UPDATED: Annabelle Rama vows not to stop even with her slander case against Wilma Galvante dismissed

"Ako'y nag-e-enjoy sa hearing. Meron tayong Trial Court, Court of Appeals & Supreme Court. Fiscal pa lang kami. Mauubos ang pera ni Wilma sa kasusuhol para manalo. Again, uulitin ko, matira matibay. Di ako titigil!" Annabelle Rama says in a text message about the dismissal of her grave oral defamation case against GMA-7 executive Wilma Galvante (inset).


Ipinadala ng talent manager na si Annabelle Rama sa pamamagitan ng text message ang sagot niya sa dismissal ng grave oral defamation case na isinampa niya laban sa GMA SVP for Entertainment TV na si Wilma Galvante. (Click here to read related story.)

Ganap na 4:59 p.m. nang matanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang text message mula kay Annabelle. May pakiusap din siya na huwag i-edit ang kanyang statement. Gusto ni Annabelle na maiparating sa lahat nang buong-buo ang kanyang saloobin sa naging desisyon sa kaso niya laban kay Ms. Galvante.

Narito ang buong pahayag ni Annabelle:

"I just heard that my case against Wilma was dismissed. Obvious ba? The wife of Wilma's lawyer is the assistant prosecutor of Quezon City.

"I was advised by my friends not to file my case in Quezon City dahil walang mangyayari. I believed the justice system aandar sa case ko. Umpisa pa lang ang laban. Mahaba ang lalakbayin sa kasong ito. I will file motion of reconsideration para i-review yung case.

"I filed slander because sinisiraan ako ni Wilma sa talent ko na si JC de Vera na sinusulot niya sa akin. At yung pangungurakot niya sa akin. Clear na clear ang panghihingi niya ng dollars at mga bags. Five years na akong kinokotongan.

"Ako'y nag-e-enjoy sa hearing. Meron tayong Trial Court, Court of Appeals & Supreme Court. Fiscal pa lang kami. Mauubos ang pera ni Wilma sa kasusuhol para manalo. Again, uulitin ko, matira matibay. Di ako titigil!

"Duwag ka talaga! Ang tapang mong magdemanda sa akin. Bakit mo winidraw yung finile mong TRO at injunction? Tinakot mo pa lahat ng press na sumulat sa interview ko tungkol sa 'yo. Nagmukha silang tanga, dala-dala ang mga clippings sa court! Pati tape interview ko sa TV Patrol, pina-subpoena mo. Pati interview ko sa radyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano 'yan, harassment? Or pananakot? So ngayon, free na ako magpa-presscon at magpa-interview.

"Isang hearing pa lang natin sumurender ka na? Di pa ako nag-enjoy yung last hearing. Nabitin ako, excited na akong umupo sa witness stand para sabihin ko ang lahat ng baho mo!"

Ang text messages na ito ay siyang ipinadala ni Annabelle Rama. Lamang, ito ay ang proofread-version ng writer. Narito naman ang original ang text messages ni Annabelle:

"I just heard dat my case against Wilma was dismissed. Obvious b? D wife of Wilma's lawyer s d asst prosecutor n Q.City. I was advised by my friends not2 file my case n Q.city dahil walang mangyayari. I believed d justice system aandar sa case ko. Umpisa palang ang laban. Mahaba pa ang lalakbayin sa kasong ito. I will file motion for reconsideration para e-review yung case. I filed slander bec sinisiraan ako ni Wilma sa talent kung c JC de vera at sinusulot nya sa akin,at yung pangungurakot nya sa akin. Clear na clear ang panghihingi nya ng dollars,mga bags. 5yrs na akong kinukutungan. Ako'y nag-enjoy sa hearing meron tayOng trial court,court of appeals & supreme court. Fiscal pa lang kami. Mauubos ang pera ni Wilma sa kasusuhol para manalo. Again,uulitin ko matira matibay. Di ako titigil."

"txt ko kay wilma)
Duwag ka talaga! ang tapang mong magdemanda sa akin. Bakit mo winidraw yung finile mong TRO at injunction? Tinakot mo pa lahat ng press na sumulat sa interview ko tungkol sayo. Nagmukha silang tanga dala-dala ang mga clippings sa court. Pati tape interview ko sa t.v patrol pinasubpoena mo. Pati interview ko sa radyo. Ano yan harassment?or pananakot? So ngayon free na ako magpapresscon at magpainterview 1 hearing palang natin sumurrender kana? Di pa ako nag-enjoy yung last hearing nabitin ako,excited na akong umupo sa witness stand para sabihin ko ang lahat ng baho mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN