Candy Pangilinan wiser now in her relationship with director GB Sampedro

"Ini-enjoy lang namin. Kung ano ang mangyayari, tingnan na lang natin. Pero ang masasabi ko lang, sa tindi ng napagdaanan ko sa unang relasyong napasukan ko, I know better now," says Candy Pangilinan about her current relationship with director GB Sampedro.


"Forever sidekick" ang impression kay Candy Pangilinan sa mga nagagawa niyang pelikula, but she doesn't mind. In fact, sa And I Love You So ng Star Cinema, in-enjoy na lang niya ang role bilang best friend ni Bea Alonzo.

Kahit ganoon, hindi naman niya makuhang magreklamo.

Paliwanag ni Candy, "It's still a role na kailangang alam ko kung paano susuportahan ang bida, at kung paano ko siya mapapalutang. Yun na lang ang iniisip kong pinaka-challenge ng ganitong klaseng portrayal. Hindi puwedeng sarili ko lang ang isipin ko every time na makakaeksena ko si Bea, o yung iba pang artista dito. Kailangang makipagtulungan ako kung paano mapapabongga ang mga eksena, na hindi ako sumasapaw."

Dahil comedy naman ang nature ng portrayals ni Candy, she sees to it na hindi lumabas na self-conscious ang pagpapatawa niya.

"Mas natural, mas maganda. Yung parang fact of life lang na nangyayari sa isang tipikal na eksena sa tunay na buhay," ani Candy sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

PERSONA NON GRATA. Sa ganitong pamantayan, masasabing napahamak din si Candy. Ito nga yung nangyaring pagbugso ng galit ng mga kapatid nating Igorot na hindi sinasadyang nakapagbitaw ng mga salita si Candy, something like, "Pasensiya na po, tao lang, hindi po Igorot."

"Naging persona non grata ako sa Baguio," sabi ni Candy. "Nag-alala rin ako because I didn't mean any harm. Talagang nagpapatawa lang ako, and that's the time I realized naka-offend talaga ako. Nagpunta talaga ako sa Baguio para kausapin ang mga kinauukulan para maisaayos ito, kahit sinabi pa nilang banned ako roon."

Hindi sanay si Candy sa ganito katinding gulo. Humanga naman ang mga katutubo sa tapang ng loob ng komedyana na harapin sila para humingi ng dispensa.

"Kasi naman, malinis ang intensiyon ko. Through such process, nalaman ko kung saan sila nanggagaling. Naiintindihan ko rin, kasi, they have suffered so much discrimination. Hindi natin maiaalis na ganoon ang feeling nila, hindi lang sa mga Igorot, kung hindi sa iba pang minorities," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala nang ban kay Candy sa Mountain Province at naibiro nga ni Direk Laurenti Dyogi na ang pelikula nilang And I Love You So, finally, ay maipalalabas sa Baguio.


DIREK GB. Isa pang matinding intriga ngayon kay Candy ay ang rumored relationship niya sa Cinemalaya Best Director (for Astig) na si GB Sampedro. Sinabi nga ni Candy na hanggang ngayon, hindi rin niya matiyak kung ano na ba ang status ng ugnayan nila.

"Ini-enjoy lang namin. Kung ano ang mangyayari, tingnan na lang natin. Pero ang masasabi ko lang, sa tindi ng napagdaanan ko sa unang relasyong napasukan ko, I know better now," aniya pa.

Ito ay may kaugnayan sa mga balitang kesyo paglalaruan lang siya ng nabanggit na direktor dahil numero uno raw itong babaero. Nagulat si Candy sa balitang ito.

"Ngayon ko lang narinig 'yan. Pero naiisip ko, okey na siguro 'yan kaysa matsismis na lalakero siya. Mas ikaloloka ko yun!" biro ng comedienne.

Dagdag niya, "Pero nagsasabi naman si GB sa akin ng kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin about his past. Kung mayroon siyang ayaw sabihin, respeto ko na rin lang sa kanya yun. Hindi naman ako yung tipong nagtatanong. Basta tama na sa akin yung ganito na muna kami, kaya hindi ako basta nagpapaapekto sa mga ganyang chika."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN