Wilma Galvante on Annabelle Rama: "Let her speak and let the viewers judge for themselves."

"Wala tayong itinatago and, fair and square, we give her the airtime she requests for. What she does on that time, what she says on the air, is her own responsibility," says Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV of GMA-7, about talent manager Annabelle Rama.


Makalipas ang ilang minuto matapos ma-interview ng Startalk hosts, live, ang talent manager na si Annabelle Rama hinggil sa dismissal ng "grave oral defamation" case nito laban sa GMA-7 SVP for Entertainment na si Wilma Galvante, marami ang tumawag sa show at nag-react, ayon kay co-host Joey de Leon.

Sa pamamagitan ng telepono, kinapanayam ni Joey si Galvante—na kilala sa industriya bilang Ma'am Wilma—upang kunin ang reaksiyon niya sa isang tanong ng marami: bakit pinahihintulutan ng lady executive pagsalitaan siya nang ganun ni Annabelle? (Click here to read related story.)

"SHE DIDN'T SAY ANYTHING NEW." "So, marami palang tumatawag diyan ngayon, nagtatanong kung bakit natin pinapayagan 'yan?" sabi ng TV executive. "Sa totoo, Joey, wala naman tayong dapat itago, di ba? Wala tayong itinatago and very fair, we give her the airtime she requests for. What she does on that time, what she says on the air, is her own responsibility.

"So, sasabihin naman kasi niya, kapag hindi natin pinayagan, hinaharang natin siya. O, di 'yan, let her speak and let the viewers judge for themselves. And besides, she didn't say anything new, di ba? 'Yang mga lahat ng accusations, lahat ng inulit diyan sa programa, 'yan ang mga accusations niya na nasa kasong isinampa niya na na-dismiss, di ba? So, na-dismiss yun for lack of probable cause, for lack of merit. Yun na lang. Ako, nandoon ako, yun ang rerespetuhin ko kasi that's the higher body.

"What I did was precisely to take it to higher ground, to higher level. So, kung yun na ang nag-decide, mga hukom na yun, di ba, mga prosecutors? Kung yun ang kanilang sinabi, yun ang kanilang desisyon pagkatapos nilang basahin ang affidavit niya, yung sinagot niya, yung sinagot ko at yung sinagot niya ulit, tapos lack of merit—ang sa akin, yun ang mahalaga. Kahit ano pa ang sabihin niya, kahit ano pa ang sabihin ng mga tao, ang importante, kung ano yung desisyon ng korte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, sinumpa naman niyan 'yan, na sisira-siraan niya ako. So, I can't help that. That's her, that's not me. So, respetuhin na lang natin yung nasa korte," malumanay na pahayag ni Ms. Galvante.

"SHE CAN SAY WHAT SHE WANTS TO SAY." Tinanong din ni Joey kung ano ang masasabi ng SVP for Entertainment TV ng Kapuso network sa sinabi ni Annabelle—na kilala naman sa industriya bilang Tita Annabelle—na siya raw ang dahilan kung bakit apektado pati mga shows ng GMA-7.

Natawa muna si Ms. Galvante bago sumagot. Aniya, "Alam mo, Joey, let the ratings speak for itself. Ako, trabaho... Alam mo, ito ang maganda. I filed the case in court, tapos nag-countersuit nga siya ng ganyan. When I filed it, I was okay, tapos na ako, iba na. Ibang korte na ang magtatrabaho diyan, yung abogado ko na ang magtatrabaho diyan. At nakikita mo naman that truth will come out in the end.

"So, let us not be harangued, let us not be overbothered by pronouncements of people, including Annabelle. Kasi, siya yun, e. Kanya yun. She can say what she wants to say anywhere, anytime. That's her."

Patuloy ni Ms. Galvante, "Yung ratings, kita n'yo naman, ang ganda. Ang Darna, saan ka makakakita ng rating na 46.7 [percent], di ba? So, we're delivering the programs to our viewers. We are doing good programs. Lahat, pati ang mga programang nakalaan para kay Richard [Gutierrez, anak ni Annabelle], pinaplano na 'yan ngayon pa lang.

"So, kahit ano pang sabihin niya [Annabelle], alam ng lahat ng artista natin, mga talents natin how we work for them, how we produce our programs for them, how we work for the network. And the bottom line is always how to please our viewers. Yun lang, trabaho lang."

"I KNOW THAT WHAT I'M DOING IS RIGHT." Sa huli, tinanong ni Joey si Ms. Galvante kung may nais pa itong ipahayag o sabihin sa mga Kapuso at kay Ms. Rama na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa kanya, wala akong kailangan sabihin," sagot ng TV executive. "Yung kailangang gawin ko, dahil sa mga ginawa niya, nagawa ko na. So, umaandar nga 'yon. Kung may mga reactions siya, kanya 'yan. Ako, I'm okay. I'm fine. I know that what I'm doing is right. So, yun na yun. Labas na yun diyan sa trabaho.

"Tapos, masaya naman ako. Masaya lahat. Even the entire GMA, lahat ng mga Kapuso dahil ang ganda ng mga shows natin, lahat! For all the talents, we will only produce superior programs."

MS. GALVANTES'S LEGAL COUNSEL. Bago naman ang live interview ni Ms. Rama sa Startalk ay ipinalabas ang taped interview ng legal counsel ni Ms. Galvante na si Atty. Alfred Villamor.

Nag-react ang abugado sa sinabi ni Annabelle Rama sa text message niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), na kaya ibinasura ang "grave oral defamation" na isinampa niya kay Wilma Galvante, ay dahil sa ang asawa ni Atty. Villamor ay assistant city prosecutor sa Office of the Quezon City Prosecutor, si Asst. City Prosecutor Vicky Villamor. (Click here to read related story.)

"Sana, nakikiusap naman ako sa kanya na huwag na niyang idadamay yung asawa ko," sabi ni Atty. Villamor tungkol kay Annabelle. "Unang-una, sila naman ang nag-file ng kaso sa Quezon City. Pangalawa, wala namang kinalaman yung misis ko sa kaso dahil hindi naman sa kanya bumagsak yung kaso. Hindi naman sa division niya pumasok yung kaso. Ako'y nag-a-abogado lang naman at nataon lang siguro na mahina yung kaso na ipinayl nila, kaya na-dismiss.

"Yun na lang ang pakiusap ko sana, na huwag naman niyang idamay yung asawa ko. Kasi ako, huwag na sana niyang personalin kasi abogado lang naman po ako, e. Nagtatrabaho lang ako, and I'm just defending or prosecuting the interest of my client.

"Ang masasabi ko na lang, look at the decision itself and see for herself, or kung sino mang gustong manghusga, tingnan po nila yung desisyon at alamin nila kung tama ba o mali yung desisyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOTION FOR RECONSIDERATION. Ano naman ang masasabi niya sa planong pagpa-file ng motion for consideration ng kampo ni Annabelle?

"That's her prerogative, hindi naman namin mapipigilan yun," sagot ng abugado ni Wilma. "Yun nga lang po, kung magkakaroon ng motion for reconsideration, ire-resolve din 'yan. E, tingnan na lang po natin kung ano ang magiging outcome ng motion for reconsideration na ipa-file nila."

WITHDRAWAL OF TRO & INJUNCTION CASE. Tinira rin ni Annabelle sa text message niya sa PEP ang pagkaka-withdraw ng kampo ni Wilma ng Temporary Restraining Order (TRO) at injunction sa civil case na isinampa ng TV executive laban sa talent manager.

"Yung injunction lang, hindi na namin itinuloy kasi gusto nga namin, makapag-proceed na kami sa main case para matapos na yung kaso," paliwanag ni Atty. Villamor.

Aminado naman ang abugado na malabong magkaroon ng settlement sa pagitan nina Wilma at Annabelle.

"As of now, medyo malabo na talaga, dahil nun namang ipinayl namin yung kaso, I was asked the question kung puwede pang magkaroon ng amicable settlement. Ang sagot naman po namin is depende on how Ms. Annabelle will react to the case. And the way she is reacting to everything, hindi namin nakikitang dapat magkaroon ng settlement," sagot niya.

Iginiit din ni Atty. Villamor na walang kinalaman ang GMA Network sa court battle na namamagitan kina Ma'am Galvante at Tita Annabelle. Hindi raw kailanman naging parte ang network sa defense team ni Ma'am Wilma. Hindi nagbigay ng abugado ang GMA-7 kay Ma'am Wilma, at si Atty. Villamor ay kinuha ni Ma'am Wilma on her own. Ibig sabihin ay ang lady executive rin ang nagbabayad ng sarili niyang legal costs.

"Ever since, wala talagang kinalaman ang GMA-7. That's what I've been telling the people. Malinaw naman yun," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN