Derek Ramsay says working with Bea Alonzo in And I Love You So was a "great experience"

Derek Ramsay has been so busy doing projects left and right that he's being called the most in-demand leading man these days. The secret of his success: "Putting 200 percent to any role that is given to me."


Kabi-kabila at sunud-sunod ang mga ginagawang projects ni Derek Ramsay, sa telebisyon man o sa pelikula. Sa TV ay napapanood siya sa ABS-CBN primetime soap na The Wedding with Anne Curtis at Zanjoe Marudo. Napanood din siya sa nagtapos nang Komiks Presents Nasaan Ka Maruja?.

Mapapanood naman siya sa Star Cinema movie na And I Love You So simula sa August 12. Kasama niya sa pelikula sina Bea Alonzo, Sam Milby, Coney Reyes, Nikki Gil, Candy Pangilinan, at Maricar Reyes.

Dahil nga sa dami ng kanyang ginagawang projects, tinatawag siya ngayong "most in-demand leading man." Ano ang comment niya rito?

"My whole career, this whole rollercoaster ride has been amazing. It's still hard to take everything in. I've been paired up with great actors and actresses. Great projects left and right. For me right now, I'm just thinking na you got to perform, you got to deliver. And I think that's why they're giving me projects left and right because I really am putting 200 percent to any role that is given to me," pahayag ni Derek nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang role niya sa And I Love You So?

"I'm Bea's partner. We share the perfect relationship. I just can't say any more kasi hindi ko puwedeng sabihin or else mabubuko na yung istorya."

WORKING WITH BEA. How is it working with Bea?

"It's great and to be paired up with her, her partner here, it's really a great experience. I only have good words for Bea. She's a good actress and she's really a good person in real life."

Hindi ba siya nahirapan sa role niya sa movie?

"With this movie, mas madali siya para sa akin kasi yung character ko dito is me. Actually, ako siya. Hindi ako nahirapan kasi it's me. I can see myself in this character."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Compared sa mga nagawa na niyang movies before, ano ang kaibahan ng role niya rito sa And I Love You So?

"Besides sa bagong tambalan namin ni Bea, this is actually my first movie na there's also some pressure on my shoulders. Kasi to be compared sa ka-love team ni Bea na si John Lloyd Cruz is hard. There is a lot of pressure. But I'm not competing with him. Like I said, I just try my best. And hopefully, the people will accept it and see that."

Kung wala sa buhay niya ang girlfriend na si Angelica Panganiban, posible ba siyang ma-in love kay Bea?

"Ang problema meron, e. So, hindi ko masasagot iyan."

ANGELICA PANGANIBAN. Speaking of Angelica, kinumusta rin ng PEP ang kanilang relationship.

"Very, very good. That's why ang dali nga ng paggawa ng role na ito kasi yun din ang tinitignan ko, tinitignan ko rin ang relationship namin ni Angel. And then nailalabas ko dito sa movie."

Sabi niya, sa And I Love You So, ang characters nila ni Bea share a perfect love. Siya ba naniniwala sa perfect love?

"I don't believe there is a perfect love. And there's no perfect formula for a couple to be together."

When do you know it's love?

"Ako, I don't say 'I love you' unless I mean it. I'm scared of those words. So, if I get that feeling inside my heart na I'm comfortable to say it, to use those three words, my God, I can say tinamaan na talaga ako."

Gaano kadalas mong sabihin kay Angelica, "I love you"?

"I don't use it that much because there's no other words to describe how you feel. That's the ultimate way to describe, di ba? So, I don't want it to be hello-goodbye thing. You know, when you get on the phone, 'Hi, I love you!' Parang ganun na lang, e. So, I want that every time I say it, may tama sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw din ni Derek ang isyu tungkol sa umano'y pagli-live in daw nila ni Angelica. "Me and Angel are not living in. We try to spend all our time with each other while we have kasi it's very limited. The problem is, she's doing her projects, I'm doing my projects and wala kaming magagawa. Pero 'pag may special occasion like my dad's birthday last week, kasama siya doon."

MINI COOPER. Magse-celebrate na ng third anniversary ng kanilang relationship sina Derek at Angelica sa August 15. Bilang anniversary gift ay binigyan ni Derek si Angelica ng kotseng Mini Cooper, a month ahead last July.

Naging big issue ang pagbibigay niya ng sasakyang Mini Cooper kay Angelica. Anong reaksyon niya rito?

"I don't know what to say. It's just that I don't want it... for people to think na because I gave her a Mini Cooper, yun ang how you should judge our relationhip na, 'Ah, masaya kami dahil binigyan ni Derek ng Mini Cooper.' It's not the material thing. Our relationship is based on trust, honesty, and we really get along. So, that makes our relationship special. And that's where people should see and stop thinking na our relationship is working because I'm giving her material things."

Ayon kay Derek, matagal na niyang alam na gusto ni Angelica ng Mini Cooper. Kumbaga he's just fulfilling a longtime wish ng kanyang minamahal. At para sa kanya hindi nasusukat sa halaga ng regalo ang pagmamahal ng isang tao. Mas importanteng dahilan daw na mapasaya niya ang kanyang babaeng pinakamamahal.

"It kind of fell in my lap. Habang ako ay nasa taping, may pumuntang isang kaibigan at dala niya yung sasakyan. Tinanong ko kung binebenta niya. When I saw it, the first thing that came to my mind is Angelica. And in the early part of our relationship, she told me, she mentioned to me that gustung-gusto niya iyong kotse na iyon. At yun, hindi yun mahilig sa kotse yun, e. Hindi niya maintindihan yung passion and love ko for cars. Pero yun, nabanggit niya sa akin na gustung-gusto niya yung kotse na yun and one day she'll have one. So, for me to make that dream come true for her was even more special, di ba? Parang I put a big smile on her. And that smile is because of me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-joy ride na ba sila sa Mini Cooper ni Angelica?

"Yes. Dapat nga dadalhin namin yun sa Subic. Pero we decided na huwag nang dalhin kasi malakas yung ulan. So, we took my car na lang. But she drives the Mini Cooper almost every day. Nagseselos na nga ako, e. Kasi mas binibigyan niya ng atensyon yun kaysa sa akin," biro ni Derek.

WORLD CUP. Bukod sa pagbibigay ng Mini Cooper kay Angelica, may iba pa ba siyang sorpresa sa kanyang girlfriend para sa kanilang anniversary?

"I hope we could have a day or two together, alone and just enjoy. But, sana our schedules will meet."

Wala ba silang planong magpunta sa ibang lugar na hilig nilang gawin?

"Yeah, we love to travel. We have a big trip next year. Siguro somewhere within the country, we'd like to take one or two days off and just enjoy the time that we have. Lately kasi we're not spending much time with each other."

Ano yung big trip na tinutukoy niya?

"The World Cup next year in June sa South Africa . We plan to go there for a month or two. Bring unlimited supplies and work there. Kasi I want to show her na kapag World Cup, everybody is one. So, it's gonna be nice for me to show her that."

Bukod sa pagtupad niya sa Mini Cooper wish ni Angelica, may iba pa bang wish si Angelica na gustong tuparin ni Derek?

"Gusto ko siyang dalhin sa England to show her where I am from. Kasi she showed me where she's from in Tondo. Matagal na yun, since the beginning of our relationship. So, it would be nice for me to show her where I am from."

Kailan naman kaya niya matutupad iyon?

"Sana ma-side trip namin iyan sa World Cup. Kung puwede, magti-trip kami through Europe maybe for a week, if payagan ako ng schedule ko at ng schedule niya. Sana magkaroon kami ng one week off and go around Europe .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHARON AND OGIE'S COMPLIMENTS. Ang lakas raw ng appeal ni Derek hindi lang sa mga fans kundi maging sa mga celebrities tulad ni Sharon Cuneta, na sa isang interview ay pabiro raw nitong sinabi na kung wala siyang asawa ay gusto niyang maging boyfriend si Derek. Maging si Ogie Alcasid ay nagbiro rin na kung babae siyang totoo, gusto niyang makarelasyon ang isang Derek Ramsay. Ano ang masasabi niya rito?

"I'm really speechless. Ms. Sharon, Ogie, you know... I don't know what to say. Talagang every time na name-mention sa akin 'yan, I become speechless. They're up there. They've made many people happy. They're at the status that I'd love to reach. And for them to give me compliments like that, it's very heartwarming. And it makes me act like this. I don't know what to say."

Gusto raw siyang makasama ni Sharon sa pelikula. Okay ba sa kanya ito?

"Of course, most definitely. I'd love to do that. It will be an honor for me. Sana matuloy."

Kung mabibigyan siya ng movie na siya ang bida, sino ang gusto niyang maging leading lady?

"Wow, I haven't really thought of that. Siyempre, we're doing a movie now, kami ni Angelica. It's a dream come true for me. I haven't reached that point na I think I could carry a movie and to lead a movie. Hindi ko pa naiisip yan, e. Right now, with what I have been given, yun muna ang iniisip ko," pagtatapos ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN