Sunshine Dizon insists there's no issue between her and Iza Calzado

"Alam mo, honestly for me, wala namang dapat pag-usapan. It's such a petty thing. Ang pangit! Promise!" says Sunshine Dizon about her reported rift with Iza Calzado (inset).


Kung pagbabasehan ang mga kilos nina Sunshine Dizon at Iza Calzado, tila may namumuo raw gap sa pagitan ng dalawang aktres, na ilang beses nang nagkasama sa soap operas ng GMA-7. Mas lalo raw itong naging kapansin-pansin sa birthday celebration ni Iza sa SOP noong August 9. Kahit nandoon din daw si Sunshine bilang co-host ay hindi ito umakyat sa stage o nagbigay man lang ng mensahe para kay Iza.

Sa taped interview ng Showbiz Central kay Sunshine noong Linggo, August 16, binigyang-linaw ni Sunshine ang isyung ito.

Aniya, "I don't know... Parang they're saying na hindi raw ako bumati. Parang may ganoong isyu. Hindi ko lang siya na-text personally, which is always the case. I'm always like that naman. Makakalimutin kasi ako, pero I greeted her that morning in Unang Hirit...

"So, if that's only the issue behind all this, 'eto na po, bumabati na ako, 'Happy Birthday, kapatid! O, di ba? Tama na, huwag nang palakihin. Ang pangit!" pakiusap ni Sunshine.

Ayon pa sa aktres, kahit naman daw dati ay ganun na talaga sila ni Iza every time na hindi sila magkasama sa work.

"Ever since naman, ganito naman kami. Like, you know, kapag wala kaming ginagawa together, obviously, paano kami magkikita pareho, di ba? Kanya-kanya kami na may ginagawa. Like ako, I'm very busy with SOP and Unang Hirit. And I have this [launching ng kanyang perfume], there's so many things that I'm doing, honestly.

"Alam mo, honestly for me, wala namang dapat pag-usapan. It's such a petty thing. Ang pangit! Promise! Di ba, like ako, nanonood ako, it will come to me as, kasi may SRO siya [Iza] kaya iinitrigahin. I have no connection to whatsoever she is doing right now, di ba? So, why me? Ang pangit!" saad ni Sunshine.

Sa parte naman ni Iza ay sinabi niyang magkaibigan pa rin sila ni Sunshine, pero hindi na raw katulad dati na lumalabas sila. (Click here to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN