Sid Lucero pits acting prowess with Dahil May Isang Ikaw co-star Jericho Rosales

"But Echo is such a giving person, he's very generous and makes my job so much easier. His status as an actor, on how good he is, only challenges me to do better—not to do good, but to better myself," says Sid Lucero (in photo) about his Dahil May Isang Ikaw co-star Jericho Rosales.


Kung husay sa pag-arte ang pag-uusapan, hindi na kailangang kuwestyunin kung saan nanggaling ang husay ni Sid Lucero. Nanggaling sa pamilya ng mga mahuhusay na aktor at aktres sa industriya, ngayon ay gumagawa na ng sarili niyang marka si Sid bilang isa sa pinakamahuhusay na kabataang aktor sa kasalukuyan.

Si Sid ay anak ng aktor na si Mark Gil. Grandparents niya sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa. Mga tiyuhin at tiyahin naman niya sina Michael de Mesa at Cherie Gil. Lahat sila ay pawang kinikilala sa industriya ng pelikula at telebisyon bilang mga mahusay at respetadong mga artista.

Kasama si Sid sa upcoming primetime drama series ng ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw, na magsisimula na sa August 24. Kasama niya rito sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Chin Chin Gutierrez, at Karylle.

Inamin naman ni Sid na habang papalapit ang premiere telecast ng Dahil May Isang Ikaw ay lalo ring tumitindi ang kaba na nararamdaman niya.

"The pressure is getting really heavy already. We're going to replace a show [Only You] doing very well, so nakaka-presure. I'm working with veteran actors and actresses. I worked with Ms. LT and Karylle before and that little experience makes it easier lang. But the rest of the people... Feeling ko nga, new student ako sa isang klase, lahat magkakakilala, ako lang ang hindi. Just want to be close to them, just to be part of the family they have."


ACTING SHOWDOWN WITH JERICHO. Kapansin-pansin na sa trailer ng naturang teleserye ay madalas na ang kaeksena ni Sid ay si Jericho, na gumaganap bilang kapatid niya. Hindi kaya na-intimidate o kinabahan man lang si Sid na baka masapawan siya sa intensity ng acting ni Jericho?

"Hindi yun ang concern ko while I'm doing my job," sagot ni Sid sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "With my job, I just want to do it well and as honest as possible. If you're gonna allow yourself to be distracted by little, petty things like that, it's gonna affect the way you do your job right.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But Echo is such a giving person, he's very generous and makes my job so much easier. His status as an actor, on how good he is, only challenges me to do better—not to do good, but to better myself."

With all the good projects he's doing now in ABS-CBN, Sid expressed his gratitude for the trust that the Kapamilya network is giving him.

"It feels really good!" sambit niya. "That's what I want naman, e. I don't wanna stop working ever. It doesn't matter to me how big or small the role is, as long as I'm doing my job, I'm doing what I love. And all these things, projects that I've got, para siyang award. Para siyang pat on the back saying, 'Sid, you're doing your job.' I'm very grateful to ABS."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN