Jericho Rosales admits ex-girlfriend Kristine Hermosa is still special to him

"Nandoon ang possibility, but then again, I told you nga na may limits na ngayon. Hindi rin ako nagku-close ng doors, pero mahirap basta mag-entertain ng ganyang thoughts. Trabaho na kasi ang pinag-uusapan dito. Yung mga bagay na ganyan, nililimitahan na," says Jericho Rosales about the possibility of reconciling with ex-lover Kristine Hermosa.


Sa pagbabalik-tambalan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa sa ABS-CBN teleserye na Dahil May Isang Ikaw, naitatanong siyempre ang posibilidad na may ma-rekindle sa pagitan nilang dalawa. Aminado naman ang dalawa na nagkaroon sila ng relasyon noon, at tahasang sinabi ni Kristine na hindi niya basta makakalimutan si Jericho dahil first love niya ito.

Pero ani Jericho, "Iba na kasi ang sitwasyon ngayon. May limits na rin. Mabuti sana kung walang ibang nagmamahal kay Tintin. Very open naman siya about Oyo [Sotto]. At sa akin, rerespetuhin ko na lang yun. Ayokong makigulo pa."

Hindi naman daw kailangang mag-ingat ni Jericho dahil nariyan si Oyo. Kahit sinasabi ni Kristine na mahal siya ni Oyo and, in a way, mahal na rin niya ito, wala pang namamagitang serious commitment sa kanila.

"Wala akong dapat pag-ingatan dahil wala naman akong masamang intensiyon," sabi ni Jericho sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nirerespeto ko lang kung anuman ang arrangement nila. Maganda nga na meron kaming magandang working relationship ni Kristine, at mas pahahalagahan ko yun."

BRINGING BACK THE LOVE. Wala bang posibilidad na sa dalas ng pagsasama nina Jericho at Kristine ngayon sa taping ng Dahil May Isang Ikaw, mabalik ang init ng kanilang ugnayan noon?

"Sabi nga ni Tin, hindi natin hawak ang future natin," sagot ni Jericho. "Nandoon ang possibility, but then again, I told you nga na may limits na ngayon. Hindi rin ako nagku-close ng doors, pero mahirap basta mag-entertain ng ganyang thoughts. Trabaho na kasi ang pinag-uusapan dito. Yung mga bagay na ganyan, nililimitahan na.

"Special pa rin si Tin sa akin. Minsan, nalalaman ko, nagda-drive siyang mag-isa. Nagwu-worry ako. Mahirap yun kasi napupuyat kami sa taping, tapos magda-drive pa siya. Ako kasi, may driver palagi. Parang gusto ko tuloy na mag-apply na driver sa kanya!" natatawa niyang sabi.

May kukunan pang kissing scenes sina Jericho at Kristine para sa Dahil May Isang Ikaw, pero nilinaw nga ni Kristine na walang halong pagnanasa yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trabaho lang talaga," sabi naman ni Echo. "Hindi naman sa umiiwas ako sa kissing scenes, pero kung hindi naman kailangan, huwag na lang. Alam namin ni Tin yun, lalo kung kailangan talaga sa eksena. Kung magku-cause ng pagiging uncomfortable ng ibang tao, as much as possible, ayoko rin. I don't want to be cause of people to stumble, alam mo yun."

Pinangangalagaan lang daw nina Jericho at Kristine ang pagiging role models nila.

So, puwede kayang sabihin na sa pinagdaanan nila ni Kristine, kung bibigyan ng pagkakataon, ito ang pipiliin niyang balikan kesa kay Heart Evangelista?

"Lahat ay part na ng nakaraan, and let's just leave it that way," sabi ni Jericho. "Pero sabi ko nga, kahit sino pa at ano pang situwasyon, open ako sa possibilities. Kaya lang, kahit sino sa kanila, hindi ganoon kadaling balikan.

"Like sa amin ni Tin, alam namin yung responsibilidad namin. Alam namin kung hanggang saan lang kami. Si Heart naman ay nanahimik na rin sa sarili niyang buhay at mundo, huwag na nating guluhin."

FIRST LOVE NEVER DIES. Pinamulahan ng mukha si Jericho nang banggitin ni Kristine sa presscon ng Dahil May Isang Ikaw kagabi, August 10, na ang aktor talaga ang "first love" niya.

"Matagal ko nang alam yun siyempre, pero hindi ko akalaing masasabi niya yun sa harap ng maraming tao," nangingiting sabi ni Echo.

Pero, first love never dies. Nasabi ni Kristine na hindi niya makakalimutan si Jericho. Pero hindi na siya in love dito, concern na lang daw ang nararamdaman niya sa leading man niya.

"Hindi naman si Tintin ang first love ko, pero kailangan pa bang sabihin ko kung pang-ilan siya? Wala lang," sabi ni Echo.

Dagdag niya, "Masaya kami ni Tin noong kaming dalawa pa. Solid yun. Yun ang tinatawag na rak en rol. Pinaglaban namin ang isa't isa. Alam ng mga tao na sanay ako sa dramang 'You and Me Against the World"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN