Marian Rivera reveals she was hesitant at first to play Darna

"Hindi naman sa ayaw. Gusto ko siya, kaya lang nahihiya ako sa costume, hindi ko kayang lumabas sa publiko o sa labas na nakikipag-fight scene na naka-ganun," shares Marian Rivera about her Darna role.


Nilinaw ni Marian Rivera ang unang napabalita noon na ayaw niyang mag-Darna. Noon kasi, after Angel Locsin, marami na ang humula na si Marian ang magiging next Darna, at doon na nga nag-ugat ang balitang lumabas noon na ayaw niyang gawin ang Darna sa telebisyon.

"Hindi naman sa ayaw. Gusto ko siya, kaya lang nahihiya ako sa costume, hindi ko kayang lumabas sa publiko o sa labas na nakikipag-fight scene na naka-ganun," bungad na paglilinaw ni Marian nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Darna kamakailan.

"Pero nag-decide ako sa sarili ko, na maraming tao rin sa paligid ko ang nagsasabi na, 'Bakit hindi mo i-try? Kaya mo!'" dagdag pang sinabi ni Marian.

And speaking of Angel, ano ang masasabi ni Marian na ang nagpasa ng mahiwagang bato sa kanya sa bagong fantaseryeng ito ng GMA-7 na magpa-pilot airing na sa Lunes (August 10) ay walang iba kundi isa ring Angel—si Angel Aquino!

"Nakakatuwa, pinasa sa akin ni Angel Aquino yung bato! First time ko na makatrabaho si Ms. Angel at napakabait din niya sa akin. Very thankful ako sa kanya dahil nakikita ko sa kanya na ginagawa rin niya ang lahat ang parte niya sa Darna," ani Marian.

Sa Dyesebel noon, doble ang ginawang pag-iingat upang huwag mabosohan or makitaan ng maseselang bahagi ng kanyang katawan si Marian bilang isang sirena. Sa Darna raw, may mga ganun ding pag-iingat na ginawa kay Marian.

Mas maingat din ang production ngayon, lalo na sa mga stunts na kailangang gawin ni Marian. Sa presentation nga sa Darna presscon kung saan may fight scene pa si Marian habang nakatali ng cable, binawasan ang mga pagta-tumbling na dapat niyang gawin.

"Hindi na nila [production crew] pinagawa kasi yung harness kailangan, medyo i-adjust pa. At saka yung time, medyo kulang na, kaya lumipad na lang ako. Pero ang totoong rehearsal namin talagang bumabaligtad talaga ako," kuwento ni Marian sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa taping, safe naman. Kasi sobrang sikip talaga nung pantaas ng costume ko, kaya wala talagang danger na makitaan ako kahit tumalun-talon ako at kahit ano ang gawin ko. Hindi naman puwedeng lagyan ng strap, kasi ang pangit kapag merong strap, kitang-kita siya, mas maganda kapag wala. Lahat din naman ng tao sa paligid ko sa set, nag-aalala, concerned din sila, nagtse-check sila kung okey ba, masikip ba, may tape pa ba."

May pag-aalala man sa costume niya noon, sinabi ni Marian na hindi na dumaan sa approval niya ang kanyang costume.

"Hindi na, kung ano na 'yung ipinakita nila, aprub agad, sinuot ko agad, pictorial agad," natatawang kuwento ng bagong Darna.

At seksing-seksi naman si Marian nang isuot na niya ang kanyang Darna costume. Aniya, hindi biro ang kanyang ginagawa para mapanatili ang kanyang sexiness.

"Vitamins, water...kasi ang food, medyo nagle-lay low talaga ako. Pero kapag lunch, kailangang kumain. Kasi kapag hindi pa ako kumain parang nahihilo na ako, e."

Tinanong ng PEP si Marian kung may pagkakapareho ba sila ng mga characters niyang sina Darna at Narda.

"Marami. Ang pinaka? Matapang, pareho kaming matapang ni Darna. Kami ni Narda? Pareho kaming mapagmahal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN