Tintin Bersola is expecting a baby boy

"Sobra-sobra ang kasiyahan namin ni Julius because lalaki nga ang second baby namin. Pinagdasal talaga namin ito at binigay naman ng Diyos sa amin," says Tintin Babao.


Kinumpirma ni Tintin Bersola-Babao na baby boy ang kanyang ipinagbubuntis kaya masayang-masaya sila ng kanyang mister na si Julius Babao.

Nasa ika-fourth month na si Tintin ng kanyang pagbubuntis and last August 3 ay sinamahan siya ni Julius sa kanyang monthly check-up. Sa naging resulta ng kanyang ultrasound ay nalaman na baby boy ang nasa kanyang sinapupunan.

"Sobra-sobra ang kasiyahan namin ni Julius because lalaki nga ang second baby namin. Pinagdasal talaga namin ito at binigay naman ng Diyos sa amin. Masayang-masaya rin si Anya [their first child] kasi magkaka-baby brother na siya. She's already four years old at gusto na namin na may kapatid na siya. Si Anya mismo, naghahanap na siya ng kapatid," kuwento ni Tintin sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Mas maingat nga raw si Tintin sa kanyang pagbubuntis ngayon. Hindi na raw kasing lakas ang katawan niya unlike noong una siyang nagbuntis kay Anya. Kaya magbabawas daw siya ngayon ng ilang trabaho para hindi siya masyadong napapagod.

"It's been four years na kasi and my body is not as young and as strong when I was pregnant with Anya. Kaya I need to lighten my work load para hindi sobrang stressed ang katawan natin. Gusto namin na healthy ang baby na ito na matagal naming hinintay ni Julius na dumating," sabi ni Tintin.

ANTONIO FRANCESCO. Sa February 9, 2010 ang due date ni Tintin. May name na silang napili para sa baby boy nila. Ito ay Antonio Francesco.

"We chose the name for several reasons," paliwanag ni Tintin. "Una ay yung Antonio because of our devotion to St. Anthony. Kaya nga yung panganay namin is named Antonia because of that holy saint. It took a months din kasi before I got pregnant to Anya and we promised to name the baby after him noong mabuntis na ako. Ngayon, we will name the new baby Antonio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Francesco naman is because of our devotion din to Fr. Francesco Forgione or Padre Pio of Italy. We went to Italy and we visited San Giovanni Rotondo where his body lies. Nagdasal kami doon ni Julius and when we got back to Manila, I had my check up at pregnant na ako.

"Matagal kasi ulit ako bago nabuntis after Anya. We tried so many methods hanggang sa inabot na nga ng four years. Masasabi nga namin na miracle baby itong pinagbubuntis ko tulad ni Anya. Dumarating na lang sila sa buhay namin ni Julius. God is so good to bless us always."

Ibinalita rin ni Tintin marami na ang nagla-log in sa kanyang online show na www.Parentin.TV. Nitong July 21 to August 10 ay nakakuha raw ang kanyang website ng 120,000 hits.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN