Daniel Padilla: "Tingin ko kay Kuya Mar, parang martir."

May 4, 2016
<p>Daniel Padilla says there should be respect for each other's choice of candidates this election. While Daniel is supporting Mar Roxas, his uncle Robin Padilla is supporting Rodrigo Duterte.</p>

May mga panawagan ang Teen King na si Daniel Padilla para sa mga botante ngayong May 9 elections, partikular na ang mga nagpapahayag ng kani-kanilang opinyon kung sino ang mga dapat iboto.

Pahayag ni Daniel, “Siguro sa lahat ng mga boboto ngayon, lahat tayo may opinyon, siyempre hindi pare-pareho kung paano tayo mag-isip, pero bago tayo mag-act o sabihin, make sure natin na alam natin yung sinasabi natin.

“Huwag din tayong masyadong matapang. Make sure alam din natin at kaya nating i-back up yung sinasabi natin.  

“Hindi naman tayo puwedeng salita nang salita and di mo naman alam ang nangyayari sa eleksyon.

“Marami kasing nagmamagaling sa eleksyon, hindi naman botante, di ba?

“So, shut up ka, hindi ka naman botante.”

Patuloy niya, “Sa lahat ng mga bumoboto, ang gusto ko lang sabihin, maging open-minded sa mga nangyayari at alamin ang nangyayari ngayong eleksyon dahil napakalapit na. Ilang araw na lang.

Continue reading below ↓

“So, kilalanin yung susuportahan natin.

“Kung sino naman [ang iboboto], hindi pa huli ang lahat para magbago ang desisyon.

“Kung kanino man kayo, pero alamin natin ang nangyayari ngayon.

“Ako, obviously, kami ay kay Kuya Mar dahil napakaganda ng track record.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng press si Daniel sa celebrity gathering ng mga sumusuporta kay presidential candidate Mar Roxas, na ginanap sa Mesa Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, nitong Martes, May 3.

Puring-puri rin ng Kapamilya actor ang trabaho ni Mar.

“Tsaka alamin natin yung mga nagawa, kay Kuya Mar kami, lahat nagawa.

“Actually, tingin ko nga kay Kuya Mar, parang martir.

“Kasi, parang lahat yata ng di magawa ng gobyerno, si Kuya Mar ang gumagawa, tapos sa huli, siya rin ang masisisi, di ba?

“At least, may ginagawa yung tao at may ginagawa talaga at nagagawa niya.

“Kesa dun sa mga pulitikong puro salita and wala na sa lugar ang sinasabi maging open-minded ho tayo.

Continue reading below ↓

“Tao ho tayo, hindi tayo machine.

“May mga utak at puso ho tayo at malapit ho tayo sa presidenteng tao ho, hindi ho sa machine.”

Natanong din si Daniel pagdating sa pagkakaiba-iba ng susuportahan ng kanilang pamilya.

Halimbawa, ang kanyang tito na si Robin Padilla ay maka-Rodrigo Duterte.

Sagot ni Daniel, “Oo, yun nga.

“Sabi ko, iba-iba nga ang opinyon ng bawat tao, so ang hirap din kasi.

“Pero ise-set aside mo yung pamilya sa pulitika, dahil mahirap.

“Pero dapat nasa lugar din kayo at irespeto ang bawat desisyon. Huwag kayong nagkakatapakan.”  

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Daniel Padilla says there should be respect for each other's choice of candidates this election. While Daniel is supporting Mar Roxas, his uncle Robin Padilla is supporting Rodrigo Duterte.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results