Dingdong Dantes will have a TV special on GMA-7

Kapuso star Dingdong Dantes will be given by GMA-7 a TV special that will feature his life, career, and lovelife. Meanwhile, a bus covered with Dingdong's giant photo (inset) was spotted parked in front of the GMA Network Center.


Kapansin-pansin sa mga programa ng GMA-7 ang teaser kung saan ipinapakita si Dingdong Dantes, pero hindi naman malinaw kung tungkol saan ito. Pero napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na ito ay tungkol pala sa TV special ni Dingdong na mapapanood sa August 30 sa SNBO. (Ang Sunday Night Box Office ay late-night show ng GMA-7 na kasunod ng Ful Haus ni Vic Sotto.)

Ang naturang show ay isang docu-musical na tatalakay sa buhay, career, at pag-ibig ng isa sa itinuturing na top Kapuso actors.

Ang TV special ay may tatlong bahagi: Una, ang kanyang post-birthday special; pangalawa, ang launching ng kanyang foundation; pangatlo, ang isang proyektong kaniyang pinagkaabalahan at pinagtuunan ng oras ng ilang linggo na rin. Ayon kay Dingdong mismo, ang huli ay napakahalaga at napaka-personal para sa kanya.

Bukod sa mga ito, may isa pang ilu-launch si Dingdong sa kanyang TV special—isang espesyal na regalo niya para sa kanyang mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Pero nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong kahapon, August 13, ayaw muna niyang ibigay ang detalye tungkol sa isa pa niyang ilu-launch sa TV special niya. Ang buong detalye raw nito ay mas maganda kung sa mismong show na raw matunghayan ng mga manonood.

Napag-alaman din ng PEP na isa sa magiging guest sa TV special ni Dingdong ay ang rumored girlfriend niyang si Marian Rivera, at iba pang Kapuso stars na masasabing naging malapit din kay Dingdong.

May nagpadala naman sa amin ng picture ng bus na may naka-print na "Dingdong's Dream Drive," na nakitang nakaparada sa labas ng GMA compound at posible raw na ginamit o gagamitin sa TV special ng aktor.

Ayon sa nagdapala sa amin ng picture, may kaugnayan daw ang naturang bus sa isang dream ni Dingdong na natupad o matutupad, na malalaman din ng publiko kapag ipinalabas na ang naturang TV special niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN