Bea Alonzo not yet happy with her performance in And I Love You So

Bea Alonzo believes the message of And I Love You So, her new movie with Star Cinema, will help ease the pain that widows are feeling because of the loss of their husbands. "I think so kasi laging may resolution sa dulo, and it's very heartwarming. Kagaya ng lagi naming sinasabi sa trailer 'it will make you not be afraid to fall in love again.' So ayun, ang ganda ng message ng pelikula," the actress said.


Kahit halatang napagod si Bea Alonzo kagabi, August 11, matapos ang matagumpay na movie premiere ng And I Love You So sa Trinoma Mall, Quezon City, ay pumayag pa rin siyang magpa-interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Nakangiti ang aktres habang ikinukuwento ang mga naramdaman niya habang pinapanood ang pinakabagong pelikula niya sa Star Cinema opposite Derek Ramsay and Sam Milby.

Ayon kay Bea, masaya siya dahil napanood na niya nang buo ang pinaghirapan nila. Gayunpaman, hinid raw niya masyadong na-enjoy ang pelikula dahil sa pinapakinggan niya muna ang comments ng mga nanonood.

"'Pag ganito talaga, hindi pa ako masyadong maka-react," sabi ni Bea. "Kasi sa premiere night, parang mas open yung ears ko sa lahat ng comment nila. So, parang hindi ko pa siya maramdaman. Siguro one of these days, I'm gonna watch the regular screening with my friends, then dun mararamdaman ko na."

Punong-puno ng fans ang TriNoMa Level 4 cinema lobby para abangan ang mga artista, at marami naman ang hindi na nakapasok sa screening sa Cinema 6 dahil punong-puno rin ito. Malaki ang pasasalamat ni Bea dahil positive daw ang reaction ng mga tao.

"Sobrang overwhelmed nga ako, sobrang happy na ang dami ng suporta na nakukuha namin, and I just wanna thank all of them for doing that," pasasalamat ng Box-Office Queen 2007.

DARING SCENE. Tinanong naman ng PEP kung ano ang masasabi ni Bea nang makita na niya ang pinag-uusapang daring love scene niya with Sam sa pelikula. Ayon sa aktres, kahit importante ang naturang scene, sana hindi rito ituon ang lahat ng pansin dahil mas maganda kung ang buong pelikula nila ang pag-uusapan.

"Let's not focus on the scene, let's focus on the movie. Happy ako na finally na nakita ko na yung buong pelikula, nakita ko na yung pinaghirapan namin," saad ni Bea.

Dagdag niya, isa naman sa mga tagpong nahirapan silang gawin ay ang eksena kung saan iyak siya nang iyak sa loob ng kotse habang naglalasing. Kitang-kita sa napakalungkot na eksenang ito ang paghihinagpis ng character ni Bea dahil sa pagkawala ng kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko, magical moment yun sa 'ming lahat na nagawa nang tama yung eksena. Because it was a hard scene, parang madaling umiyak. Mahirap magpaka-sincere, so mahirap kapag ganun kalalim yung pinahuhugutan," sabi ng aktres.

Nabigyan niya kaya ng justice ang role bilang isang widow?

"Ay, hindi ko alam, hindi po yata dapat ako mag-judge," sabi niya.

So, hindi siya na-satisfy sa pag-arte niya sa pelikula?

"I never satisfy myself, I'm never satisfied with my job. I'm hard on myself, hindi ako tumitigil. I mean, kahit na okay na kay Direk, sa 'kin hindi pa rin okay yun. And I think it's a good trait para hindi naman ako maging kampante, tapos pababayaan ko na yung trabaho ko," paliwanag ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN