Matinee idol Dingdong Dantes is not afraid to look stupid for a role

"Para may variety lang. That's why nga nang bigyan ako ng chance to do it, something different lang sa ginagawa ko, e, talagang, kumbaga, tuwang-tuwa ako!" says Dingdong Dantes about doing Kimmy Dora. He is the leading man of Eugene Domingo (right) in this romantic comedy produced by Spring Films.


May acting workshop si Dingdong Dantes para sa kanyang primetime series sa GMA-7 na Stairway To Heaven kaya hindi siya nakarating presscon ng pelikulang Kimmy Dora nung lunchtime ng Thursday, August 13.

Pero pagkatapos ng workshop niya kinahapunan din ay naglaan ang aktor ng ilang oras para makausap ang ilang entertainment press. Kasama ni Dingdong na humarap sa press ang direktor ng Kimmy Dora na si Joyce Bernal.


KIMMY DORA. Para kay Dingdong, isang experience ang pakikipagtrabaho sa bida ng Kimmy Dora na si Eugene Domingo, lalo pa nga't bago para sa aktor ang comedy.

Kuwento niya, "Kasi minsan may mga comedian na off-screen, hindi talaga sila nagpapatawa. Si Uge, on and off-screen, kung ano ang nakikita mo sa screen, yun din ang nakikita mo sa kanya off-screen. E, more than nine days din akong nag-shoot kasama siya. So, marami rin panahon to bond at marami rin siyang naituro sa akin."

Bilang leading man ni Eugene, sa palagay kaya ni Dingdong ay kikilalanin si Uge bilang bagong Comedy Queen?

"Basta ine-expect ko na it will elevate yung humor ng Philippine Cinema sa another level," sagot ni Dingdong.

Something light, not necessarily a comedy daw ang talagang gustong gawin ni Dingdong.

"Para may variety lang," sambit niya. "That's why nga nang bigyan ako ng chance to do it, something different lang sa ginagawa ko, e, talagang, kumbaga, tuwang-tuwa ako!"

Medyo binago ang hitsura ni Dingdong sa Kimmy Dora. Nilagyan siya ng malaking nunal at iniba ang hairstyle niya. Okay lang ba sa kanya yun?

"Oo, tingin ko, isa yun sa strength ko," aniya. "Hindi ako takot magmukhang engot, parang ganoon. And in fact, I enjoyed making fun of myself. In fact, very mild pa nga yun."

Kung ibabase sa trailer ng Kimmy Dora, marami ang natatawa sa pool scene nila ni Eugene, kung saan hango sa Hollywood movie nina Julia Roberts at Hugh Grant na Notting Hill ang dialogue nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayong kay Dong, "Yun yung sinabi ni Direk Joyce sa akin na, 'Uy, umayos ka! May pool scene kayo!' Kaso, matagal na niyang sinabi yun, so parang, 'Tuloy pa kaya yun?' Siyempre, kailangang paghandaan."

May mga nang-iintriga dahil napansing wala si Dingdong sa poster ng Kimmy Dora. Ano ang masasabi ng aktor dito?

"Napanood ba nila ang trailer? Lalo na kung mapapanood n'yo yung buong movie, maiintindihan n'yo kung bakit ganun yung poster. Siyempre, ayoko namang i-preempt!" natatawa niyang sabi.

WORKING WITH KAPAMILYAS. Isang certified na Kapuso si Dingdong magmula nang pasukin niya ang showbiz. Pero dahil sa Kimmy Dora, nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang ilang stars at pati na ang staff ng Kapamilya network. Kumusta naman ang experience niya?

"They are extra nice, kasi first time ko silang nakatrabaho, nakilala. So, parang ang ganda ng pakikitungo nila, ng welcome nila. I immediately felt secure, at home," sagot ni Dingdong.

Isa sa mga prodyuser ng Kimmy Dora ay ang isang top leading man ng ABS-CBN—si Piolo Pascual. Tinanong ng PEP si Dingdong kung kumusta naman bilang producer si Piolo?

"Sa pananaw ko, tutok na tutok," ani Dingdong. "Kasi, bihira namang pumunta ang producer sa every shooting day. Pero halos sa ilang shooting days ko, nandoon siya, nakikita ko siyang pumupunta."

WORKING WITH DIREK JOYCE. Ang Kimmy Dora ang pang-apat na pagsasama nina Dingdong at Direk Joyce, kung isasama ang tatlong sunod-sunud na primetime series na ginawa nila sa GMA-7 with Marian Rivera—Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. At masusundan pa ito ng Stairway to Heaven, kung saan si Rhian Ramos naman ang katambal ni Dingdong.

Nae-excite pa rin ba si Dingdong na makatrabaho si Direk Joyce after all the projects nila in the past?

"Yes!" bulalas ng actor. "It's actually a challenge on my part. At saka, naniniwala ako na marami pa siyang nakatago na pupuwedeng ilabas. At yung kanyang pagkatotoo, yun ang special sa kanya dahil yung pagkatotoo niya, yung kanyang personality at pananaw, nakaka-relate ang mga manonood sa gusto niyang mangyari. So, klaro ang gusto niyang mangyari at gusto ng manonood."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "At alam ko na maraming aktor ang dumaan sa kanya. And it's a privilege na makasama ako for the third time, fourth time, fifth time, under her direction. But, of course, more than that, aside from her creativity, aside from her kagalingan, it's the friendship."

STAIRWAY TO HEAVEN. Nabanggit namin kay Dingdong ang mataas na rating ng fantaserye ng rumored girlfriend niyang si Marian Rivera, ang Darna. Ano naman ang expectation ni Dingdong ngayong nalalapit na ring ipalabas ang Stairway to Heaven sa September?

"Ako naman, talagang hindi natin maiiwasan na masama yung numbers game sa expectation," sagot niya. "Kahit sabihin kong ayokong gawing comparison, pero ganun talaga. Pero sa ngayon, ang importante sa akin, maganda ang feeling ko noong nag-umpisa ang Darna. At dito sa Stairway, magaan din ang feeling ko, and I would like to say, usually, tumatama siya.

"Pero siyempre, bukod dun, maganda na mag-umpisa na magaan ang feelings. Kung paano mo siya gagawing maayos. Ang gut feel ko, hindi mo masasabing good, very good, pero very positive."

Kumusta naman si Rhian as his new leading lady?

"Natutuwa ako, kasi first time ko siyang makaharap at makaeksena na interactive," sagot ni Dingdong. "Kanina, during the workshop, nakita ko, at a very young age, since alam nating mas bata siya sa akin, and yet parang ang dami na niyang alam. Ang lawak na ng pananaw niya at parang experienced na siya as a person. So, ang bilis ng instinct niya. Kumbaga, ang bilis niyang mag-respond sa mga bagay-bagay, which I think, isang magandang quality yun," saad ni Dingdong.

May kaba na ba siyang nararamdaman dahil first soap niya ito, in a very long time, na hindi si Marian ang kapareha niya?

"Ayokong lagyan ng kaba, e," sabi niya. "Ang importante sa akin, I'll do what I have to do. Saka na lang kung anuman ang maging resulta nito. But on my part, I'll just give my best."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TWO BIRTHDAYS. Birthday month pareho nina Dingdong at Marian ang August—si Dingdong nung August 2 at si Marian nung August 12.

Inamin ni Marian na siya ang pasimuno sa surprise birthday party kay Dingdong noong mismong birthday ng aktor, kung saan kasama ang pamilya niya. Ayon naman kay Dingdong, happiest birthday raw niya ang kanyang 29th birthday.

"Well, ako talaga, noong araw na yun, talagang gusto ko na simple lang, walang magarbong party. Hanggang sa yun nga, nagkaroon sila ng agreement to have a simple celebration. Actually, na-surprise ako sa kanilang effort, sa kanilang mga gifts na very meaningful. It was a fun night, e, so the whole night was memorable. Masaya, masaya talaga," lahad ni Dingdong.

Bakit niya nasabing "happiest birthday" niya yun?

"Well, yes, I could say dahil, di ba, ang mangyayari naman diyan, maku-compare mo siya sa last birthday mo? Mas gusto ko yung ngayon. And siyempre, masaya na nangyari yun, nagpo-porgress yung joy mo, nakikita mo yung mga taong malapit sa buhay mo, nandiyan pa rin. So, magandang masabi yun. Hindi naman sa hindi ka naging masaya last year, kundi maganda yung nagpo-progress lahat," paliwanag ni Dingdong.

Noong actual birthday naman ni Marian last August 12, sinurpresa siya ni Dingdong nang dalawin siya nito sa taping ng Darna sa Bulacan, at pagkatapos ay saka sila nag-celebrate. Ayon kay Dingdong, nabato pa nga raw siya ng rambutan ni Marian dahil sa pagkabigla sa pagdating niya.

Napakasimple lang daw ng celebration nila ng birthday ni Marian. Pagdating naman sa birthday gifts nila sa isa't isa, pareho raw silang nagkasundo na mas mabuting huwag na lang itong idetalye pa sa iba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN