Kristine Hermosa on relationships: "Takot na ako just to cling to someone."

"'Pag nai-share mo na sa isang tao yung a part of you, lalo na kung boyfriend na, siyempre, parang kalahati ng buhay mo, naibibigay mo sa kanya, nakakatakot na. Baka masaktan na naman ako, the same amount na nakuha ko in the past. Mahirap kasi yun," says Kristine Hermosa.


Maraming natutunan si Kristine Hermosa sa dalawang past relationships na napasukan niya. Una, kay Jericho Rosales na siyang first love niya. Pangalawa, kay Diether Ocampo na pinakasalan pa niya, pagkatapos ay napawalang-bisa na naman ang ugnayan niya rito.

"Takot na ako to just cling to someone," pag-admit ni Tintin.

"Hindi sa di ko na pinapahalagahan, kasi, bawat taong dumarating sa buhay ko, binibigyan ko ng espesyal na atensiyon. 'Pag nai-share mo na sa isang tao yung a part of you, lalo na kung boyfriend na, siyempre, parang kalahati ng buhay mo, naibibigay mo sa kanya, nakakatakot na. Baka masaktan na naman ako, the same amount na nakuha ko in the past. Mahirap kasi yun."

NO COMMITMENT YET. Kaya aminado man si Kristine na si Oyo Sotto ay nagpapatibok ng puso niya, dahil alam niyang mahal siya nito, hindi pa rin dumarating sa puntong mayroon na silang commitment.

"Oyo is a very nice guy," sabi pa ni Tintin. "In the past, may mga nakarelasyon na rin siya, and I should say, sa pagkakakilala ko kay Oyo, at three years na yung closeness namin, pero wala pa ring commitment—malamang na pinagsisisihan din nila na napakawalan pa nila si Oyo.

"Pero, naiisip ko rin, nasa compatibility rin yun ng dalawang tao. Baka nga hindi siya naging compatible sa iba, kami ni Oyo yung bumagay talaga. Hindi tayo pare-pareho. Baka yung mga ex niya, hindi ko talaga katulad, or they are much better for Oyo. Hindi natin alam.

"Si Oyo, baka hindi rin siya ganoon sa iba, the way that he's treating me. Hindi mo rin masasabi talaga."

MATURE FANS. Nagpaparehang muli sina Jericho at Tintin sa Dahil May Isang Ikaw, isang padating na teleserye ng ABS-CBN, na ang airing ay mag-uumpisa na sa August 24. Hindi kaya ang pagiging open din ni Tintin sa nararamdaman niya kay Oyo ay maka-spoil sa init na pupuwede pang maibigay sa pagbabalik ng teamup nila ni Echo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam, pero, uso pa ba yan?" nasabi na lang ni Tintin. "Ang alam ko, na-establish na namin ni Echo ang career namin, and we have survived kahit wala muna yung isa't isa. Our working relationship has become much better, at walang problema rito kung ano yung kanya-kanyang personal na bagay sa buhay namin.

"At the same time, yung following namin ni Echo, nag-grow rin kasama namin. Hindi na rin iniisip ng marami yung personal na kaugnayan ng mga ina-idolize nila. Basta nasisiyahan sila, nae-e-ntertain sila sa mga bagong kombinasyon o pagbabalik ng teamups, tatangkilikin pa rin nila yan."

Pagpapatuloy ng aktres, "Besides, pinagtatrabahuan namin nang husto ang Dahil May Isang Ikaw. Hindi naman guarantee yung, dahil lang sa love team namin ni Echo, magki-click ang teleserye. Nariyan pa yung ibang ingredients—yung istorya, yung cast, at mahuhusay rin ang mga kasama namin dito na hindi matatawaran ang kakayahan at hatak sa masa, like Miss Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, John Estrada, Karylle, and the others."

A GOOD LOVER. Si Oyo ay napapag-usapan na rin lang dahil part naman talaga ito ng personal life ni Tintin sa ngayon, pero wala itong kinalaman sa trabaho niya.

"Puwedeng manghinayang ang iba kay Oyo, pero kung ako ang mawawala sa kanya, palagay ko, sa akin talaga siya manghihinayang," natatawang sabi pa ni Tintin.

"Masarap akong magmahal, e. Kapag nakuha mo ang pagmamahal na yun, hindi mo na gugustuhing mawala," pagwawakas ni Tintin sa interbyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN