Dennis Trillo on his present lovelife: "Mas free, walang problema."

"Actually, nagawa ko na yung movie, pero hindi talaga ako naniniwala [sa tarot reading]. Pero after akong mabasahan, parang hanggang ngayon... Grabe, tama yung mga binasa niya! Excitement, takot... Hindi mo alam ang lalabas sa baraha, pero lahat tama!" says Dennis Trillo.


Binigyan ng solo press conference ng Regal Entertainment si Dennis Trillo kaninang tanghali, August 17, sa Penthouse ng Imperial Palace Suites, kaugnay ng horror film na Tarot. Kasama rin ni Dennis sa pelikula sina Marian Rivera at Roxanne Guinoo, at ipalalabas na ito sa August 24.

TEN TIMES THE INTENSITY. Ilang horror films na rin ang nagawa ni Dennis, at ang pinakahuli ay ang Matakot Ka Sa...Kulam, kung saan si Judy Ann Santos ang kapareha niya at idinirek ni Jun Lana, na siya ring direktor ngayon ng Tarot. Pero ayon kay Dennis, isang challenge daw sa kanya ang bago niyang horror movie.

"Yun nga ang challenge sa akin, since ang dami kong ginawang horror movies, footages," sabi ng aktor. "Siyempre, minabuti ko na mag-isip ng something para, at least, hindi sila magsawa na, 'Horror na naman, ganyan na naman. Nakita ko na 'yan kay Dennis.'

"Pero dito sa Tarot, yung Kulam, times ten nito. Intensity wise, yung experience namin through the year, kumbaga, nagtulong-tulong siya para maging iba ang impact nito at maging sobrang iba siya sa previous naming ginawa. Dinagdagan namin pareho ng intensity ni Marian at ako.

"Utos din ni Direk Jun na... Kasi, malalim yung character namin dito. Medyo malalim talaga siya. At yung mga twist ng istroya, mapapaisip kang talaga. Hindi na siya horror movie na puro katatakutan, may pagka-psychological din talaga," paglalarawan niya sa pelikula.

Second time na nila ni Marian na magkapareha sa movie. Una silang nagkasama sa Pamahiin, na isa ring horror movie.

TURNS INTO A BELIEVER. Dahil tungkol sa tarot ang tema at title ng movie nila, bago simulan ang presscon ay may inimbitahan ang Regal Films na mag-tarot reading kay Dennis. (Click here to read related story.)

"Nagulat nga ako, hindi ko alam na may tarot reading pala," aniya. "Actually, nagawa ko na yung movie, pero hindi talaga ako naniniwala [sa tarot reading]. Pero after akong mabasahan, parang hanggang ngayon... Grabe, tama yung mga binasa niya! Excitement, takot... Hindi mo alam ang lalabas sa baraha, pero lahat tama!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya nagtanong sa tarot reader. Isa-isa na lang sinabi sa kanya ang kanyang past, present, and future. At nagkaroon daw ng malaking impact sa kanya ang sinabi ng tarot reader tungkol sa anak na si Calix Andreas: na ito raw ang nagdadala ng suwerte sa kanya. Ani Dennis, sobrang totoo raw ito.

Last week naman ay nag-worry nang husto si Dennis dahil ang mommy niya—na feeling niya ay napaka-healthy—ay biglang nag-undergo ng open-heart surgery. Pero masaya ang aktor dahil okey na ang ina, at nakalabas na rin ng hospital, at nagpapahinga na lang sa bahay.

"Okey na siya, okey na siya," sambit ni Dennis. "Naka-recover na siya, nakalabas na. Nasa bahay na siya. Palagi namin siyang binibisita sa bahay. Almost back to... Siguro kung ire-rate ko sa percent, siguro 80 percent okay na siya. At saka mabilis naman siyang mag-recover."

PAULEEN LUNA. Kasama ba niya ang nababalitang girlfriend niya na si Pauleen Luna na dumadalaw sa mommy niya?

"Nakadalaw siya, once... once lang sa hospital," sabi ni Dennis.

Kumusta naman ang pagtanggap ng pamilya niya kay Pauleen, na kasama ni Dennis sa Adik Sa 'Yo ng GMA-7?

"Okey, okey naman. Wala namang problema. Masaya."

What about him, kumusta ang lagay ng puso niya ngayon?

"A, masaya...masaya. Mas free, walang problema. Kasi, maganda ang mga nangyayari. Yung recovery pa lang ng mommy ko, yung mabilis niyang paggaling, kumbaga, para kaming nabunutan ng tinik. Nakabawas yun sa stress kaya masasabi ko na masaya talaga."

E, sa lovelife, masaya rin ba siya?

"Lovelife, masaya rin," nakangiti niyang sabi.

Masasabi ba niyang ang lovelife niya ngayon ang pinaka-peaceful sa lahat ng naging relationships niya?

"Well, palagay ko... Kasi, wala pa naman talaga. Nagkataon lang talaga na sobrang close kami ni Pauleen. Masaya ako na ganoon at nae-enjoy namin ang company ng isa't isa. Sa ngayon, wala kaming minamadali. One step at a time, one day at a time," pagtatapos ni Dennis.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Trailer courtesy of Regal Films


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN