Lorna Tolentino helps Kris, remembers the pain of losing Daboy

"It's so sad nga, kasi sa tuwing may aalamin siya sa akin, kailangan kong bumalik—yung lahat ng mga pangyayari ulit... Nagpapasalamat ako kahit papaano, kahit sa maliit na paraan nakatulong ako kay Kris, because I know nung time nung kay Rudy, you were there, Kuya Boy and si Kris din, kumbaga sa pagtulong sa amin ni Rudy. Maraming salamat," says Lorna Tolentino.


Maraming mga kaibigan ang naging kaagapay ng pamilya ni dating Pangulong Cory Aquino sa kanilang pagharap sa mga pagsubok na dulot ng pagkakasakit ng colon cancer ni Tita Cory hanggang sa tuluyan na nga itong pumanaw.

Isa sa mga naging sandalan ni Kris Aquino ang malapit niyang kaibigan na si Lorna Tolentino. June 7, 2008, sakripisyo rin ang pinagdaanan ni Lorna sa pagkakasakit sa cancer at pagpanaw ng pinakamamahal niyang asawa na si Rudy Fernandez. Dahil sa karanasan ni Lorna, nag-reach out siya kay Kris para maipadama ang kanyang suporta sa pamilya.

Sa isang interview kay Kris sa The Buzz ay pinasalamatan niya si Lorna at in-acknowledge ang tulong na ginawa nito para ipaliwanag sa kanya ang maraming bagay na kakaharapin nila kaugnay ng sakit ni Tita Cory.

Kaya naman sa live guesting ni Lorna sa The Buzz last Sunday, August 9, ibinahagi niya sa mga hosts na sina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez kung ano ang madalas nilang pag-usapan ni Kris kaugnay ng pagkakasakit ng cancer ni Tita Cory.

Boy: "LT, kanina sa VTR, nasabi ni Kris na there's a point na Kris is calling you para magtanong ng mga katanungan and you answered all her questions. Puwede bang ibahagi mo sa amin kung ano ang inyong mga napag-usapan?"

Lorna: "It's about kasi yung mga stages ng nangyayari sa mom niya. Like tinatanong niya ako near the end of Rudy, kung ano yung mga nangyayari. Like for example, kumbaga nagkakaroon na ng obstruction sa mga ducts, and then the edema, and kung ano yung puwedeng pinakamagandang solusyon.

"It's so sad nga, kasi sa tuwing may aalamin siya sa akin, kailangan kong bumalik—yung lahat ng mga pangyayari ulit. Yun yung iniwasan ko before na hindi ako magsalita about noong nasa hospital si Rudy, e, including yung seven days of Rudy sa bahay, which is really mas mahirap because wala kami sa ospital. So, mas yung taranta. Nagpapasalamat ako kahit papaano, kahit sa maliit na paraan nakatulong ako kay Kris, because I know nung time nung kay Rudy, you were there, Kuya Boy and si Kris din, kumbaga sa pagtulong sa amin ni Rudy. Maraming salamat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ruffa: "Tita Lorna, ano yung nai-share mo kay Kris sa lahat ng mga pinagdaanan ni Kris noong time na yun bago pumanaw si Tita Cory?"

Lorna: "Sabi ko nga sa kanya, ang nagbibigay talaga ng strength sa kanya, ang Diyos talaga, e. It's God's grace na ganun siya katatag, hinaharap niya. Unti-unti yung pag-accept sa nangyayari. And kung papaano yung maayos at pinakamagandang way na magiging kumportable yung pasyente."

Boy: "Palakihin natin ang pag-uusap, LT. Halimbawa maraming nanoonood na pareho ang pinagdadaanan. Di ba? When someone you love is in pain and in front of you, and somehow people, let's say, specific na doctors tell you na hindi na natin alam kung hanggang kailan. Di ba, more than just the physical pain, paano mo kinaya?"

Lorna: "Actually, parang you'd rather be the one there, e. Mas gusto mo, sa akin na lang, sa akin na lang yung paghihirap para hindi mo makita."

Boy: "Did you show your emotions to Rudy?"

Lorna: "Then again, hindi puwede. Talagang ang takbuhan, banyo parati."

Boy: "Talagang tatakbo ka sa banyo pag iiyak ka..."

Lorna: "Doon. Doon talaga yung relief mo and silently, you're taking shower, para hindi marinig ang iyak."

Boy: "LT, totoo ba na the most painful, when you see your loved one in pain at wala kang magawa?"

Lorna: "Yeah, oo, yes. Kasi dun dumadating siguro yung talagang, spiritually, you should really... parang yung grace na binibigay sa iyo to have the courage and strength to really hold on to what is best for your loved one, yun."

Boy: "Dasal talaga, ano? Parang 'pag bibigay ka na, ang sasabihin mo na lang, 'Lord, tulungan n'yo po ako.'"

Lorna: "Oo."

Boy: "At saka yung sinasabi nga sa akin ni Kris na at a certain point talaga, complete surrender. Yung, 'Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pero 'eto na ako, bahala na po kayo.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lorna: "Parang it's out of our hands. And you don't... parang magkakaroon ka ng 'sige na po, huwag na siyang mahirapan'. Dadating ka sa point na isu-surrender mo na talaga."

Ruffa: "Tita Lorna, it's been more than a year simula nang pumanaw si Kuya Rudy, ano po ang pakiramdam n'yo ngayon? Papaano po kayo nakabangon?"

Lorna: "Sabi ko nga kay Kris... I texted her again. Sabi ko, habang tumatagal, lalong sumasakit. But every second kasi, kumbaga sa bawat pinupuntahan ko siguro minsan 'pag medyo nagtatrabaho ka, naiiba nang konti yung pag-iisip mo. Pero when you're alone, when you're inside your room, my room, dun mo lalong maiisip. So, automatic kakausapin mo yung mahal mo. Lagi ko siyang kakausapin, si Rudy, and then automatic sunud-sunod na pati sa Diyos. So, lalong mas tumitibay lalo yung panalangin mo. Parang nagiging connection na e, when I talk to Rudy, I pray to God. So, yun yung parang pinakamagandang pangyayari dahil minsan nakakalimutan natin yun e, sa dami ng ginagawa natin at trabaho natin. So, mas madalas ngayon ang pagdarasal ko."

Boy: "LT, mensahe para kay Kris at saka sa Aquino family."

Lorna: "It's very hard. But I mean, alam ko na naging napakatatag din nila. But siguro malalagpasan nila ito. Kasi nakikita ko naman napakataas ng kanilang panalangin, ang ispiritwal nila. So, just hang on, hold on to God, and everything will follow nang tama."

Boy: "Sinasabi ko ito dahil sa lahat ng pinagdaanan mo. I interviewed Tita Celia Rodriguez, she lost a daughter. Siya ang nagsabi sa akin na yung pain, you just get used to it. So, kailangan talagang magdasal nang magdasal."

Matapos ang kanilang pag-uusap tungkol sa pinagdaanan nina Lorna at Kris na parehong nawalan ng minamahal, dumako naman ang usapan nila tungkol sa pagbabalik ni Lorna sa paggawa ng teleserye sa ABS-CBN via the primetime drama Dahil May Isang Ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lorna: "Yes, after Kay Tagal Kitang Hinintay. Sana po panoorin n'yo, August 24 na po. Kasama ko sina Gabby Concepcion, John Estrada, Chin-chin Gutierrez, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Karylle, my pamangkin and my inaanak, and Sid Lucero. Directed by Jerry Lopez Sineneng and Rechie del Carmen.

"Ang istorya nito... kailangan talaga nilang panoorin kasi napakaganda ng istorya. Kung lahat ho ng teleserye ng Channel 2 ay lagi n'yong inaabangan. Sigurado ako na, I feel na nagiging maganda ang proyekto dahil na rin sa pagkakasulat e. Napakaganda po ng pagkakasulat ng Dahil May Isang Ikaw, na aabangan n/yo every day."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN