Dennis Trillo will find true happiness at the age of 30, says tarot reader

"Dati, hindi ako naniniwala sa hula, pero ngayon naniniwala na ako. Nagulat ako na lumabas na lahat bago pa man ako mag-artista hanggang sa ngayon. Shocked pa rin ako kung paano niya nalaman lahat, pero masaya akong aalis ngayon dito. Gagawin ko po itong guide sa buhay ko," says Dennis Trillo.


Isang mini-presscon ang ipinatawag ng Regal Entertainment para kay Dennis Trillo kaugnay ng horror movie nila ni Marian Rivera na Tarot, kaninang tanghali, August 17, sa Penthouse ng Imperial Palace Suites, sa Tomas Morato, Quezon City.

Inuna muna ni Dennis ang mini-presscon ng Tarot bago siya pumunta sa taping ng primetime series niya sa GMA-7 na Adik Sa 'Yo, na dun lang din sa Tomas Morato ang location.

HORROR KING? "Horror King" na ang tawag kay Dennis ngayon dahil pang-limang horror movie na pala niya ang Tarot. Nauna na rito ang Pamahiin, Text, Shake, Rattle & Roll IX, at Matakot Ka Sa...Kulam."

Hindi kaya ma-typecast na siya sa horror films?

"Hindi naman po!" natatawang sagot ni Dennis. "Nakagawa po ako this year ng Astig. At ang last movie ko this year, Mano Po 6: My Mother." Ang dalawang nabanggit na pelikula ay parehong drama.

Naikuwento ni Dennis na natapos nila ang shooting ng Tarot na wala naman siyang na-experience na hindi maganda, dahil siguro takot daw siya sa multo.

Takot din daw ang matinee idol sa ahas. Pero minsang naglalakad daw siya dala ang kamera niya sa location nila sa Tungko, San Juan del Monte, Bulacan—dahil may sinusundan siyang magandang paru-paro na may kulay na pula, dilaw, at itim—may gumalaw daw sa mga dahon doon, at isang Philippine cobra ang lumabas. Nakunan daw ni Dennis 'yon dahil malayu-layo naman sa kanya ito at naka-zoom ang kanyang camera. Mahilig daw kasi sa macro photography ang aktor.

Gumawa rin daw ang direktor ng Tarot na si Jun Lana ng ibang set of tarot cards para hindi sila maka-attract ng negative force.

TAROT READING. Speaking of tarot cards, si Dennis ba ay sinubukan nang magpahula sa pamamagitan ng tarot cards?

"Hindi po," sagot niya. "Ayaw ko kasing magpahula dahil ayaw kong pangunahan kung ano ang mangyayari sa buhay ko. Ayaw kong i-depend sa hula ang buhay ko dahil, at the end of the day, ikaw pa rin ang gagawa ng buhay mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pinagpawisan si Dennis nang sabihing nandoon ang tarot reader na si Arlene Oliveros at huhulaan siya. Nagkatawanan ang entertainment press nang mag-alis ng suot na jacket si Dennis, lalo na nang sabihin ni Arlene na guide lang naman ang ihuhula niyang past, present, at future ng aktor. Kung anuman daw ang lumabas sa hula ay magdasal na lang si Dennis.

"Gaano po ba ka-accurate ang hula sa tarot cards?" tanong pa ni Dennis. Pero sabi ni Arlene, aalamin muna niya kung ano ang mababasa niya sa cards, saka magtatanong si Dennis.

Pitong beses hinulaan si Dennis.

Three cards (family) - "Sa family, love na love ka niya, pero kailangan niya ang prayers dahil stressed pa rin siya. Naka-survive na siya, pero huwag mong ipakitang stressed ka pa rin." (Ang tinutukoy rito ay ang mommy ni Dennis na katatapos lamang ng open-heart operation, pero okay na ito ngayon.)

Four cards (lovelife) - "Minahal mo siya dati, sobrang nasaktan. Naka-move on na siya, tanggap na niya, pero hindi ka pa niya makalimutan. Puwede pa siyang pumasok, pero ikaw na ang dapat mag-control dahil good karma ka naman." (Si Cristine Reyes naman ang tinutukoy rito.)

Five cards (safety/travel) - Binalaan ni Ms. Arlene si Dennis sa pagda-drive, lalo na raw kung siya ang nagmamaneho at mag-isa lang siya dahil malapit daw siya sa bangga. Hindi raw siya ang makakabangga, pero siya ang babanggain. Magkakaroon siya ng out-of-the country trip at mag-e-enjoy siya. Tuloy-tuloy raw si Dennis sa kanyang obligations sa family at hindi siya magsasawa kaya may good karma siya.(Ayon kay Dennis, may driver daw siya, lalo na kung pagod at puyat siya mula sa trabaho. Sabi naman ng nag-host ng presscon na si Noel Ferrer, a-attend daw si Dennis ng Pusan International Film Festival sa Korea para sa Astig.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Six cards (personal life) - "Hindi mo pa alam ang true happiness, ini-enjoy mo lang kung ano meron ka ngayon. Kung may lovelife ka ngayon, hindi pa siya 'yon. Makikita mo ang true happiness at age of 30. Isa lang ang suwerte mo, doon ka lang mag-focus. Ang wheel of fortune mo hanggang 2011." (Dennis is now 29 years old.)

Seven cards (health/business) - "Ingatan mo ang health mo, especially sa iyong tummy, pero nothing to worry. Kung mag-i-invest ka sa business, magtanong ka muna, prone ka na madali kang maloloko. Stressed din ngayon ang father mo, masikreto kasi siya, hindi niya sinasabi ang nararamdaman niya." (Ayon kay Dennis, dalawa pa lang daw ang business niya—ang Barrackz resto-bar at ang family business nila. Inamin din ni Dennis na totoong stressed pa rin ang daddy niya, pero lagi raw silang nag-uusap.)

Eight cards (lovelife) - May matatagpuan daw siya, pero puwedeng masaktan at matuloy sa hiwalayan. Pero maraming perang nakikita sa kanya. Makakatagpo siya ng isang babae na magbibigay ng dalawa pang anak sa kanya at magiging successful ang marriage nila.

Nine cards (career) - "Mas maganda ang career mo, pero huwag lalaki ang ulo mo. Noong hindi ka pa artista, may attitude problem ka. Makuntento ka na sa buhay mo ngayon. Love na love ka niya at siya ang magbibigay ng suwerte sa iyo. This is your positive year at mag-concentrate ka sa kid mo at sa career. (Ayon kay Dennis, madalas daw nasa kanya ang anak na si Calix Andreas at dinadalaw nila ang mommy niya.)

Nagbigay ng reaction si Dennis pagkatapos ng tarot reading ni Ms. Arlene sa kanya.

Aniya, "Dati, hindi ako naniniwala sa hula, pero ngayon naniniwala na ako. Nagulat ako na lumabas na lahat bago pa man ako mag-artista hanggang sa ngayon. Shocked pa rin ako kung paano niya nalaman lahat, pero masaya akong aalis ngayon dito. Gagawin ko po itong guide sa buhay ko."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Trailer courtesy of Regal Films


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN