Rhian Ramos bags coveted role of Jodi in Stairway to Heaven

Rhian Ramos is aware that she might get the ire of Marian Rivera's fans for playing opposite Dingdong Dantes, but, "I just want to say na bigyan naman ako or any actress a chance to work with Dingdong. Trabaho lang naman ito and the show is for everybody."


Sinalubong ng maraming fans si Rhian Ramos sa SM City Manila noong nakaraang Friday, August 7, sa kanyang Meet & Greet event na kaugnay sa kanyang endorsement ng Soda Scents & Fragrances.

Ang naturang mall ang first stop ni Rhian para mag-sign ng autograph and pose for pictures with fans sa Soda boutique. Gagawin din daw niya ito sa iba pang Soda branches sa iba't ibang SM Malls.

"Matagal na nga itong nakaplano and I am happy to do this for Soda who are very supportive sa aking mga shows. Katatapos lang ng Zorro kaya nagkaroon na ako ng time to do this.

"Nag-enjoy ako kasi pagdating ko, may mga tao nang naghihintay sa Soda boutique. I like to thank them for giving us the time and also trying out the new fragrance line of Soda," ngiti pa ni Rhian.

Natapos na nga ang Zorro at ang sunod na TV project ni Rhian ay ang pagganap bilang si Jodi, ang tragic heroine ng top-rating Koreanovela na Stairway To Heaven. For the first time ay maipapareha na siya kay Dingdong Dantes.

FIRST DRAMA WITH DINGDONG. Sey ni Rhian na excited siya na makatrabaho this time si Dingdong dahil nakatrabaho na niya ang ibang leading men ng GMA-7, tulad ni Richard Gutierrez (Captain Barbell, Lupin, Codename: Asero, Zorro); Mark Herras (My Only Love, I.T.A.L.Y.: I Trust And Love You); at JC de Vera (LaLola). It's about time daw na si Dingdong naman ang makapareha niya.

"After nga I did a reading with Dingdong for my role in Stairway To Heaven, hindi ko naman ini-expect that the role be given to me. May iba namang nag-reading din for the part.

"Noong sinabi na nga nila na sa akin na binigay ang role na Jodi, siyempre masaya ako because this is my chance to work with Dingdong sa isang drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kilala ko naman si Dingdong, e, kasi nagkakasama naman kami sa mga shows at events ng GMA-7. This is the first time na we will work together in a drama series. And I am looking forward to do this project with him. Magkakaroon naman kami ng acting workshop together para mas makilala namin ang isa't isa."

Para kay Rhian, pinakamalaki at most challenging role ang pagganap niya as Jodi. Base sa ginawa niyang research at sa pagnood sa original Korean version ng Stairway To Heaven, mabigat at punung-puno ng emosyon ang binigay na character sa kanya.

"Right now, I feel na kailangan ko talagang pag-aralan nang husto ang role na Jodi. I know the expectations of many kasi isang big hit ang Koreanovela na ito at ang gagaling ng mga artistang gumanap. Like sa role ko as Jodi, it was Choi Ji Woo na sikat sa Korea and is also an award-winning actress there.

"Kaya yung magiging comparison ay nandoon. Hindi naman mawawala iyon, e. But I don't want to really gayahin the way Choi Ji Woo acted the role of Jodi. I want to give my own interpretation of the role. We want the series to be very Pinoy ang dating and alam ko naman na magagawa namin 'yon ni Dingdong."

"MALAKAS KA BANG MANAMPAL?" First time din na makakatrabaho ni Rhian si Glaiza de Castro na siyang gaganap bilang Eunice. Si Eunice (played by Korean actress Kim Tae Hee in the original version) ang evil stepsister ni Jodi na magiging dahilan kung bakit mabubulag ito.

"I've been reading na magaling na kontrabida si Glaiza. Kaya gusto ko rin siyang makatrabaho. Unang tanong ko nga sa kanya ay, 'Malakas ka ba manampal?' sabay nagtawanan kami. Sinagot naman niya ako ay oo at totoong-totoo raw. Mas okey daw iyon para mas ma-feel namin ang eksena. Pero nagsu-sorry naman daw siya after.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang sa akin 'yon. Marami naman nang nakasampal sa akin sa mga eksena kaya sanay na ang pisngi ko na mamula sa mga totohanang sampal! Sa Zorro nga, nakailang sampal din ako kaya sanay na ako!" sabay tawa niya.

Tungkol naman sa mga fans daw nila Dingdong at Marian Rivera na hindi siya gusto for the role of Jodi, pakiusap lang naman ni Rhian ay mabigyan naman siya ng chance to work with Dingdong.

"I am aware na may mga ganyan na nga and siyempre nakakalungkot isipin na hindi pa naman kami nagsisimula, may mga hindi na magagandang feedback.

"I just want to say na bigyan naman ako or any actress a chance to work with Dingdong. Trabaho lang naman ito and the show is for everybody.

"Masaya kami ni Dingdong na magkakatrabaho kami for the first time. I am sure that Dingdong wishes na maging happy naman ang mga fans niya sa bagong makakatrabaho niyang leading lady," pagtatapos pa ni Rhian Ramos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN