Baron Geisler denies continued harassment of Yasmien Kurdi: "That's really stupid."

Baron Geisler says he can't be the one texting Yasmien Kurdi: "Sa Facebook pa four months ago, nagsabi na ako na nawala ang phone ko. Baka may nanloloko lang na naniniwala naman sila na ako yun. Di reliable ang mga text messages na 'yan. Lalo na ako, alam kong may kaso tapos I will text feisty messages sa kanya? Parang, I'm sorry.


Kamakailan ay naglabasan ang mga balitang aalis raw ng bansa si Yasmien Kurdi para mag-aral ng law at para maiwasan na rin ang pagpapadala ng mga bastos na text messages ni Baron Geisler.

Kung matatandaan ay sinampahan ng kasong sexual harassment ng young actress si Baron dahil daw sa pambabastos na ginawa nito sa kanya sa taping ng SRO Presents Ganti kung saan sila nagkasama.

Sa interview ng PEP (Philippines Entertainment Portal) sa aktor kamakailan ay agad naming tinanong siya tungkol sa bintang na patuloy raw niyang pang-momolestiya kay Yasmien through text, at klinaro naman agad ng aktor ang nasabing isyu.

"That's really stupid. Tapos na 'yang issue sa amin ni Yasmien. Nawala ang aking telepono matagal na. Sa Facebook pa four months ago, nagsabi na ako na nawala ang phone ko. Baka may nanloloko lang na naniniwala naman sila na ako yun. Di reliable ang mga text messages na 'yan. Lalo na ako, alam kong may kaso tapos I will text feisty messages sa kanya? Parang, I'm sorry.

"I think tinuruan ako ng magulang ko ng tamang manners at never akong nambabastos ng tao."

NO FISTFIGHT WITH ALJUR. Kala-lie low lang ng issue before na nagkasuntukan sila ni Aljur Abrenica, heto't binubuhay na naman ang issue sa kanila ni Yasmien. Dito ay nagpahayag na ng sama ng loob si Baron sa mga nangyayari.

"Let me clarify na di kami nagsuntukan ni Aljur, magkaibigan kami, okey kami, walang problema, tapos na 'yun, walang nangyaring gulo, di ako kinick out sa hotel, galit ako sa mga balitang 'yun. I don't feel sad, I'm just disappointed.

"Sa totoo lang, gusto kong magkaroon ng magandang image pero tinatapakan ako pero okey lang, tatayo at tatayo ako. Mahal ko ang karera ko at di ko babastusin ang kung sinu-sino.

"Yung mga gumagawa ng ganyang balita, okey lang sa akin, Masakit pero may magagawa pa ba tayo? Yan ang gusto ng mga tao, so pagbigyan natin sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Baron, sa ngayon ay mas pokus siya sa kanyang trabaho at na makilala at makasama ang iba pang director na maaaring makapagbigay sa kanya ng magagandang proyekto sa hinaharap.

"Right now, I just wanna hang out with the directors and learn from them. Malay mo bigyan pa nila ako ng isa pang project na napakaganda."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN