Rayver Cruz says he is happy just being friends with Sarah Geronimo

"Di naman talaga ako nanligaw kay Sarah. Sinabi ko naman na naging close lang talaga kami, naging magkaibigan. 'Saka malinis ang intensyon ko kay Sarah, masaya ako sa ganito kami, magkaibigan. Di naman ako naghahangad ng mas mataas pa sa pagiging magkaibigan. Okey na ako dun," says Rayver Cruz about singer-actress Sarah Geronimo.


May bulung-bulungang hindi raw boto ang pamilya ng Pop Princess na si Sarah Geronimo sa young actor na si Rayver Cruz. Kaya nga raw wala si Rayver sa birthday party ni Sarah noong July 26 ay dahil pinagbawalan diumano ng parents ni Sarah na imbitahin ito.

Sa nakaraang thanksgiving party ng ABS-CBN drama series na May Bukas Pa para sa episode nitong "Panalo Ka, Bro," tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa hindi pag-imbita kay Rayver sa party ni Sarah.

"Di naman sumama ang loob ko kung di ako na-invite, di naman big deal yun," pauna muna ni Rayver. "Ang importante, nakabati ako sa kanya. Nakausap ko naman siya after ng birthday niya nung nakita ko siya.

"It's a surprise party, siyempre yung nag-organize, di naman kabisado ang lahat ng numbers kung saan kami kokontakin, so, di kami na-invite. 'Saka di naman talaga kami rin makakapunta ni Maja [Salvador], kasi Sunday tumama yung party after ASAP. E, every Sunday ang taping ng May Bukas Pa in Pampanga. Ganun kasi kami after ASAP, takbo kami agad ng Pampanga para mag-taping," paliwanag pa ng young actor.

Samantala, sa bulung-bulungan namang hindi umano boto ang mga magulang ni Sarah sa kanya, hindi naniniwala si Rayver na mayroon ngang gano'ng posisyon ang mga ito laban sa kanya, lalo na ang ina ni Sarah na si Mommy Divine.

"Wala naman sigurong ganun. Di ko alam ang ire-react ko, kasi di naman 'yan totoo. Kung ano ang desisyon nila, wala naman tayong magagawa dun, respetuhin na lang natin. Siyempre, nanay yun, kahit naman sinong nanay poprotektahan nila ang anak nila. Siguro kahit na nanay ko pa," ani Rayver.

Nilinaw rin ni Rayver na hindi naman talaga siya nanliligaw kay Sarah.

"Di naman talaga ako nanligaw kay Sarah. Sinabi ko naman na naging close lang talaga kami, naging magkaibigan. Saka malinis ang intensyon ko kay Sarah, masaya ako sa ganito kami, magkaibigan. Di naman ako naghahangad ng mas mataas pa sa pagiging magkaibigan. Okey na ako dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, wala ba siyang balak na kausapin ang parents ni Sarah at sabihin sa mga ito na walang dapat na ipag-alala ang mga ito sa kanya?

"Kung hinihingi ng pagkakataon... Basta tingnan na lang natin. Gaya ng sinabi ko, masaya na ako na ganito kami."

HAPPY FOR MAY BUKAS PA. Isa sa regular cast ng May Bukas Pa, nagpahayag si Rayver na masaya siya sa continuous success nito, lalo't kumpirmado na ang pagiging extended ng inspirational TV show, till next year.

"Sobrang saya! Di namin in-expect. Kasi di naman namin in-expect talaga na aabot kami until next year. Till January 2010 pa! Ang alam namin before, 8 weeks lang [ang show]. 'Tapos tatagal pala kami ng ganito katagal!

"Ang daming magaganap lalo na ngayong August. Guest namin sina Mylene Dizon, Kuya Vhong Navarro, lalo na ang King of Comedy, si Tito Dolphy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN