Eda Nolan can relate to lead character in Katorse

"Nu'ng time na yun, may mga projects siya, may mga projects ako, may mga dapat gagawin ako, may mga endorsements ako dapat. Nandun na yung kontrata. Kumbaga, pipirmahan ko na lang, hindi ko napirmahan since I'm pregnant. May mga, 'Bakit pa kung kailan ganito, 'tsaka naman...'" Eda Nolan says of the time she and partner Gian Carlo learned she was pregnant.


Bilang isang babaeng nabuntis at an early age, nakaka-relate si Eda Nolan sa Katorse ng ABS-CBN, na pinagbibidahan ni Erich Gonzales, at ipapalabas na sa August 24. Si Eda, at the age of 17, ay nabuntis ng StarStruck 3 First Prince Gian Carlos.

"Opo, nakaka-relate ako, somehow. Yung pagkakapareho, yun nga, unwanted pregnancy, unwanted talaga kasi ang bata pa namin para, yun nga, na mabuntis ako," banggit ni Eda nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

"Pero yung difference dun kasi, yung nangyari sa amin, sa akin, tanggap ni Gian, kasi supportive siya. Nineteen years old ako nanganak last year February 8, 2008, unwanted siya kasi unplanned siya.

"Nung time na yun, may mga projects siya, may mga projects ako, may mga dapat gagawin ako, may mga endorsements ako dapat. Nandun na yung kontrata. Kumbaga, pipirmahan ko na lang, hindi ko napirmahan since I'm pregnant. May mga, 'Bakit pa kung kailan ganito, 'tsaka naman...'

"Siya din naman sa case niya, nagtanong siya, 'Babe, ano kaya'ng gagawin natin? Baka magalit yung mga managers natin.'

"Yun lang naman, yung difficult start noon. 'Tsaka yung difference is kami ni Gian never kaming nagtatalo about, like, ayaw niya yung bata. Not even once. Kasi nung sinabi ko sa kanya na, 'Babe I'm pregnant,' ang sabi niya, 'Okay, Babe, bili tayo ng pregnancy kit para i-test nating dalawa.'

"Then yun nga, dalawang beses nag-positive siya. then nagpa-ultrasound ako para sure na may baby. Then naiyak ako nung nakita ko yung ultrasound na nandun na siya, buo na pala siya.

"Kasi yung time na yun, magpo-four months na ako, and I didn't even know. Nagwo-work pa ako nung time na yun.

"So, kami namang dalawa nun, umiyak kami. Kasi inisip namin yung mga families namin. Magkahalong pagkalito, shock, and mixed emotions. Pero happy kami at the same time kasi na-bless yung relationship namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sinabi ko talaga before, kailangan isa lang piliin ko: love o career. Kumbaga, pinag-pray ko talaga na, 'Lord, sobrang in love ako sa taong ito, ano ba talaga? Give me a sign.'

"Siguro yun yung sign niya. Sabi ko grabe naman na sign ito," natatawa pang ikinuwento ni Eda.

BIG OPPORTUNITIES SLIPPED. Alam ni Eda na kung hindi siya nabuntis, mas umangat pa sana ang career niya.

"Siguro, kasi nga dapat may project ako na teleserye. Pero hindi ako bida, pero maganda ang role ko, malaki ang role. Nag-back out talaga ako, pero hindi pa nila alam na buntis ako."

Meron din siyang malaking endorsement na pinakawalan dahil sa naging sitwasyon niya.

"Nag-back out na din ako kasi ayokong manloko ng tao, e. Alam ko namang magte-taping, 'tapos lumobo ako nang bigla. Ang laki ng gagastusin nila kapag ganun.

"Maraming nawala and thankful din naman ako kina Mr. M. [Johnny Manahan, Star Magic boss] kasi naintindihan nila ako. Alam ko, somehow, disappointed sila kasi isa nga ako sa mga bini-build up nila. Ang dami nilang hopes sa akin, pero yun nga, sinira ko."

Ang naging kapalit naman na anak nila ni Gian ay mahigit pa sa sapat kung ihahambing sa mga nawalang trabaho kay Eda.

"Worth it naman, sobra!" tuwang-tuwang sabi ni Eda.

"Aaminin ko, nung nasa tiyan ko pa siya, doubtful pa ako na magiging mabuti ba talaga akong ina o kaya ko ba siyang buhayin. Na kaya ba namin siyang panindigan?

"Pero nung lumabas siya, nawala lahat ng takot at pagtatanong. Nung lumabas si Baby, super-happy kami ni Gian. Super-happy kami."

Ngayon, one year and six months old na ang baby boy nilang si Gian Andrei Ho.

"Naglalaro kaming tatlo, binibilhan namin ng gamit si Baby, tsaka mas naging responsible kami. Kumbaga, dati waldas, waldas, waldas. Ngayon, lahat ng gastos, para sa baby."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Eda na, sa ngayon, mas siya ang may trabaho kumpara kay Gian.

"Opo. Kasi di ko lang alam kung ano'ng nangyari, pero ang alam ko, may StarStruck 5 siya and nagte-taping siya ngayon for All Star K. Hindi ko lang alam yung details ng StarStruck, pero ang alam ko, nag-meeting na siya."

Okey lang naman kay Eda ang arrangement na siya ang mas maraming trabaho kaysa kay Gian.

"Never naging issue sa amin yun kasi, kumbaga, yung time naman na siya yung madami, ako yung wala, hindi naman siya umangal. At nakapag-save naman kami kahit papaano."

Bago ng Katorse, napasama si Eda sa Dragona, at may guest roles siya sa Shake Rattle & Roll movie at sa Villa Estrella.

"Itong Katorse talaga yung regular ko na teleserye ngayon."

WEDDING PLANS. May plano na bang magpakasal sina Eda at Gian?

"Nagpa-plan kami. Magastos kasi, e. Ayaw naman niya ng simple wedding. Gusto naman niya kahit papaano gastusan daw namin.

"Wala din namang reason para magmadali kami kasi mas okey naman mas nakikilala pa namin yung isa't isa. Kasi even now, madami pa rin akong nadi-discover na bago sa kanya, siya rin sa akin, so, take time muna.

"Isa pa, gusto din namin na talagang si Baby ang naglalakad. Siya ang ring bearer."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN