Toni Gonzaga found ex-President Joseph Estrada easy to work with

The first scene of the first shooting day was between Toni Gonzaga and Erap, and the former president immediately put Toni at her ease: "Nakakaba nung una, pero he's very approachable and he will make you feel na puwede mo siyang lapitan anytime. Yung kaba at hiya factor, mawawala pag kasama mo na siya sa set."


Pagkatapos na di matuloy ang pelikulang pagtatambalaan sana nila ni Vhong Navaro, ang pelikulang tinatapos ngayon ni Toni Gonzaga under Star Cinema ay ang Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round. Ito ay ang balik tambalan nila ng kaparehang si Sam Milby at ang pagsasama ng Comedy Box Office Queen na si Ai-Ai delas Alas at ng dating presidente na si Joseph Estrada.

She shared with us her experience with the ex-president lalo't sila pala ang unang nagkaeksena sa first shooting day ng nasabing pelikula.

"Nakakaba nung una pero kapag kasi na-meet mo na siya, di niya ipaparamdam sa inyo parang di siya approachable. He's very approachable and he will make you feel na puwede mo siyang lapitan anytime at ipaparamdam niya na maging kumportable ka sa kanya. Yung kaba at hiya factor, mawawala pag kasama mo na siya sa set kasi nga ipaparamdam niya sa iyo na puwede ka niyang lapitan."

Mismong sa bibig na ng ex-President nanggaling na medyo nangangalawang siya at naninibago sa unang salang niya sa pag-arte after 22 years nang pamamahinga sa paggawa ng pelikula. Agad naming tinanong si Toni tungkol dito.

"Medyo nahihirapan lang siya sa pagme-memorize ng lines, which is understandable kasi nga after 22 years, ngayon lang uli siya gumawa ng pelikula pero mabilis naman niyang nakukuha kaagad. Saka ang dami-dami niyang nagawang pelikula noon so imposible na makalimutan niya ang galing niya sa pag-arte."

Maganda ang resulta ng mga pelikulang pinagsamahan nila ni Sam at kumita nang husto ang mga pelikulang nagawa rin ni Ms. Ai-Ai, pero sa puntong ito ay ayaw ramdamin ni Toni ang pressure kung magiging box-office hit din ang pelikulang ginagawa nila sa ngayon.

"Wala, wala namang pressure. Nag-e-enjoy ako at ayokong isipin yung pressure. Unang-una, malaking karanagaln na mapabilang sa pelikulang ito, na maging anak ni Ate Ai at ni Sir Erap. More than the pressure, iniisip ko na lang na wow! Para makasama mo ang ilan sa mga legend sa pelikulang Filipino, napakalaking karangalan na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Ate Ai-Ai, it's always a pleasure working with her kasi matututo ka, magaling talaga siya sa acting, very professional at saka napakabait. Anytime naman na nakakatrabaho ko si Sam, laging masaya kasi mas kabisado ko na siya ngayon."

Balita na gumawa raw ng pelikula si Toni recently na dinirek ng boyfriend na si Paul Soriano. Kinumpirma ito ng tv host/actress.

"Oo, tapos na yun, it's actually a film for the church, jubilee church. It's a Christian film na ang layunin ay maka-inspire. Walang kaibahan na si Paul ang director ko kasi pag nagtatrabaho naman ako, trabaho talaga. Nagsimula naman kami dati na magkatrabaho, wala naman kaming relasyon before when we worked together."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN