Vic Sotto on relationship with Pia Guanio: "Hindi naman laru-laro lang ito..."

"We talked about things and we know that we want to end up with each other for the rest of our lives," says Pia Guiano about wedding talks with boyfriend Vic Sotto.


Tuwang-tuwa ang Comedy Box-Office King na si Vic Sotto nang makita niya ang maraming taong naghihintay sa kanyang pagdating at sumisigaw ng "Bossing!" —tawag kay Vic—sa premiere night ng pinagbibidahan niyang pelikulang Love OnLine (LOL). Matagumpay na ginanap ang premiere kagabi, August 16, sa SM Megamall Cinema 10.

Magkasabay na dumating si Vic at ang girlfriend niyang si Pia Guanio sa event. At bago sila tuluyang pumasok sa Cinema 10 ay umakyat muna sila sa naka-set up na stage sa labas, kasama ang leading lady ni Vic sa LOL na si Paula Taylor at ang sidekick ng comedian na si Jose Manalo. Nagpasalamat ang apat sa mga taong nagpunta sa gabing iyon at nag-imbita na rin na manood ng LOL sa regular showing nito simula sa August 19.

Pagkababa ng stage ay kaagad na pumasok sina Paula at Jose sa loob ng sinehan, habang sina Bossing at Pia naman ay pinalibutan ng TV crews at entertainment press, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), para ma-interview.

Ano ang feeling ni Bossing sa premiere night ng LOL at nalalapit na showing nito sa Miyerkules?

"As always, excited!" bulalas ni Bossing. "Excited kami na ipakita sa mga tao kung gaano kaganda ang movie."

Ano ang expectations niya sa LOL?

"A, okay. We always expect for the best. Basta ang importante naman, e, makapag-laugh out loud yung mga manonood. Yun ang importante para sa amin," sambit pa ni Vic.


RELATIONSHIP WITH PIA. Siyempre, hindi rin nakaligtas sina Vic at Pia sa mga tanong tungkol sa kanilang relationship. Dahil si Vic nga ang may pelikula, kaya't siya ang madalas na ma-interview. Since kasama niya si Pia, ito ang naging target ng pagtatanong ng mga press tungkol sa mga plano nilang dalawa.

Ani Pia, "Well, serious... the plans are very serious. We talked about things and we know that we want to end up with each other for the rest of our lives."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa interviews ni Vic, sinabi nito na si Pia na ang huling babaeng mamahalin niya at kung hindi sila magkakatuluyan ay hindi na siya iibig pang muli. Ano ang comment ni Pia rito?

Pero bago makasagot si Pia ay sumingit muna si Vic ng: "Bakit, hindi ka naniniwala? Umayos ka!"

Natawa muna si Pia at sinabing, "Anong feeling? Aba pressured, di ba? Kasi pag hindi na nagkatotoo ito, kawawa naman si Vic, walang magmamahal."

So, may plans na talaga sila?

"Siyempre naman," sagot ni Vic. "Hindi naman laru-laro lang ito. Kaya kayo nagkakaroon ng relationship para sa kinabukasan n'yo rin. Para sa bandang huli, kayong dalawa ang magkatuluyan."


WEDDING PROPOSAL IN EAT BULAGA!Kung titingnan ang tatag ng relationship nina Vic at Pia ay tila kasal na lang ang kulang sa kanila. Hinihintay na ba ni Pia na mag-propose si Vic?

"Am I waiting for the proposal?" balik-tanong ng TV personality. "Hindi na kailangan yun. Hindi ko na kailangan ng mga formalities. Hindi ko na kailangan ng mga ritwal. I'm a very casual person. It's enough for me that we're both committed to each other. And it's enough for me to know that we love each other very much. Tapos, syempre kailangan na lang blessings ni God. That's the only thing that matters."

Hindi kaya one of these days ay mabigla na lang ang mga tao kapag napanood sa Eat Bulaga! na bigla na lang lumuhod si Bossing at mag-propose ng kasal kay Pia?

"Nag-wedding na kami sa Bulaga!, e!" natatawang sabi ni Pia.

Biglang nagsalita si Vic, "Ang problema sa Eat Bulaga!, nandun si Allan K, e."

Dagdag naman ni Pia, "Oo, lalong natatabunan. At saka lagi niyang pinahihinto ang mga sitwasyon."

Biro sa kanila, tila may love triangle nga sina Vic, Pia, at Allan K sa Eat Bulaga!. Madalas kasing biruin ni Allan K si Vic na mas higit pa ang pagmamahal na kaya niyang ibigay kay Bossing kaysa kay Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero posible bang maganap ang proposal sa Eat Bulaga!?

"Anything is possible," sagot ni Vic.

Ayon naman kay Pia, "All I can say, Eat Bulaga! is a very special place and a very special program, very special group of people for us. So, definitely when the time comes, when the right time comes, something special will happen in Eat Bulaga!."

Masaya rin si Pia dahil tanggap siya ng pamilya ni Vic, at para sa kanya ay importante na ang mga ito sa buhay niya.

"Of course, the important people in the life of the person important to you should also be important to me, di ba? All of them are very mabait. At saka very welcoming. And ako rin, sabik ako sa mga kapatid because I only have one brother. So, it's a welcome addition to me. Even the kids of Tito Sen [Tito Sotto], wala akong mga sisters, so sila na yun," lahad ni Pia.

OYO & KRISTINE. Present din sa premiere night ng LOL ang anak ni Vic na si Oyo Sotto at kasama nito ang rumored girlfriend na si Kristine Hermosa. Nang saglit na ma-interview si Oyo ng press tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon ni Kristine, sinabi nito na ayaw na niyang magsalita at gusto niya ay diretso na sa kasalan. Ano kaya ang masasabi ni Vic dito?

"O, hintayin natin. Pare-pareho tayong maghintay kung ano ang... kung talagang may kasalan ba o hindi," sagot niya.

Pero okay lang ba sa kanya kung totoong may kasalan na nga?

"Okay lang. Walang problema," ani Vic.

Tama bang sabihin na tanggap na tanggap na ng Sotto family si Kristine sa kanilang pamilya?

"Oo, Tintin [palayaw ni Kristine] naman is a nice girl," sabi ni Vic. "Nakikita ko naman na maayos naman ang kanilang samahan. So, pagkaganun, I'm happy na for my son and for her also. I'm happy for them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, walang problema kay Bossing kung sinuman ang ibigin ng kanyang anak?

"Oo, walang problema sa akin yun. Pagdating naman sa mga personal na buhay ng mga anak ko, I don't give unsolicited advice. Pag kailangan ng advice ko, that's the only time na I will give them advice.

SUCCESSFUL PREMIERE NIGHT. Samantala, bukod sa mga pangalang nabanggit na, namataan din ng PEP na dumalo sa premiere ng LOL ang iba pang miyembro ng cast na kinabibilangan nina Gina Pareño, Melissa Ricks, at Matt Evans. Naroon din ang co-producers ni Vic na sina Orly Ilacad ng OctoArts Films at Tony Tuviera ng APT Entertainment. Nanood din ang executive producer ng Eat Bulaga! na si Malou Choa-Fagar ng TAPE at ang ilang miyembro ng EB Babes. Sumuporta rin ang mga pamangkin ni Vic na sina Gian at Ciara Sotto.

Very successful nga ang premiere night dahil kitang-kita sa reaksiyon ng mga taong nanood na nag-enjoy sila sa movie. Napuno ng tawanan ang Cinema 10 sa mga nakatutuwang eksena, katulad na lang ng bangayan sa movie nina Vic at Jose, lalo na kapag nagkakaapalit sila ng katauhan dulot ng magic wish. Kinilig din ang mga tao sa mga eksena nina Vic at Paula. Sa first eyeball nga ng dalawa ay talaga namang naghiyawan sa kilig ang mga tao.

Directed by Tony Y. Reyes at produced by OctoArts Films, M-Zet TV at APT Entertaiment, ang Love On Line (LOL) ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa Miyekules, August 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN