Iwa Moto on playing Valentina: "Wala si Darna kung wala si Valentina!"

"Ang alam ko, nag-fitting ako at lahat, ang alam ko, ako si Babaeng Linta. Tapos, nagulat na lang ako two days before ang storycon, ako na si Valentina. Shocked ako! Tapos, hindi ako makapaniwala, tapos lahat sila iniiyakan ko. Kung nakita n'yo lang ang hitsura ko, namumutla ako nung araw na yun," says Iwa Moto about how she found out that she will be playing the role of Valentina in Darna.


Walang plano si Iwa Moto na tapatan o kalabanin si Katrina Halili bilang kontrabida.

Si Iwa ang gumaganap na Valentina sa pagbabalik ng Darna sa telebisyon, kung saan si Marian Rivera ang gaganap sa Pinay superhero. Gumanap na ring kontrabida si Katrina laban kay Marian sa Pinoy adaptation ng Mexicanovela na Marimar.

"Hindi ko kaya, hindi ko kayang lampasan kung ano man yung narating ni Katrina bilang Katrina Halili," sabi ni Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal.)

Mas gusto raw ng Fil-Japanese young actress na magkaroon ng marka sa showbiz bilang si Iwa Moto.

Paliwanag niya, "Ang point ko dun, hindi ko naman malalampasan kung ano yung ipinakita niya, kung ano yung mga ginawa niya. Ako mismo, gagawa ako ng sariling pangalan ko. Gusto kong makilala ako hindi bilang kapalit ni Katrina, gusto kong makilala ako bilang si Iwa Moto."

WALANG AHASAN. Ano ang naramdaman ni Iwa nang nalaman niyang si Katrina supposedly ang gaganap na Valentina sa Darna?

"Thank you hindi niya tinanggap!" natatawang sabi niya.

Hindi naman daw niya sinulot o inahas ang naturang role mula kay Katrina.

"Ang alam ko, nag-fitting ako at lahat, ang alam ko, ako si Babaeng Linta. Tapos, nagulat na lang ako two days before ang storycon, ako na si Valentina. Shocked ako! Tapos, hindi ako makapaniwala, tapos lahat sila iniiyakan ko. Kung nakita n'yo lang ang hitsura ko, namumutla ako nung araw na yun," kuwento ni Iwa.

Hindi raw naging dahilan ito ng pagkakaroon ng gap sa pagitan nila ni Katrina.

"We're close," sabi niya. "Hanggang ngayon pinupuntahan ko siya sa bahay niya, kasi meron siyang mga machine sa bahay. Pino-promote ko talaga siya! Tambay ako sa bahay ni Katrina at nagpapapayat."

Ang tinutukoy ni Iwa na "machine" sa bahay ni Katrina ay pang-masahe, pampapayat, at pang-spa bilang sideline na negosyo ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi rin ni Iwa, hindi naman daw nila napag-usapan ni Katrina ang tungkol sa Valentina role.

"Hindi pa kami nakakapag-usap about that. Kasi after storycon, taping agad kami, e. As in nagmamadali kami, kasi ang bilis ng mga pangyayari," aniya.

"MAS MAGANDA SI VALENTINA." Tiyak na aabangan ng publiko ang pagsasagupa at fight scenes nina Darna at Valentina. Pero ani Iwa, "Wala pa kaming fighting scenes na nakukunan. Ang eksena namin palagi, we're best friends. Pero 'pag tagal, for sure ang mangyayari sa amin, maglalabanan kami, suntukan na talaga."

Pero sa Darna lang daw 'yon at hindi sa totoong buhay.

"Kami ni Marian, sobrang okay. Sa eksena, gagawin namin ang lahat para at least hindi kami magkasakitan. Pero gagawin naming makatotohanan ang makikita ninyo," pangako ni Iwa.

Was there a time na nag-wish si Iwa na gumanap bilang si Darna?

"Hindi! Mas gusto ko si Valentina. Mas maganda si Valentina!" tawa niya. "Kasi sabi ni Tita Celia [Rodriguez], 'Valentina is Valentina. There is no Darna if there is no Valentina.' Yun ang sabi ni Tita Celia. Kaya ako, kapag tinatanong ako, wala si Darna kung wala si Valentina."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN