Gabby Concepcion regains confidence as actor after long years of absence

"Napakasuwerte ng mga kabataan ngayon pag may project sila sa ABS, kasi napagpilian na, nasala na. Hindi tulad noon na kaunti lang kami, 'O, heto yung script, tirahin na natin 'yan.' Dito, dumadaan sa butas ng karayom pagdating sa script, sa director, sa scriptwriters, sa istorya, artista... Pag napasama ka, parang tumama ka sa lotto," says Gabby Concepcion.


Balik-teleserye uli si Gabby Concpecion sa pamamagitan ng Dahil May Isang Ikaw ng ABS-CBN. Makakasama ng aktor dito sina Lorna Tolentino, John Estrada, Sid Lucero, Chin Chin Gutierrez, Karylle, at ang balik-tambalang Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Aminado si Gabby na kung kabado at nangangapa pa siya noon sa una niyang teleserye mula nang magbalik-showbiz siya, ang Iisa Pa Lamang, ngayon ay well-adjusted at gamay na niyang muli ang pag-arte sa harap ng kamera.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gabby sa mini-presscon ng Dahil May Isang Ikaw, kagabi, August 14, tinanong namin kung ano ang mga preparasyong ginawa niya para sa kaniyang role at kung ano ang bago na dapat abangan sa kaniya ng publiko.

Aniya, "The whole time na naghihintay ako from November until now, hindi ko alam kung saan tatakbo yung next story. Pero nung ikinuwento na sa akin yung istorya, more or less, mai-internalize mo na kung anong klase ng role ang gagampanan mo. But, of course, paiba-iba ang istorya as the teleserye progresses. Mag-a-adjust ka rin, pero definitely, there's a gray, black, and white character, di ba?

"Ako, ayoko ng laging gray or black, I want to define it. But then again, iisipin ng tao sa audience na pag gumawa ka ng script, maraming puwedeng i-gear mo towards gray para maging white. Kung hindi, walang istorya. Ayoko naman ng walang whole black, nabibigatan ako, you don't feel good.

"Saka ang ABS naman pag nagplano ng teleserye o kahit na anong project, pinag-aaralan muna nila bago nila ituloy. Kaya bago tumakbo ang isang project, ang daming nai-scratch, natatapos.

"Naniniwala ako na nag-improve na talaga ang showbiz natin sa Pilipinas sa lahat ng anggulo since I left. Kaya pag ang mga istorya, mga characters, pag pinagsama-sama 'yan, napili na nila talaga 'yan. Napakasuwerte ng mga kabataan ngayon pag may project sila sa ABS, kasi napagpilian na, nasala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi tulad noon na kaunti lang kami, 'O, heto yung script, tirahin na natin 'yan.' Dito, dumadaan sa butas ng karayom pagdating sa script, sa director, sa scriptwriters, sa istorya, artista... Pag napasama ka, parang tumama ka sa lotto."

WORKING WITH LORNA AGAIN. Bago umalis ng Pilipinas si Gabby 14 years ago upang lisanin ang showbiz at manirahan sa Amerika, nakatambal na ni Gabby ang kapareha niya sa Dahil May Isang Ikaw, na si Lorna Tolentino, sa ilang pelikula noon. Ang ilan sa mga ito ay Maging Akin Ka Lamang (1991) at Narito ang Puso Ko (1992).

Kinumusta ng PEP kay Gabby ang working relationship nila ni Lorna ngayon sa bago nilang teleserye.

"Ganun pa rin, nandun pa rin ang intensity," sagot ni Gabby. "Pero makikita mo talaga yung sadness sa mata ni LT. Very, very obvious yun sa kanya. Saka pag may mga confrontational scenes at malulungkot na eksena, mararamdaman mo talaga."

Ang Dahil May Isang Ikaw ang unang acting project ni Lorna pagkatapos yumao ng kanyang asawang si Rudy Fernandez noong June last year.

STAR MAGIC BABY. Napag-alaman din ng PEP mula kay Gabby na magiging bahagi na siya ng mga artistang nasa pangangalaga ng Star Magic. May balita na binili na raw ng talent arm ng ABS-CBN ang kontrata ni Gabby sa dati nitong manager na si Mrs. Rose Flaminano, pagkatapos ng hindi pagkakaunawaan ng aktor at ng talent manager.

"Unofficial pa, pero masarap makasama ang mga tao sa ABS," sabi ni Gabby. "They are guiding me because ulila ako ngayon. I'm very happy with how ABS is treating me. Star Magic is taking care of me as an orphan, so very thankful and very grateful ako. Everybody is so nice."

KC & PIOLO. Nang tinanong naman namin si Gabby tungkol sa balitang girlfriend na raw ng matinee idol na si Piolo Pascual ang anak niyang si KC Concepcion, binanggit ng aktor na magkakasama lang sila the night before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Nagbibiruan nga kami, basta ang sabi ko kay Piolo, 'Don't call me Papa, just call me Kuya.' Sabi ko, 'Huwag lang Papa, si KC lang ang pupuwede.' Hindi ko alam kung sila na ba. Hindi ko sila tinatanong pagdating sa ganyang bagay. Ang importante, masaya sila.

"Wala naman akong tutol kay Piolo, he's a nice person, he's a good boy, he goes to church. Nakakapanghinayang if something happens in the future. Pero maybe there's a reason why this will or will not happen, buhay pa rin nila yun," saad ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN