Rita Avila does not mind playing mother again to Marian Rivera

"I don't really mind, kasi, si Marian, parang anak ko na talaga. Ang trato niya sa akin, parang nanay o nakatatandang kapatid na talaga. Okey lang sa akin, kasi, wala naman akong anak sa tunay na buhay, e," says Rita Avila about playing mother to Marian Rivera again.


Tuwang-tuwa si Rita Avila sa pagbabalita sa aming umani ng tagumpay sa unang gabi ng airing sa Mega Manila ang Darna, na nakakopo ng 44.1 percent sa ratings (AGB-Nielsen), matindi ang lamang sa nakalaban nitong May Bukas Pa ng ABS-CBN.

Kasama si Rita sa bagong tele-fantasya ng GMA-7 na nagtatampok kay Marian Rivera. Dito, gaya ng sa Marimar noon, siya ang gumaganap na ina ng bidang babae.

"I don't really mind, kasi, si Marian, parang anak ko na talaga. Ang trato niya sa akin, parang nanay o nakatatandang kapatid na talaga. Okey lang sa akin, kasi, wala naman akong anak sa tunay na buhay, e.

ADVISING MARIAN. "Misunderstood si Marian, kasi, iba yung pagkakakilala ko sa kanya. Medyo worried din ako kapag naba-bad press siya, and she confides about what and how she feels. In fairness, humihingi talaga siya ng advice sa akin," sabi pa ni Rita.

Sabi pa niya, ang lagi lang niyang sinasabi kay Marian, keep her feet planted on the ground.

"Huwag lalaki ang ulo, at saka laging papakinggan din yung criticisms. Kung sa tingin niya, makatutulong yun to lift her up, siya na ang bahalang mag-decide, and work on that.

"Naa-appreciate ko yung pagiging simple at totoo ni Marian," nasabi na lang ni Rita.

WANTS VARIETY. Nag-e-enjoy si Rita sa opportunities na ibinibigay ng Siete sa kanya. In fact, hindi siya nawawalan ng trabaho.

"Kaya lang, kung pamimillin ako, gusto ko talaga yung character roles na iba-iba naman. Napapansin ko kasing puro mababait na nanay ang role ko.

"I don't mind playing mother roles, pero, sana, yung naiiba-iba. Na-excite ako noon sa Luna Mystika 'cause I thought, magko-costume ako roon, magkakaroon ng ibang character.

"Hindi ko lang alam dito sa Darna, kasi, ang alam ko, after three weeks, babalik ang character ko rito, at ewan lang kung mag-e-evolve. Yun kasi ang sinasabi nila, kaya tingnan na lang natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, really, nag-e-enjoy ako sa set. Medyo malayo nga lang ang tapings palagi, sa Bulacan, and there was a time, walang nakukunang mga eksena dahil nag-uuulan.

"Nagkakaroon ng delays, pero everybody is patient. Kasi, gusto ng lahat yung ginagawa namin," nasabi pa ni Rita.

A KC FAN. Naikuwento pa ni Rita na naging instant fan naman siya ni KC Concepcion. Naisipan lang ni Rita na bigyan ng kopya si KC ng kanyang book titled 8 Ways to Comfort with Grace. Magiging available na ang hardbound copies sa bookstores.

"Natuwa lang kasi ako kay KC, pero, hindi ko ini-expect na magre-respond siya sa gesture ko. Ang ginawa ni KC, nagpadala ng note sa akin with matching bouquet of flowers.

"She's so nice. Nabasa raw niya ang book at na-appreciate niya. Sana raw, isang araw, magkatrabaho kami at makilala pa niya ako. Nag-melt talaga ang puso ko, kaya naging instant fan niya ako," nangingiting sabi pa ni Rita.

Natutuwa raw siya sa mga kabataang gaya ni KC na napakaganda ng pagpapalaki ng mga magulang.

"Well, Sharon [Cuneta] just did a wonderful job. Yun yata ang mami-miss ko, ang maging isang ganap na inang makapagpapalaki ng matino at maipagmamalaking anak.

"Doon kasi makikita ang difference, sa pagpapalaki ng mga magulang. Gaya si KC na kayang humarap o makipag-deal sa kahit na anong klaseng tao," aniya pa.

NOT LOSING HOPE. Habang may buhay, may pag-asa kay Rita na puwede pa siguro siyang magkaanak.

"Pero ayoko namang i-pressure ang sarili ko, kasi, may edad na rin naman ako. Naiisip ko na lang na siguro, may ibang plano si God sa amin ni Erick [Reyes, her hubby].

"Marami naman ang nagsasabing mas okay na nga raw ang buhay ko na may loving husband kahit walang anak, kasi, mahirap daw talagang magpalaki ng mga anak.

"Wala naman akong mai-comment, kasi, hindi ko pa naman nae-experience ang maging ganap na nanay, na nakikita kong lumalaki ang anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, really, I'm very happy now. Naka-move on na rin talaga ako, at ini-enjoy ko rin naman ang married life," sabi ni Rita Avila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN