Director Wenn Deramas praises Erap's professionalism in comeback movie

Director Wenn Deramas' (left) deft hand at comedy was tapped to meg the return of ex-President Joseph Estrada (right) to moviemaking after 22 years. Comedy Box Office Queen Ai-Ai de las Alas (center) plays his leading lady in Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round.


Sa dami ng mga blockbuster movies na nagawa na ni Direk Wenn Deramas, hindi kataka-taka kung sa kanya ipinagkatiwala ang Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round, ang comeback movie ni ex-President Joseph Estrada kung saan kapareha nito ang Box Office Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas, at kasama rin sina Sam Milby at Toni Gonzaga.

Agad naming tinanong ang mahusay na director kung hindi ba siya nakaramdam ng kaba na pagkatapos ng 22 taong pamamahinga sa pag-arte ay sa kanya ipinagkatiwala ang paggawa uli ng pelikula ng dating presidente.

"Siyempre may pressure talaga na magdidirek ka ng president at comeback movie pa niya ito after 22 years, na ikaw pa yung napili na magdirek para sa kanya. Nasa kanya talaga yung pressure kasi kami ni Toni, nakapagtrabaho na kami, may ginagawa pa kami ngayon, yung Precious Heart. Si Sam naman, of course, nagkasama na kami sa Dyosa, tapos si Ai-Ai pangsiyam na namin ito, so nakatutok talaga kaming lahat kay Presidente Erap."

Sa interview sa dating president, inamin nito na medyo nangangalawang siya at nangangapa pa dahil sa tagal na rin niyang di pag-arte. Pero sa kuwento ni Direk Wenn, bukod sa puro take one ang unang mga takes ng ex-president ay bilib din siya sa propesyonalismo na ipinakita nito.

"Dumating siya na mas maaga pa siya sa call time niya. Ang call time niya 11 a.m. at dumating siya ng 10. Naka-costume na, yun na yun. Nagpalit lang siya ng tsinelas dahil gusto niya nakatsinelas siya. Naglinis siya ng jeep. Sinabihan niya kami na masyadong malinis daw yung basahan. Ang ginawa niya kinudkod niya sa ilalim ng jeep. Siya ang gumawa nun para maging makatotohanan. Makikita mo yung preparation, makikita mo na binabasa niya talaga yung script, paulit-ulit, para pag-take, di siya magkamali at umulit nang umulit ng take kasi yung mga first two shots niya, take one siya, e. Niloko ko nga siya na parang di siya namahinga ng 22 years sa acting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO SPECIAL TREATMENT. Ang ex-president na raw ang nagsabi sa kanya na huwag siyang bigyan ng special treatment at tratuhin siya tulad ng ibang ordinaryong artista.

"Bumili ako ng dating pelikula niya, talagang kailangan kong panoorin. Nag-meeting muna kami sa bahay niya bago kami sumalang sa pelikula. Usap-usap, kuwento-kuwento, kain-kain. Kumbaga parang nagba-bonding kayo at yun ang maganda. Pagdating niya pa lang sa set sinabi niya agad sa akin, 'Puwede ba, 'wag mo akong ituring na iba.' Sabi niya sa lahat, 'Ituring ninyo ako kung paano ninyo tinuturing ang ibang mga artista ninyo.' Niloko ko nga siya, 'Naku, sir, ibig sabihin nun kailangan ko kayong baluharain.' Natawa lang siya,"

Direk Wenn shared with us the story of the movie. He assured us na kahit comedy ang tema ng pelikula ay hindi mawawala ang puso na siyang forte naman ng lahat ng pelikulang ginagawa niya.

"Ang istorya nito ay sa mag-asawang sila Erap at Ai-Ai na mayroon silang anak na kagagaling sa America played by Toni na may nakilalang Amboy na si Sam. Pagdating dito, mag-aasawa na yung babae, so yung Tatay, unica hija niya, lahat ng anak lalake, ang babae panganay pa, so di niya matanggap, di niya mapakawalan. It's like Father of the Bride na di niya mapakawalan ang kanyang anak, at the same time mayroon din siyang issue sa asawa niya na di pa niya napapakasalan sa church. Ika-25th anniverasary na nila, magpapakasal sila sa church so sumasabay, yun ang dalawang plot.

"May puso ang pelikula kasi siyempre pag pamilya naman, di puwedeng all-out comedy. May mga kalokohan tulad ng ginawa namin nung first shooting day na natulog sila na naka-wedding gown na si Ai-Ai para lang ready na siyang pakasal uli.

"Sa lahat naman ng ginagawa ko, importante ang puso, yung kurot na di ka lang tawa nang tawa, mata-touch ka, mai-involved ka, mae-entertain ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa siyam na pelikulang pinagsamahan nina Direk Wenn at Ai-Ai, halos lahat ito ay blockbuster. Kung pressure sa pagdidirek sa dating pangulo, may pressure din daw, kaya kay Direk Wenn ang kinita ng halos lahat ng pelikulang pinagsamahan nila ng Comedy Queen?

"Of course, yun ang hinihiling natin para sa susunod, mabibigyan uli tayo ng panibgaong trabaho. Pero para sa akin kasi, may mga taong mag-aasiakso niyan. Basta ang trabaho ko is ayusin, pagandahin at make sure na very entertaining ang aking trabaho at sila na ang bahala kung paano nila ibebenta."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN