Dennis Trillo has a movie offer to play a priest with a dark secret

"Yung ginagawa sa TV minsan, hindi na nagkakalayo, parang pare-pareho na lang. So parang minsan, nararamdaman ko na siguro kailangan kong gumawa ng iba para bukod sa panggulat, parang fulfillment din sa akin na makagawa ng isang bagay na gusto ko talaga," says Dennis Trillo.


Isiniwalat ni Dennis Trillo sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na may offer sa kanyang gumanap bilang pari sa isang pelikula.

"Kasi, may pinresent sa amin na isang script tungkol sa isang pari na... Basta kakaiba, na medyo dark yung istorya niya... Hindi bading. Parang nagka-affair siya sa isang batang babae. Maganda, e, gusto ko talagang gawin. Ako ang gaganap dun sa role ng pari. Pinag-uusapan pa lang kung kailan ang schedule at kung papaano ayusin," kuwento ni Dennis.

Sa palagay ba ni Dennis ay handa na ang kanyang mga fans na mapanood siya sa ganung klaseng role?

"Oo," sagot ng aktor. "Kasi sa tingin ko, yung iba... well, hindi lahat, pero yung iba, hinahanap nila na gumawa ako ng kakaibang klase ng proyekto. And gusto nilang makakita ng bago sa isang artista na sinusubaybayan nila, na pinapanood nila sa TV.

"Yung ginagawa sa TV minsan, hindi na nagkakalayo, parang pare-pareho na lang. So parang minsan, nararamdaman ko na siguro kailangan kong gumawa ng iba para bukod sa panggulat, parang fulfillment din sa akin na makagawa ng isang bagay na gusto ko talaga. Na hindi lang basta... I mean, na hindi porke may talent fee ka dito, gawin mo ito. Eto, maski walang TF, basta magawa ko 'to, iba yung fulfillment na ganun."

Sa ngayon kasi, sa light comedy series ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo napapanood gabi-gabi si Dennis. Sa pelikula naman, sila ni Marian Rivera ang magkapareha sa Tarot, na isa namang horror movie.

FATHER DENNIS. Naitanong din ng PEP kay Dennis kung dumating ang panahon na gugustuhin ng anak niyang si Calix na mag-artista, papayagan ba niya?

"Ako sa ngayon, hindi pa," sagot niya. "Kasi, hindi pa naman siya nakakapag-isip. Pero kung talagang gusto niya, hindi ko siya pipigilan. Pero siyempre, kailangan niya rin ma-set nang tama yung mga priorities niya, like yung studies niya. Gusto kong matapos niya muna [ang pag-aaral niya] in case gusto niyang mag-showbiz. At kung ayaw niyang mag-artista, ayoko siyang pilitin kung ayaw niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung halimbawang payag si Dennis na pasukin ni Calix ang showbiz, pero ang ina nitong si Carlene Aguilar ay hindi papayag, sino ang masusunod?

"Pag-uusapan namin yun. Pareho kami na kailangan naming mag-meet halfway. Pero sa ngayon, basta ang gusto ko muna, makatapos siya sa pag-aaral. O kung mag-aartista rin siya, sisiguraduhin na hindi maapektuhan yung studies niya in case gusto niyang pasukin yung career path na yun," aniya.

Ano sa palagay niya ang pinaka-best na aspeto ng pagiging tatay niya?

"Siguro yung mas naging lumawak yung sense of responsibility ko," sabi ni Dennis. "Kumpara dati, hindi pa masyado. Pero mas lumawak na yung ano ko dun, sa pagiging responsableng tatay at tao. Ngayon kasi, meron kang kailangan i-watch out na isang bata na naglu-look up sa 'yo, na kailangan mas kontrolado na yung mga kailangan mong gawin. Kasi darating yung panahon, malalaman niya yung mga pinaggagawa mo.

"Gusto kong ma-remember niya lang ang magagandang bagay mula sa akin na kapupulutan niya ng aral. Gusto kong maging role model niya ako kahit na hindi kami magkasama ng mommy niya. Gusto kong iparamdam sa kanya na kahit ganun ang sitwasyon, hindi ko siya pinabayaan sa paglaki niya. Gusto ko yung ganun.

"Kaya nga lagi ko siyang kasama ngayon, kasi gusto kong iparamdam sa kanya na bawat hakbang ng paglaki niya, nandun ako," saad ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN