Richard Poon admires Maricar Reyes's poise under pressure

"Kahit naman sinong lalaki ang tanungin mo, name-mesmerize sa kanya. Lalo na kapag nami-meet na siya, mabubura yung negative impression, and in turn, mas makaka-empathize ka pa sa kanya," says Richard Poon about newcomer Maricar Reyes, whom he worked with in a music video.


Big band crooner Richard Poon has all the reasons to be happy about the forthcoming concert Sessionistas. Itatanghal ang much-awaited first concert nila—kasama ang mga kapwa niya ASAP '09 Sessionistas na sina Duncan, Aiza Seguerra, Sitti, Nina, at ang MYMP—sa Araneta Coliseum sa August 28.

Sa press launch na ginanap kahapon, August 12, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN compound, ang naging topic of controversy kay Richard ay ang pagkaka-link niya kay Maricar Reyes, ang controversial newcomer na nasangkot sa sex video scandal ni Dr. Hayden Kho. Pero tahimik na humahataw ang kasikatan ni Maricar dahil sa magandang suporta ng ABS-CBN sa kanya.

"Sobrang poise under pressure pagkatapos ng controversy that she has to face," sabi ni Richard tungkol kay Maricar. "That is something which even the whole nation has been moved by—her poise, and that's something very admirable. Not even on the romantic level, but as just a person to person, hahangaan mo talaga."

Nagkasama ang dalawa sa isang music video na kailan lang ay kinunan, at isang buong araw yun na nagkatrabaho sila sa Batangas. Sa kabuuan, magandang experience daw yun para kay Richard, and he has gained a friend in Maricar.

In fact, naging usap-usapan sila dahil sa paglitaw ni Richard sa premiere night ng And I Love You So, kung saan sinabi niyang sinusuportahan niya ang kaibigang si Sam Milby. Pero ang talaga raw gustong makita ng singer ng gabing yun ay si Maricer. Mula pala nang magkasama sila doon sa music video, they have been exchanging text messages.

"Pero talagang friends lang kami ni Maricar," giit ni Richard sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "At kahit naman sinong lalaki ang tanungin mo, name-mesmerize sa kanya. Lalo na kapag nami-meet na siya, mabubura yung negative impression, and, in turn, mas makaka-empathize ka pa sa kanya.

"Yung text messages, hindi naman yung nagpapadala na ako ng sweet nothings. Just hi and hello, pero iba na kapag laging naggi-greet ako sa kanya. Hindi naman ganoon. So, I guess, hindi masasabing romantic feeling na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SESSIONISTAS. Ang concert simply entitled Sessionistas, na pino-produce ng partners na sina Jojo Romualdo at Edgar Mangahas ng MJM Entertainment, ay nabuo sa ASAP '09 at nag-transcend into a different kind of barkadahan habang nagtatagal.

"Gusto kong pasalamatan si Dido Camara [concert director] na nakapag-isip talaga na pagsama-samahin kami," sabi ni Richard.

Patuloy niya, "Just how normally it happened... Noong una, nagkakailangan kami. Minsan, song ni Aiza, gusto kong mag-backup, pero baka sabihin nang-eepal ako. Eventually, we talked, kami ni Sitti, lagi ko siyang nakakapareha. I ask her, 'Can we do this?' Tapos, nagbaba-backup na ako sa kanya.

"Tapos, si Aiza, I want to thank her also kasi siya yung comic person. Si Juris [of MYMP], natutuwa na sa kanya. Si Aiza ang parang ice breaker sa grupo, kaya everybody's talking to each other na after that. Until, hayun, nagkakayayaan nang lumabas. After ASAP, everybody would go. We laugh and talk about life.

"Mayroong isa sa amin, nagkamali minsan, medyo feeling down. Aiza would tell us a story, yung worst performance niya. So, over lunch, nag-bond kami. Kaya yung nakikita ninyo sa stage, sa TV, napakasaya niya. Truly, na-build yung friendly relationships, at hindi yung naririto lang kami just to work."

Aside from music, ang totoong nagba-bond sa kanila ay pagkain. They all love eating together.

"Sina Aiza at Juris, laging nagyayaya," kuwento pa ni Richard. "Dahil gusto namin ang music, naghihiraman kami ng CDs. We talk a lot. I'm not a good dancer, so I would go to Duncan. Insecure ako sa ibang moves, I ask help from him. We have so much to talk about. Even relationships and failures. Halos lahat pinag-uusapan namin, kaya hindi lang ito umiikot lang sa pagkanta.

"Clueless kami, hanggang lumalapit na yung ibang co-artists namin sa ASAP and telling us, masaya ang grupo namin, natural sa screen, and we're just laughing it off the whole time. It's really friendship. At ang nag-start niyan, si Aiza, 'cause I would like to thank her for the jokes. Juris came in. Kami ni Sitti, nagsama na sa ibang shows. Pasok si Duncan. Super-saya!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN