PJ Valerio asks Robin Padilla's permission to court Queenie

"Dumalaw po ako sa kanya, e, gabi na po yun, hindi ako pinapasok ng guwardiya! Ganoon ka-strict si Mr. Robin Padilla when it comes to his daughter, kaya yun. After that, I ended up going home," tells PJ Valerio (inset, bottom) about his attempt to visit Queenie Padilla (inset, top), the eldest daughter of action superstar Robin Padilla (main photo).


Nakapanayam ng Showbiz Central ang action superstar na si Robin Padilla at ang Viva Artist Agency talent na si PJ Valerio. Si PJ ang sinasabing nanliligaw sa panganay na anak ni Robin na si Queenie Padilla. (Click here to read related story.)

Ayon kay PJ, "We hang out. Lumalabas po kami. Nanonood ng TV. Kumakain, nagkukuwentuhan. Gusto ko siyang makilala nang husto."

Inamin ni PJ na dumalaw na raw siya sa bahay ng mga Padilla, pero hindi raw siya nakapasok.

"Dumalaw po ako sa kanya, e, gabi na po yun, hindi ako pinapasok ng guwardiya!" natatawang sabi ng singer-actor. "Ganoon ka-strict si Mr. Robin Padilla when it comes to his daughter, kaya yun. After that, I ended up going home.

"Kaya yun, nagpapaalam ako kay Mr. Robin na sana, payagan ako na ligawan si Queenie," pahabol ng binata.

Aware naman daw ang 19-year-old na si PJ na may sinusunod na kaugalian si Queenie sa pakikipagrelasyon bilang isang Muslim. Ayon kay PJ, "Wala po akong masamang intensiyon kay Queenie. So, there's nothing to be scared about. Wala naman po akong ginagawang masama."

Ito naman ang pahayag ni Robin tungkol nga sa napapabalitang panliligaw ni PJ kay Queenie: "Hindi ko man kilala 'yang kapatid natin na 'yan, e, dalaga yung anak ko... 'Yan ba ang pumupunta sa bahay? Matino naman yun, may sariling pag-iisip naman ang anak ko. At hindi pa rin siya [Queenie] dapat magpakilala sa akin ng lalake kung hindi pa siya sigurado na yun na ang kanyang papakasalan. Kapag nangyari kasi 'yan na nag-boyfriend siya, ipapakasal na namin siya. Hindi kasi puwede talaga sa amin yun."

Dagdag niya, "Siguro, kung talagang seryoso si Queenie diyan, sa lalaking 'yan, aba'y kakausapin namin ang lalaki."

Naniniwala raw siyang alam na ni Queenie kung ano ang dapat nitong gawin.

"Alam na niya ang tama't mali," seryosong sabi ni Robin. "Meron na siyang religion na dapat niyang sundin, nasa kanya na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN