Marian Rivera organized Dingdong Dantes's "happiest" birthday party

"Palagi namang nandiyan si Dong sa likod ko. Palagi naman niyang sinasabi sa lahat ng interviews niya at ako, nandito lang din ako para suportahan siya palagi," says Marian Rivera about rumored boyfriend Dingdong Dantes.


"Naku, ha, first time ko 'to!" ang tila kinakabahang sabi ni Marian Rivera nang i-welcome siya ng mga host ng Showbiz Central sa "Intriga Crossfire" segment kahapon, August 9.

Si Pia Guanio ang unang nagbato ng tanong. Sinabi nito na kapansin-pansin daw ang Darna billboard dahil sa kaseksihan ni Marian. Tinanong ni Pia si Marian kung saan niya nakuha ang kaseksihan na yun dahil gumuguhit daw ang kanyang abs.

"Nag-workout talaga," sagot ni Marian. "Tapos, 'saka nag-training ako ng wushu. Isa siguro yun sa nakatulong at saka siyempre, diet." Halos isang buwan din yung itinagal niya sa pagte-training.

Pero hindi kaya mag-suffer ang kanyang kalusugan? Kaya sinabihan siya ng kanyang rumored boyfriend na si Dingdong Dantes na huwag siyang masyadong magpapayat?

"Hindi, siguro nanibago lang si Dong. Kapag kumakain kasi kami, mas malakas pa akong kumain sa kanya. Pero siyempre ngayon, may limitation na talaga sa pagkain. Hindi tulad ng dati na super lakas kong kumain. Siyempre, mine-maintain ko rin ang katawan ko dahil kailangan talaga," paliwanag ng bagong Darna.

Ibinuking naman ni Pia si Marian na kasamang nag-lunch ni Marian si Dingdong.

"Ate, ha!" nakangiting sabi naman ni Marian. "Oo, kumain naman ako after ng SOP."

Si Raymond Gutierrez naman ang sumunod na nagtanong kay Marian. Alam daw ng lahat na classic role ang Darna at hindi si Marian ang unang naging Darna kahit na sa telebisyon. Kaya paano masisigurado ni Marian na ang Darna niya ay tatak Marian nga?

"Hay, hirap yata niyan, a!" bulalas ni Marian. "Siguro, ang hirap kasing magbuhat ng sariling bangko, e. Siguro ang makakapagsabi na lang niyan, kapag napanood nila ang Darna, ay ang mga taong manonood. Ang hirap kasing magsabi na, 'Ay, 'eto ako. Siguro, sila na lang ang manghusga kay Marian Rivera."

Pero ano ang effort na nanggaling on her part na masasabi niyang iba siya as Darna?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ngayon lang naman talaga ako nag-fight scene nang sobrang seryoso," sabi ni Marian. "Nag-training ako ng wushu na wala akong idea. At talagang ibinigay ko lahat sa Darna. Pinaghandaan, sa madaling salita."

"Umayos ka!" ang nakangiting warning naman ni Marian kay Mo Twister nang turn na nito para magtanong. Mo asked Marian kung bakit daw siya umiyak nang makita na niya ang malaking billboard ng Darna.

"Nagulat lang din ako at na-touch, kasi hindi ko ine-expect na ilalagay na pala. So, papunta ako sa taping, nakita ko siya, so, parang, 'Wow, yun na pala yun!' So, parang ako, 'Yes, ito na yun! Simula na talaga,'" paliwanag ng aktres.

Ayon naman kay Rufa Mae Quinto, sa presscon ng Darna ay sinabi ng co-star nila na si Ms. Celia Rodriguez na si Marian ang pinakamagandang Darna. Ano ang reaction ni Marian dito?

"Siyempre, malaki ang pasasalamat ko na sa lahat ng katrabaho ko na pinupuri ako ay nakakataba ng puso. Lalo na kay Tita Celia pa nanggaling 'yan. Kasi kami yung palaging magkasama, palaging nagkukuwentuhan, at palagi niya akong inaanuhan ng tungkol sa Bible. Palaging ganoon ang pinag-uusapan naming dalawa, sa mga buhay-buhay. At palagi siyang nandiyan para magbigay sa akin ng mga advice. Kaya Tita Celia, thank you and I love you."

Sundot na tanong ni Rufa Mae, talaga raw bang dati pa siya ganun kaganda sumipa.

"Siguro talagang maliksi rin ang katawan ko sa mga ganoon, at mas lalo pa siyang naging okey nang mag-training pa ako," sagot niya.

PARTY HOST. Binanggit naman ni John"Sweet" Lapus ang sinabi ni Dingdong na ang katatapos niyang birthday party last week ang pinakamasaya, at si Marian ang nag-abala ng lahat. Ano nga bang pag-aabala ang ginawa ni Marian sa birthday ni Dingdong last August 2?

"Siguro hindi na lang ako magbibigay ng detalye," ani Marian. "Ginawa ko yun na marami rin akong katulong dun. Sabihin na lang natin na ginawa ko yun dahil ang gusto ko lang mangyari, e, mapasaya ko siya [Dingdong]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balitang sa isang mamahaling restaurant sa The Fort ginawa ang birthday party ni Dingdong, na treat ni Marian para sa aktor at sa pamilya nito.

Sa August 12 naman ay birthday na ni Marian. May early surprise na ba si Dingdong sa kanya?

"Palagi naman," nakangiti at mabilis na sagot ni Marian.

Sabi naman ni Pia, sa tamis daw ng pagkakaibigan nina Marian at Dingdong, hindi ba niya mami-miss ang aktor ngayong hindi na sila ang magkapareha sa Darna?

"Siyempre, na-miss, di ba? Kasi, tatlong soap opera na magkasama kaming dalawa. So, nanibago talaga ako. Pero, okey lang 'yan. Talagang okey lang 'yan, magkikita naman kami," nakangiting sabi ni Marian.

How do they compensate the times na hindi sila magkasama?

"Palagi namang nandiyan si Dong sa likod ko. Palagi naman niyang sinasabi sa lahat ng interviews niya, at ako, nandito lang din ako para suportahan siya palagi," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN