawad na ni Krissa Mae si Polo.

Sa grand launch ng bagong GMA-7 telefantasya na Darna, kung saan pareho silang nasa cast, sabay pa ngang umakyat ng entablado ang dalawa.

Ayon sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Krissa Mae, noon pa man ay humingi na ng sorry si Polo sa kanya.

"It's true na nag-sorry si Polo sa akin and that was even before we knew na magkasama pala kami dito sa Darna," umpisa ni Krissa Mae. "We saw each other by accident lang and it was an awkward situation. Kasi nga, after all that happened sa amin, hindi ko na siya nakausap pa.

"Then he said in a very low voice that he was sorry for all that he has done. Hindi naman daw niya sinasadyang saktan ako, kasi he didn't know what to do that time. Nabigla rin daw siya. Yet he never mentioned anything about the things that made me mad at him. He just said sorry for what he did.

"At first, parang sige nag-sorry ka and let's forget about it. Then I realized that Polo was indeed man enough to do that. Hindi madali sa lalaki na mag-sorry sa isang babae, di ba? Given the fact na mas kilala siya sa showbiz kesa sa akin. Kumbaga, sino ba ako para mag-sorry siya?

"I guess he realized nga na he was wrong and he did hurt me. I was very naïve of what was happening to me in this business. And I thought he was this friend who cared a lot. But after he said his piece, he ended it with something like, sana maging good friends kami ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para naman sa akin," patuloy niya, "it's not madali to gain back that trust. Lalo na ang friendship na nawala, di ba? I know that it will take time for me to ever trust somebody again. Kilala ako ng mga friends ko. Once you deceive me, mahirap na akong magtiwala ulit.

"But I felt nga that sincerity in Polo and his sorry was a big thing for him to do. Maybe someday, we will be friends again. Right now, okey na yung magkatrabaho kami ulit. Walang problema sa akin 'yon."

KIKO RUSTIA. After ma-link si Krissa Mae kay Polo, nauugnay naman siya ngayon sa Survivor Philippines castaway at ngayon ay host ng Born To Be Wild na si Kiko Rustia. Pero aminado si Krissa Mae na nagiging mabuting magkaibigan na sila ni Kiko.

"I met Kiko noong mag-workshop kami sa GMA-7," kuwento ni Krissa Mae. "He was very nice and such a good conversationalist. Hindi naman siya nanligaw sa akin like what a lot of people thought. Naging good friends kami ni Kiko and he's such a genuine person. Everybody would be proud to be one of his friends."

Nilinaw naman ni Krissa Mae na hindi totoong sinundan siya ni Kiko sa U.S. nooong napabalitang umalis ang newcomer dahil may sakit ang ama nito. Balitang hinanap pa raw ni Kiko ang bahay nina Krissa Mae sa California at nagpakilala nang personal sa pamilya niya.

"Hindi naman gano'n ang nangyari," sabi ni Krissa Mae. "First of all, hindi ako nakaalis no'n. I wasn't able to fly to the States because of work dito. Nakaalis lang ako after my dad had his operation.

"Si Kiko, he went to our house, pero wala ako doon that time. Before he left, he called me up and asked kung okay lang na bumisita siya sa bahay namin. Baka I have something na puwede niyang dalhin sa daddy ko, kasi he will be in the neighborhood. Kaya si Kiko lang ang nandoon and not me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakilala naman ng family ko si Kiko and natuwa sila sa kanya. He introduced himself as a good friend of mine. Sa ginawang 'yon ni Kiko, kahit na sino ay mamahalin siya because he's such a great friend. Hindi niya kailangang gawin 'yon, but he still went on with it and by doing that, I am forever grateful sa kanya and I will always treasure our friendship."

JAY-R. Tungkol naman sa nababalitang relasyon nila ng R&B Prince na si Jay-R, nilinaw ni Krissa Mae na magkaibigan pa lang sila nito.

"Jay-R naman is a very close friend. I will admit that we go out on dates. Minsan with friends, at minsan kaming dalawa lang. There's nothing wrong kasi wala naman akong boyfriend at wala naman siyang girlfriend.

"Kami kasi ni Jay-R, we have so much in common. Kasi we both grew up in one place, which is California, kaya we speak the same things a lot. When we talk, it will take us a long time to stop. Kasi nga, when he starts a topic, interested ako. Gano'n din siya sa akin. So we are like two peas in a pod," paliwanag ni Krissa Mae.

Pero nilinaw ni Krissa Mae na nasa getting-to-know-you-more stage sila ni Jay-R. Hindi pa raw niya boyfriend ang singer. Though, kung manligaw nga nang seryoso si Jay-R sa kanya ay walang duda na may pag-asa ito sa kanya.

"Right now kasi, we're enjoying ourselves as friends. We go out and have fun. Magkasama kami sa trabaho and it makes it all more enjoyable. I will admit that I enjoy Jay-R's company. At kung liligawan niya ako, well, may pag-asa siya. Pero hanggang hindi pa siya nanliligaw ng serious, we will only be good friends muna," pagtatapos ni Krissa Mae, na gaganap bilang Liberty sa Darna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN