Rufa Mae Quinto confirms she has new P30M dream house in San Francisco

"Siyempre noong una, parang gusto kong i-secret, di ba? Kaya lang, noong natanong ako, siguro I should be proud. Kasi, pangarap ko yun, e—magkaroon ng bahay sa Amerika. Hindi po siya mansion. Parang single detached na parang townhouse. Ganoon lang," says Rufa Mae Quinto about her new house in San Francisco.


Bagamat isa sa mga regular co-host ng Showbiz Central si Rufa Mae Quinto, hindi siya nakaligtas sa bagong isyu na kinasasangkutan niya ngayon. Ito ay ang bagong bahay na ipinatayo niya sa U.S. na bigay raw ng kanyang bagong boyfriend na politician.

Ang co-host ni Rufa Mae na si Raymond Gutierrez ang nag-interview sa kanya.

Yes or no, may bagong bahay ka ba sa States?

"Yes!" pag-amin ni Rufa Mae.

Saan sa States?

"San Francisco. Kumbaga, I left my heart in San Francisco," biro ng komedyana.

Itong bahay na ito, kailan ito ipinagawa? Give us the details.

"Siyempre noong una, parang gusto kong i-secret, di ba? Kaya lang, noong natanong ako, siguro I should be proud. Kasi, pangarap ko yun, e—magkaroon ng bahay sa Amerika. Hindi po siya mansion. Parang single detached na parang townhouse. Ganoon lang."

Kasi vacation house lang naman, you're not planning to live there?

"Hindi naman...we'll never know. Biglang ganun!" [sabay tawa] "Siyempre, hindi naman natin alam, pero hindi pa naman ngayon."

Gaano katotoo na P30 million yung worth ng bahay? Around that price range daw?

"Tama, tama..." pagkumpirma ni Rufa Mae. "Parang panaginip po siya para sa akin. Sa totoo lang po... Una, pinangarap ko lang makarating ng Amerika. Pangalawa, matutong mag-English! O, di ba? In fairness naman, natuto naman.

"Tapos ngayon naman po, may bahay na ako sa Amerika. E, gusto ko lang naman manood lang ng Pacquiao fight, tapos wala, yun na... And I'm very, very happy. Thank you, ha! Kinikilig talaga akong mag-isa!" natatawa niyang sabi.

Ito ba ay regalo sa 'yo ng isang politician na bagong boyfriend mo raw ngayon?

"Nagkataon kasi na birthday ko. Pero hindi naman niya sinabing... Iba pa yung regalo niya noong birthday ko. Sobrang dami! He takes care of me. Nagreregalo rin naman ako, pero hindi ganoon kadami!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kasi, kung napapansin n'yo po, tahimik lang ako, parang relax na relax. Kasi po, ang pinakaimportante sa ngayon, yung finally, natagpuan ko na mahal ko at mahal din ako," saad ni Rufa Mae.

Marami ang nagtatanong kasi, you've been very private on your recent relationship. So, saan hahantong ito?

May mga sumigaw ng "wedding!" sa audience at sumagot din si Rufa Mae ng: "You got it!"

Dagdag niya, "Bakit naman hindi, di ba? Yun ang sagot ko..."

Aminado rin si Rufa Mae na napag-uusapan na raw nila ang kasal.

Does he make you happy?

"Sobra! Pero siyempre, tingin ko, mas napapaligaya ko siya.

"As of the moment, I want to keep it private. Ganoon na lang po muna. Gusto ko mag-focus muna sila sa Darna. Ako po dun si Franchesca. At kapag ready na ako, sasabihin ko naman po. I'll keep it to myself for once, and thank you for the respect," pahayag ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN