Writer accuses Karen Davila of plagiarism

"...She committed plagiarism by lifting and appropriating my words for her own use without a by-your-leave or a thank-you, how unprofessional, how dishonest, how disgraceful," says writer Angela Stuart Santiago about ABS-CBN broadcaster Karen Davila (in photo).


Si Loi Reyes Landicho, 2008 Philippine Blog Awards winner, ang nagpadala sa writer na ito ng kopya ng reklamo ng writer at book author na si Angela Stuart-Santiago laban sa ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila.

Si Angela ang may-akda ng Himagsikan sa EDSA—Walang Himala!, at sa kanyang Internet blog (www.stuartsantiago.com) kahapon, August 11, ikinuwento niya ang diumano'y pangongopya ni Karen sa kanyang akda sa documentary ng ABS-CBN na Laban Ni Cory.

May pamagat na "Plagiarism and, Uh Karen Davila? Is that you?!" ang blog ni Angela.

Ito ang buong bahagi ng pahayag ni Angela mula sa kanyang blog:

"While it was great that upon Cory's death Pinoy TV was swamped with docus that revisited her exalted place in Philippine history, one docu, Laban Ni Cory, produced and aired many times by ABS-CBN 2 from August 2, 2009 onward, raised my ire and my eyebrows.

"My ire because some of Karen Davila's narrative spiels covering the period of the snap elections through to EDSA sounded oh so familiar, so very close to, if not my very own words in Himagsikan sa EDSA—Walang Himala! and yet there was no attribution, as though Karen Davila herself researched and wrote the stuff (wow ang galing), something that took me all of twelve years, lol.

"The docu's closing credits list the writers and researchers. I expect the researchers cited their sources of info, it's part of the job, and if so, who decided not to mention na lang these sources, the writers or the hosts? Na okay lang naman as long as magaling sila and they can write the material in their own words. But even then, dapat ay mayroon pa ring acknowledgement sa dulo ang sources of information na hindi pa common knowledge.

"Kung hindi pala sila ganoong kagaling, dapat ay inamin nila by writing-in "ayon kay... sa librong so-and-so...." or maybe it was Karen Davila who couldn't be bothered with "ayon sa's", akala niya ay makakalusot?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Whatever, whoever, wittingly or un-, she committed plagiarism by lifting and appropriating my words for her own use without a by-your-leave or a thank-you, how unprofessional, how dishonest, how disgraceful.

"Nakakataas ng kilay kasi it doesn't take much time and effort to cite and acknowledge sources. Unless of course the idea is to give the impression that hosts and writers of ABS-CBN News & Current Affairs productions are all-knowing and sufficient unto themselves?

"So, okay, now that I've vented, what next? What do I expect? Well, iniisip ko nga. An apology? Too easy to shed crocodile tears. Credits on the docu? Rather too late, unless of course they have plans of selling dvds, in which case, okay, credits, and a share in the profits?

"Suggests a writer friend: like a lawyer can be disbarred, a beauty queen forced to abdicate, ask for the head of the plagiarist in the form of dismissal or suspension. Or how about punishing the culprit by having her write a million times in longhand a very long mea culpa — the equivalent of 20 years of keyboarding chores or tendonitis. Oscar Lopez could also buy the next edition of your book to give away to all libraries nationwide. Sounds good, all of the above."

PLAGIARISM. Ayon sa Law Encyclopedia, plagiarism is "the act of appropriating the literary composition of another author, or excerpts, ideas, or passages therefrom, and passing the material off as one's own creation.

"Plagiarism is theft of another person's writings or ideas. Generally, it occurs when someone steals expressions from another author's composition and makes them appear to be his own work. Plagiarism is not a legal term; however, it is often used in lawsuits."

Ito naman ang mga pagkukumpara ni Angela sa malaking pagkakahawig ng narrative spiels ni Karen sa ABS-CBN documentary na Laban Ni Cory sa nilalaman ng libro niyang Himagsikan sa EDSA: Walang Himala! para lubos na maintindihan ang isyu:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

I
KAREN DAVILA:

(010) Sa paniniwalang sila ang tunay na nanalo sa eleksiyon, isang victory rally ang inilunsad sa Luneta nina Cory at Doy, na dinumog naman ng mahigit isang milyong tao.

(013) At bilang tugon sa malawakang dayaan sa eleksyon, inilunsad nina Cory Aquino at Doy Laurel ang civil disobedience campaign. Hinimok ang taong bayan na huwag magbayad ng kuryente, tubig, at iboykot ang media, bangko at iba pang kompanyang pag-aari ng mga tuta ni Marcos. Marami ang sumang-ayon at sumunod sa panawagang ito. Wala pang isang linggo mula nang unang manawagan ng boycott si Cory nameligro ang ekonomiya ng bansa at nataranta ang mga negosyante.

HIMAGSIKAN SA EDSA-Walang Himala! page 40 last paragraph

Ika-16 ng Pebrero, sa isang "victory rally" sa Luneta na dinumog ng mahigit isang milyong tao, inilunsad nina Cory Aquino at Doy Laurel ang kanilang civil disobedience campaign. Nagpilit si Cory na siya ang nagwagi sa eleksiyon at nangakong pupuwersahin niya si Marcos na magbitiw, sabay hinimok ang taong-bayan na sabayan siya sa pagsuway sa mga utos ng diktador—huwag magbayad ng koryente at tubig, iboykot ang crony media at crony banks, gayon din ang Rustan's Department Store, San Miguel Corporation, at iba pang kompanyang pag-aari ng mga tuta at katoto ni Marcos.

page 42 paragraph 2

Wala pang isang linggo mula nang unang manawagan ng boykot si Cory...

page 41 paragraph 1

Nataranta ang malalaking negosyante, gayon din ang multinationals ...

II

DAVILA:

(022) Kakaiba na noon ang ihip ng hangin. Palaban na ang taong bayan, sabik sa pagbabago at may natatanaw nang pag-asa, salamat sa biyuda ng isang tao ...

HIMAGSIKAN page 42 last paragraph

Salamat sa biyuda ni Ninoy, kakaiba na noon ang ihip ng hangin. Mapanghimagsik na ang timpla ng taong-bayan, punong-puno bigla ng pag-asa, sabik sa mga naamoy na pagbabago, noong bisperas ng EDSA.

III

DAVILA

(063) Naghudyat si Ver ng all out attack sa riot police, sa marine artillery, sa mga helicopter gunship, at mga jet bomber.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(067) Naririnig din si Marcos sa radyo. Isinusumpang lilipulin ang mga rebelde.

HIMAGSIKAN page 135 paragraph 2

Sa Fort Bonifacio, naghudyat sina Ver at Ramas ng all-out attack sa riot police, sa Marine artillery, sa mga helicopter gunship, at sa mga jet bomber. Naririnig si Marcos sa radyo, isinusumpang lilipulin ang mga rebelde.

IV

DAVILA

(070) Pumosisyon ang mga sundalo at nagkasahan ng mga baril. Subalit walang atakeng nangyari. Lumapag ang mga chopper sa Crame. Isa-isang lumabas ang mga pilot, may hawak na mga puting bandila at nagla-Laban sign.

HIMAGSIKAN page 138 paragraph 4

Napakagat ng labi ang mga sundalo, nagkasahan ng mga baril, pumosisyon.

page 139 from last paragraph page 138

Isa-isang lumalabas ang mga piloto, may hawak na mga puting bandila at nagla-Laban sign.

DAVILA

(076) Alas-singko ng hapon, sa kabila ng banta sa kanyang seguridad sumaglit sa EDSA si Cory ...

(081) Sa main entrance ng Philippine Overseas Employment agency o POEA building nagbigay siya ng maikling talumpati sa mga taong nagtipon sa kantong iyon ng Ortigas at EDSA. Pinuri ni Cory ang mapayapang pagkilos ng mga tao...

HIMAGSIKAN page 165 paragraph 1

Bandang 5:00 ng hapon, nagpakita sa wakas sa EDSA/Ortigas si Cory Aquino, na Sabado pa ay hinahanap na ng mga Coryista. Sa main entrance ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) building, sa kanto ng EDSA at Ortigas, siya dumaan kasama ang kanyang pamilya at mga tagapagtaguyod.

paragraph 5

Sa kanyang talumpati sa mga taong nagtipon sa kantong iyon ng Ortigas at EDSA, pinuri ni Cory ang mapayapang pagkilos ng mga tao ...

Kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang panig ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Corporate Communications nila. Alam na raw nila ang tungkol sa isinulat ni Angela ngunit wala pa raw silang opisyal na pahayag tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN