Coney Reyes's appearance in And I Love You So inspires her to do more films

Coney Reyes says she knows exactly what Kris Aquino is feeling right now. "Para ma-overcome niya yun [her mother's death], napakahirap. Ako nga, hanggang ngayon, l999 pa namatay ang mother ko, tuwing naaalala ko, masakit pa rin. Kung kailangan ko nga ng motivation sa akting, inaalala ko lang ang nangyari sa mom ko, naiiyak na ako."


Kung spiritual healing ang pag-uusapan, maraming puwedeng matutunan sa aktres na si Coney Reyes. Dahil sa wisdom at estado sa buhay na naabot na niya, naitanong namin sa kanya kung ano ang maibabahagi niya kay Kris Aquino na nawalan ng ina at inamin na she will not be okay for a lifetime. Sa kanyang pamosong speech sa harap ng bangkay ng inang si Corazon Aquino, dating Pangulo ng bansa, nagsinungaling nga raw siya sa ina sa pagsasabing she and her siblings will be okay.

"Sobrang pagmamahal kasi niya sa kanyang ina kaya niya nasabi yun," banggit ni Miss Coney. "Para ma-overcome niya yun, napakahirap. Ako nga, hanggang ngayon, l999 pa namatay ang mother ko, tuwing naaalala ko, masakit pa rin. Kung kailangan ko nga ng motivation sa akting, inaalala ko lang ang nangyari sa mom ko, naiiyak na ako. Inaalala ko lang noong nasa coffin siya.

"Tuwing maaalala nila si Tita Cory, malulungkot sila. Pero, ang isang bagay na makakatulong para maibsan ang ganyang sakit, yung nakita nila kung gaano karami ang nagmamahal sa kanilang ina.

"Yun ding nagkakaroon sila ng motivation at inspiration sa buhay, dahil kay President Cory. Sana lang, lahat tayo, natuto sa kanya. At patuloy na matututo sa naranasan niya," sabi pa niya.

Pagbibigay-diin pa rin yun sa pagmamahal natin sa Diyos, sa pamilya, at sa ating bansa, dagdag ni Coney.

"I would like to think na marami talaga ang na-inspire," patuloy ng aktres. "Sana, yung ginawa ni Tita Cory, gawin pa rin ng mas maraming tao. Sisimulan na 'yan ng mga anak niya. Matagal na rin nilang ginagawa. But Cory had to die, kasi, marami pang dapat na mangyaring magaganda."

THE HARDEST PART OF LETTING GO. Naitanong namin sa kanya what was the hardest part of letting go, base sa na-experience niya.

"Ang hardest part? Hindi ko alam," at medyo natawa siya pagkatapos matigilan. "Kapag nagmahal ka kasi, hindi yung sarili mo ang iniisip mo. Yung iniisip mo, yung mahal mo, at kung paano gagaan ang buhay para sa kanya. Marami kasing klase ng pagmamahal. May pagmamahal sa anak, sa asawa, sa pamilya. Iba-ibang tao, iba-iba rin ang situwasyon. Hindi mo masasabing ito lang ang masakit sa 'yo, e, paano yung sa iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan, habang buhay, nariyan na sa isip mo, pero may mga desisyon ka lang na dapat gawin pa. Para sa ikabubuti ng lahat, at ikatatahimik ng marami. Naku, mahirap sagutin 'yang tanong na 'yan!" nasabi na lang niya.

Nagbabalik si Coney sa akting sa pelikula sa pamamagitan ng And I Love You So ng Star Cinema. Noong first day ng shooting niya para rito, sobrang nerbiyos ang inabot niya.

"Naririnig ko lang yung motor, kinakabahan na ako," kuwento niya. "First shooting day ko, first take, nasabi ko kay Direk Laurenti Dyogi, parang hindi ko naiintindihan ang instructions niya. Para akong high.

"Lumulutang ako. After the first take, umokey na. Naka-take three ako sa first scene," aniya pa.

Madalang lumabas sa pelikula si Miss Coney kaya malaking sorpresa ang partisipasyon niya sa And I Love You So together with Bea Alonzo, Sam Milby and Derek Ramsay.

"Hindi naman mapili talaga, pero yung dumarating na projects, maganda rin naman, kaya lang, nagkakataong may biyahe ako. Out of the country o may project akong ginagawa na out of the entertainment industry. Hindi naman sa pagiging very choosy.

"Nang gawin ko ito, parang na-excite ako. Gusto kong magpaka-active muli. Sabi ko kina Olive Lamasan at Malou Santos, parang enjoy na yata ako. Gusto ko uling magpelikula kaysa mag-TV. Hindi masyadong stressful ang pelikula, e," pagwawakas ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN