Lorna Tolentino returns to heavy drama via ABS-CBN's Dahil May Isang Ikaw

"Ito talaga ang na-miss ko. Yung ganitong klaseng drama kung saan mapapansin pa rin ang mga gaya namin, na medyo adults na kung ikukumpara sa mga kabataang artista. Kailangan pa rin namin ng roles na magbibigay ng importansiya sa amin. Yun ang nararamdaman ko sa treatment sa akin sa ABS-CBN kaya gusto ko dito," says Lorna Tolentino with candor.


Inaabangan na ng marami ang pagbabalik ni Lorna Tolentino sa telebisyon, at magaganap ito sa upcoming primetime series ng ABS-CBN, ang Dahil May Isang Ikaw, na magsisimula sa August 24, 2009, sa Primetime Bida.

Humarap si Lorna sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press para sa special presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN kaugnay ng Dahil May Isang Ikaw. Ginanap ang solo presscon niya sa Bagoong Restaurant sa Sct. Lazcano, Quezon City.

May isang taon din halos na nawala sa TV si Lorna pagkatapos yumao ng kanyang asawang si Rudy Fernandez dahil sa cancer. Pero hindi madaling makalimutan ang aktres sa huli niyang ginawang teleserye sa ABS-CBN, ang Kay Tagal Kang Hinintay (2002-2003), na naglunsad sa tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo

"Ito talaga ang na-miss ko," pag-amin ng premyadong aktres sa panayam. "Yung ganitong klaseng drama kung saan mapapansin pa rin ang mga gaya namin, na medyo adults na kung ikukumpara sa mga kabataang artista. Kailangan pa rin namin ng roles na magbibigay ng importansiya sa amin. Yun ang nararamdaman ko sa treatment sa akin sa ABS-CBN kaya gusto ko dito."

Nilinaw niya, "Pero, malaki ang utang na loob ko sa GMA-7. lalo noong panahong kailangan din ng pamilya namin ang suporta, hindi sila nagpabaya. Isinali nila ako sa Startalk noon, at madali akong nakaipon. Kasi, weekly yun na isang oras at mahigit lang akong nagpupunta sa studio, sumusuweldo ako. Pero mas gusto ko siyempre, makuha ko yung fulfillment bilang artista."

At nakuha ito sa sa deal niya with ABS-CBN?

"Don't get me wrong," aniya. "Sabi ko nga, malaki ang utang na loob ko sa GMA-7 at habambuhay kong tatanawin yun sa kanila. May pagkakataon lang kasi na para mabigyan nila ako ng trabaho, kung ano na lang ang pupuwede. Pero, okay pa rin yun.

"Yun nga lang, for a time, ayoko naman ng basta nanay role lang na nandoon lang. Kasi sa Dos, gaya nina Gina PareƱo, Helen Gamboa, even Anita Linda, nasa Tayong Dalawa sila at hindi lang sila basta inilagay doon. Nandoon yung importansiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang point ko, at ngayon pa lang, yun ang nararamdaman ko dito sa Dahil May Isang Ikaw. Alam kong suporta ako kina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, pero kami ni Gabby [Concepcion], malalaki at mahahalaga ang exposures namin dito, kaya pinaghandaan ko rin talaga ito."

KISSING SCENES. Ipinapakita sa ilang eksena ng Dahil May Isang Ikaw na may kissing scenes na sila ni Gabby. Dati pa rin namang ginagawa ni LT ito kahit noong nabubuhay pa si Rudy, pero may panahon talagang nag-give up na siya sa torrid kissing sa screen.

"Nagkaroon na ako ng limitasyon, self-imposed," sabi ng aktres. "Kasi at that time lumalaki na yung mga bata. Nagtatanong na 'yan. Kung anu-ano na ang naririnig. Naipapaliwanag ko naman sa kanila ang tungkol sa trabaho ko, pero mabuti na rin yung hindi na nila nakikita."

Masayang pagbabalita ng celebrity mom, "Ngayon siguro, medyo okay naman, pero may limitasyon pa rin. Malalaki na ang mga anak ko. Mga binata na sina Rap-Rap [Ralphe] at Renz. Si Ralphe, gusto nang magdirek. Si Renz, one year na lang ang bubunuin sa UP Diliman sa kursong Philosophy. Nagku-concentrate siya doon dahil candidate siya for cum laude, kaya talagang nagsisikap na mapataas o ma-maintain pa ang grades."

Kapansin-pansin lang na habang nagsasalita si Lorna tungkol sa kissing scenes nila ni Gabby ay bahagyang nagkaroon ng power failure ang microphone ng aktres. Biro ni LT, pag-disapruba raw yun mula kay Daboy sa torrid-kissing-scene issue.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN