NBI recommends that DOJ file acts of lasciviousness case against Aljur Abrenica

After two months of investigation, the National Bureau of Investigation recommends to the Department of Justice the filing of acts of lasciviousness against actor Aljur Abrenica, based on findings regarding the complaint of a 15-year-old girl.


Matapos ang mahigit dalawang buwan na imbestigasyon, kinatigan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsampa ng kaso ng isang 15-year-old na babae laban sa aktor na si Aljur Abrenica. (Click here to read related article)

Ayon sa ulat ni Timmy Nubla ng TV Patrol World, base sa imbestigasyon ng NBI, may sapat na batayan daw ang dalaga sa reklamo niyang acts of lasciviousness laban sa 19-year-old actor. Sa rekomendasyong pinadala ng tanggapan ng NBI sa Department of Justice, isa-isang idinetalye ang naging resulta ng imbestigasyon.

Ayon sa NBI, nagkakilala ang complainant at si Aljur noong April 10, 2009 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro nang mag-promote ng isang brand ng alak ang complainant. Nagkakwentuhan daw ang kani-kanilang grupo noong araw na iyon hanggang sa dumating sa puntong hinahawakan na raw ni Aljur ang kamay, braso, at balikat ng complainant. Ikinuwento rin ng complainant na ilang ulit daw dumaplis ang kamay ni Aljur sa kanyang dibdib.

Noong sumunod na araw, April 11, nagkita muli ang complainant at si Aljur. Naulit diumano ang pagsagi at pagdaplis ni Aljur sa dibdib, baywang, at puwet ng dalaga.

Sa ngayon, nasa opisina na ng Chief State Prosecutor ang rekomendasyon ng NBI. Wala pang petsa kung kailan maglalabas ng desisyon kung itutuloy ang kaso laban kay Aljur.

Ilang ulit nang pinabulaanan ni Aljur na may ginawa siyang di kanais-nais sa complainant. Aniya, "Ang sa akin lang po talaga, ipinaglalaban ko yung katotohanan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN