Karylle refuses to reveal identity of the guy she dated

"Lumalabas naman din kasi ako, not just with a guy. Kung mayroon man, group dates. Ayoko kasing magsalita, kasi babae pa rin ako. Dalagang Pinay. Baka mag-isip ng grabe ang mga tao. But I'm saying this, kasi normal naman yun with somebody na unattached at the moment," says Karylle.


Pagkatapos ng maintrigang relasyon nina Karylle at Dingdong Dantes, hindi pa rin masabi ng singer-actress kung nadala na siya sa isang taga-showbiz para maging boyfriend sa susunod. Sa product launching kaninang tanghali, August 10, ng bagong ini-endorse ni Karylle Pink Water Body Spray, sa Max's Restaurant sa Sct. Tuason, Quezon City, nagpahayag ang dalaga ng saloobin tungkol sa isyung ito.

"Kung sasabihin ko kasing ayoko na ng taga-showbiz, parang ininsulto ko rin ang sarili, being somebody from showbiz na rin. We'll just see, I guess," sabi ni Karylle.

Pero aminado si Karylle na sa ngayon ay nakikipag-date siya.

"Marami talagang humihingi ng date sa akin," aniya. "And for a girl like me, flattering siyempre yun. Pero I must admit, sa dami ng nagyaya sa akin for a date to watch The Proposal, umoo ako sa isa!"

Dagdag ni Karylle, "Ayoko na lang magdetalye, pero ang masasabi ko lang, isa siyang taong nakakapagbigay sa akin ng magagandang paalala or inspiration about my life, mga bagay-bagay na dapat ko lang malaman tungkol sa buhay."

Inilalagay lang daw ni Karylle ang sarili sa tama by not saying anything about the guy na naka-date niya.

"Lumalabas naman din kasi ako, not just with a guy. Kung mayroon man, group dates. Ayoko kasing magsalita, kasi babae pa rin ako. Dalagang Pinay. Baka mag-isip ng grabe ang mga tao. But I'm saying this, kasi normal naman yun with somebody na unattached at the moment. With different set of friends, naiiba yung interpretation," paglilinaw niya.

Ang unang kinukunsidera ni Karylle ay yung matututunan niya from a guy para makasundo ito at laging makasama.

"Depende rin kung paano siya makipag-usap," nangingiting sabi niya. "Hindi rin problema sa akin ang short guys. No particular preference in mind kung looks ang pag-uusapan."

CHRISTIAN BAUTISTA. Maraming pangalan ang lumalabas at nili-link kay Karylle. Definitely, walang nangyari sa panunukso sa kanila ni Jericho Rosales. Ngayon naman, si Christian Bautista, na katulad niya ay mina-manage ng Stages nina Audie Gemora at Carlo Orosa, ang iniuugnay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napapansin lang ang tungkol sa kanila ni Christian dahil nga napapanood ng mga tao na may nakaka-duet na palagi si Karylle.

"Hopefully, mag-work talaga at makakuha kami ng maraming shows at commitments. So far, puwedeng sabihing sa ngayon, working partner ko si Christian. Marami pa kaming pagsasamahang shows," saad ng ASAP '09 mainstay.

COCO MARTIN. Nag-umpisa naman ang balita tungkol sa kanila ni Coco Martin dahil nanood si Karylle ng Kinatay sa UP Film Institute, at birthday pa ni Direk Brillante Mendoza kaya nagpaunlak ang singer-actress.

"Sobang happy ako kasi nanalo si Direk Dante sa Cannes Film Festival. Nagpa-picture lang ako sa cast, kasama dun si Coco. Doon yata nag-umpisa 'yang tuksuhan na 'yan.

"Naikuwento yata ni Coco yun sa mga kasama niya sa Tayong Dalawa, kaya ayun, kinantiyawan siya nang magkita-kita kami sa ASAP '09. Naikuwento lang ni Ping [Medina], ganoon lang.

"Aware lang ako kay Coco dahil sa indie films na nagawa niya na napanood ko, like Jay. Impressed ako dahil napakanatural niyang umarte. Yun lang," paliwanag ni Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN