Meet the castaways of Survivor Philippines: Palau

The Castaways: (top, from left) Justine Ferrer, Echo Caceres, Maya Segovia, Amanda Coolley Cooll, and Tara Macias; (bottom, from left) Louie Ang, Suzuki Sadatsugi, Vlad Nesas, Marvin Kiefer, and Cris Bolado.

More photos


Pormal nang ipinakilala sa entertainment press ang 16 castaways ng Survivor Philippines: Palau—ang second season ng hit reality show ng GMA-7—sa grand launch ng programa kagabi, August 13, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Hindi gaya ng unang season na pagkatapos ma-vote out ang castaway ay saka lang sila ipapakilala sa press, ngayong second season ay ipinakita na sila nang personal bago pa man ang pilot episode ng Survivor Philippines: Palau sa Lunes, August 17.

Mistulang naging beauty contest o personality search ang ginawang pagpapakilala ng 16 castaways—walong babae at walong lalake—kung saan sinabi nila ang dahilan kung bakit sila ang dapat tanghaling Pinoy Sole Survivor. Sa panahong iyon, alam na nila kung sino ang mga unang natanggal dahil matagal na ngang tapos ang taping ng Survivor Philippines: Palau, at alam din nila kung sino ang mga natira sa huli.

Ito ang dahilan kung kaya't pagkatapos ng presentation ng 16 castaways kagabi ay hindi na sila pinakausap sa entertainment press para masiguro ang confidentiality ng mga naganap habang nasa Palau sila.

Kapansin-pansin na halos lahat ng 16 castaways ngayong second season ay mukhang artistahin. Pero nilinaw ng host ng Survivor Philippines: Palau, si Paolo Bediones, na pinili nila ang mga castaways this season primarily dahil sa kanilang personality. Nagkataon nga lang daw na maganda ang kanilang mga hitsura, na plus factor din para subaybayan lalo ng mga manonood ang second season ng reality show ng Kapuso network.

CRIS BOLADO & THE OTHER CASTAWAYS. Kabilang sa 16 castaways ang dating PBA player na si Cris Bolado, na naglaro sa iba't ibang koponan kabilang na ang Barangay Ginebra. Ayon kay Paolo, nag-audition si Cris sa Batangas.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Paolo kung hindi kaya naging target agad ng ibang castaways ang pagpapatalsik kay Cris dahil sa celebrity status nito.

Ani Paolo, "That's what we thought, but dun namin na-realize, no matter who you put, kung marunong maglaro at mag-strategize... Kasi, it's a social game, e. Kung magaling ka sa gano'n, you will stay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, whether target siya, hindi ko masasabi, e. That's why we also want celebrities. But Cris retired 2004... So that was his challenge, yun ang challenge sa kanya. Kasi we wanted this guy, 6'6", he auditioned in Batangas! Parang ang sarap kunin, di ba? So, nung kinuha namin, alam namin puwedeng maging target. 'Bahala ka na, Cris, kung paano mo gagawan ng paraan 'yan.'"

At 39 years old, si Cris ang pinakamatanda sa male castaways this season.

Ang pinakamatanda sa mga babae at sa lahat ng castaways ay ang 45-year-old school teacher na si Carol Gementiza.

Pinakabata naman this season ang 18-year-old model na si Marvin Kiefer. Nabanggit ni Paolo na nag-audition din si Marvin sa first season ng Survivor Philippines, pero 17 lang siya that time kaya hindi siya napili.

Nakakintriga naman ang pagpapakilala ng 29-year-old businesswoman at beauty queen na si Justine Ferrer sa kanyang sarili. Aniya, "Looks can be deceiving and this is what I am." Ang kanyang "uniqueness" daw ang kanyang susi sa pagiging castaway.

Si Tara Macias naman ay kapatid ng unang natanggal sa first season ng Survivor Philippines na si Chev.

Narito ang 16 castaways ng Survivor Philippines: Palau na mapapanood sa GMA-7 simula sa August 17:

Amanda Coolley Van Cooll, 25 (construction worker, Mindoro)

Carol Gementiza, 45 (public school teacher, Iloilo)

Echo Caceres, 20 (call center agent, Bicol)

Jef Gaitan, 22 (print and commercial model, Laguna)

Justine Ferrer, 29 (businesswoman, Kalookan)

Maya Segovia, 32 (military officer, Batangas)

Mika Batchelor, 25 (chef and restaurant owner, Palawan)

Tara Macias, 19 (Korean English tutor, Cebu)

Charles de Vera Fernandez, 21 (businessman, Dagupan)

Cris Bolado, 38 (basketball clinic instructor, Quezon)

Louie Ang, 24 (IT Technical, Pasig)

Marvin Kiefer, 18 (model, Cagayan de Oro)

Shaun Rodriguez (government employee, Zambales)

Suzuki Sadatsugu, 21 (student/model, Tondo)

Troy Perez, 27 (mentalist magician, Manila)

Vlad Nesas, 24 (professional model, Las Pinas)

Click here to view photos of the 16 castaways and host Paolo Bediones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN