Max Eigenmann just laughs when she gets mistaken for her sister Ira

"Actually, I lost a lot of jobs because of that. But at the same time, it did not really matter for me because my support is all for my sister," says Max Eigenmann, when asked about the occasions she gets mistaken for her sister Ira.


Hindi naging maganda ang experience ni Max Eigenmann sa kontrobersyang dulot ng naglabasang nude photos noon ng kanyang kapatid sa ama na si Ira Eigenmann. Sa nakaraang press conference para sa Tiagong Akyat, na ginanap kamakailan sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, may ilang reporters kasing nagbubulungan at nagtatanungan kung si Max nga ba yung Eigenmann na nagkaroon ng mga iskandalosong litrato sa Internet.

"Actually, I lost a lot of jobs because of that," pag-amin ni Max nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Bago kasi maging aktres, isa munang commercial model si Max, na sinimulan ang modeling career at the age of 17.

"But at the same time, it did not really matter for me because my support is all for my sister. And you know, I have to say now that she's really doing well. She's in the States. She's pursuing her culinary [arts course]...because that's what she took up in college. Actually, si Ate nga lang yata ang nagtapos ng college sa amin. Ha-ha-ha. And we're very close," patuloy ni Max, na isa sa mga bituin ng Tiagong Akyat, ang unang presentasyon ng bagong fantaseryeng Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla, na ipinalabas na kahapon, August 15.

Nagkaroon lang daw talaga ng confusion ang mga tao dahil pareho silang Eigenmann ng ate niyang si Ira—kapatid niya sa amang si Mark Gil at anak ng dating aktres na si Irene Celebre. Gayunpaman, kapag nangyayari raw na tinatawag siya sa pangalan mismo ni Ira ay itinatawa na lang niya ito.

"I just laugh and I just say, 'Oh, that's not me.' Or I don't say anything. Deadma lang."

RESPECT FOR MARICAR. Nabanggit niya tuloy kung paanong humanga siya nang husto at nagkaroon siya ng respeto sa isa pang aktres na nagkaroon ng mas malala pang Internet scandal, si Maricar Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I really love what Maricar did. She just kept quiet. I have to say that I look up to her. I mean, much respect for just keeping quiet," paghanga pa niya sa model-turned-actress, na nasangkot sa tinagurian nang "Hayden Cam Scandals," na kasalukuyang nililitis sa Department of Justice.

Katulad ng pinsan niyang sina Ryan Eigenmann, Geoff Eigenman, at nakatatandang mga kapatid na sina Sid Lucero at Gabby Eigenmann, umuukit na rin ng pangalan sa larangan ng pag-arte si Max. Pero aminado ang 21-year-old, third generation actress, na nung una'y hindi naman talaga siya interesado sa pag-arte sa harap ng kamera.

"I didn't want before. Siyempre because I was young. And everybody goes through a phase of having fun. And I wasn't ready to let the whole world see that," natatawang rason ni Max.

Pero ngayon daw, desidido na siyang ipagpatuloy ang magandang reputasyon sa pag-arte—na sinimulan ng kanyang lolo't lola na sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa nung 1960s, at dinugtungan ng husay ng tiyahin niyang si Cherie Gil, tiyuhin na si Michael de Mesa, at amang si Mark Gil nung 1970s.

DISAPPOINTMENT FROM GMA-7. Napunta tuloy ang interview sa naudlot na pagkakataong maging leading lady siya noon ni Richard Gutierrez sa Zorro. Natanong siya kung nagkaroon ba siya ng sama ng loob sa nangyaring pagkakaitsapuwera niya sa role na Lolita sa Zorro, pabor sa Kapuso artist na si Rhian Ramos.

"A little bit, of course. I was really, really looking forward to doing it. Because I honestly prepared so much for the role.

"They sent me a script. Yung audition piece ko, they sent it to my house. My audition was the next day. I put up a costume together, with my own things. I didn't rent a costume, I put up a costume by myself with my clothes. I practiced lines with my mom."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nung dumating nga raw siya sa audition mismo, walang ibang actors liban sa kanya, at si Direk Mark Reyes lang. Ninenerbiyos pa raw siya, pero nang sinabi na sa kanya kung ano ang gusto ni Direk ay natuwa naman siya dahil iyon mismo ang eksenang pinraktis niya.

"When Direk told me what he wanted in that particular piece...it was exactly what I practiced. Kasi my binlock ako, e. I was like, 'Wow, maybe this is for me.' But you know, it wasn't. So I just told myself, after feeling bad for a while, like for a day, after feeling disappointed, na it's okay. Na probably a better opportunity will come my way, and I think ito na yun. Sana ito na yun."

Ang opportunity ngang dumating sa kanya ay ang pagganap bilang isa sa mga bituin ng produksiyon ng ABS-CBN na Tiagong Akyat, na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.

Isa sa advantage nga raw ng pagiging free lance ay ang makagawa ng projects sa iba't ibang networks. Bukod sa kilala na niyang character na Abby Rickson sa TV5 show na Lipgloss, hangad din ni Max na magmarka ang role niyang Norma Muñoz sa Tiagong Akyat. Wala pa siyang masyadong ini-reveal tungkol sa bagong character niya, at yun daw ang isa sa mga dapat abangan ng mga manonood sa bagong pang-Sabado ng gabi na show ng Kapamilya network.

"May seduction scene ba? Well...actually, hindi ko pa rin alam, since hindi pa naman kami talaga nakakapag-taping, ha-ha-ha. Pero I hope to really make a mark here. And from here, I really hope it will take off," Max says with excitement about her acting career.

Click here to watch clip of interview with Max.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN