Marian Rivera credits successful pilot week of Darna to "team effort"

"Napakasuwerte na ngayon ang maka-30 percent rating, tapos bibigyan ka ng plus 40. Thankful kami na pinanood kami ng tao. Feeling ko, kaya kami nag-number one, dahil sa direktor namin, sa buong cast, staff, crew, at ang suporta ng GMA-7. Hindi lang ako ang dahilan kung bakit pinapanood kami. Lahat ng kasama sa series, dahil team effort ito at tulung-tulong kami," says Marian Rivera about the high ratings of Darna on its pilot week.


Dumalo ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving Mass para sa successful pilot week ng Darna, kung saan ang average rating nito sa Mega Manila ay 43.5 percent (Source: AGB Nielsen).

Ginawa ang thanksgiving Mass sa location ng fantaserye sa Los Arkos, Barangay Tungko, San Jose Del Monte, Bulacan, noong Lunes ng gabi, August 17. Si Fr. Dennis Espejo ang officiating priest sa misa na dinaluhan ng buong staff, crew, at cast na present that time, sa pangunguna nina Marian Rivera at Direk Dominic Zapata. Dumating din sa misa ang GMA-7 executives na sina Ms. Lilybeth Rasonable (AVP for Drama) at Ms. Redgie Magno (senior program manager).

Kahit pagod ang lahat sa tuluy-tuloy na taping, masaya naman ang ambience sa set at walang nagutom sa dami ng pagkain.

VERY IMPRESSIVE PILOT WEEK. Bago ang misa ay nakausap ng PEP si Marian. Ayaw niyang pumayag nang pansinin namin na mas payat siya ngayon, pero yun ang tingin ng lahat. Naintindihan namin tuloy kung bakit pinayuhan si Marian ng rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes na kumain.

Ano naman ang feeling niya na nag-number one agad ang Darna sa pilot week nito?

"Masayang-masaya ako," sagot ni Marian. "Napakasuwerte na ngayon ang maka-30 percent rating, tapos bibigyan ka ng plus 40. Thankful kami na pinanood kami ng tao. Feeling ko, kaya kami nag-number one, dahil sa direktor namin, sa buong cast, staff, crew, at ang suporta ng GMA-7. Hindi lang ako ang dahilan kung bakit pinapanood kami. Lahat ng kasama sa series, dahil team effort ito at tulung-tulong kami."

Tinanong ng PEP si Marian kung hindi ba siya napi-pressure na pagkatapos ng Darna, dapat ay malaking project ang kanyang isusunod at mas maganda?

"Walang pressure sa akin dahil bawat soap na ginagawa ko at ibinibigay sa akin, lagi kong ibinibigay ang best ko. Saka, depende rin sa project yun," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIRST FLIGHT. Sa episode ng Darna kagabi, August 18, unang lumabas si Marian na naka-Darna costume. Sa mga susunod na gabi naman ay masasaksihan na ang kanyang paglipad. Ano ang feeling niya nang kunan ni Direk Dominic ang una niyang paglipad?

"Excited ako at ang sarap ng feeling!" sambit niya. "Malaki ang pasasalamat ko na nag-training akong lumipad dahil maganda ang bagsak ko, maayos ang landing ko."

Dagdag na kuwento ni Marian, hindi na siya conscious 'pag naka-costume. Nakakapaglakad na rin daw siya sa set nang hindi nahihiya.

"Noong una, hiyang-hiya ako, pero na-overcome ko yun sa presscon/launching. Sa pictorial, nahihiya pa ako. Sa launching, naramdaman kong hindi ako nahiya at na-conscious. Kumportable na akong naka-costume, at kaya kong maglakad nang walang robe, at sinasabi na lang sa akin na magsuot ako ng robe. Dapat lang 'pag magko-costume ka, hindi ka kakain ng marami. Kanina, kain ako nang kain ng pandesal, yun pala magda-Darna ako!" natatawa niyang kuwento.

Hindi ba siya takot 'pag kinukunan siya sa harness?

"Hindi ako takot sa taas dahil mahilig akong sumakay ng rides. Feeling ko, 'pag naka-harness ako, nasa roller coaster lang ako. Mahirap ang naka-harness, nage-effort akong ipitin ang mga hita at kailangan maganda ang bagsak ko. So far, okay naman."

Ano ang pinakamahirap niyang ginawang fight scene?

"Wala pang masyado dahil chroma [bluescreen or greenscreen] yun. Kaya lang, di puwedeng isang routine lang ang alam mo, at mapapansin ng tao. Kailangang galingan, at ginagalingan ko naman talaga 'pag fight scene," saad ni Marian.

Hinihintay ang fight scene nila ni Valentina (Iwa Moto) dahil may kampong ahas si Valentina. Kailan ito mangyayari? Anong episode ito mapapanood?

"Marami muna akong makakalaban bago si Valentina at may mangyayari pa kay Valentina bago kami magharap. 'Wag ninyong madaliin! Kasisimula pa lang ng Darna, basta maghintay lang sila, at pangako, hindi sila madi-disappoint. Tama ang sinabi ni Direk Dom, hindi namin sasayangin ang oras ng viewers sa harap ng telebisyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SITCOM & HORROR MOVIE. Bukod sa Darna, mapapanood din si Marian sa sitcom nila ni Manny Pacquiao sa GMA-7 na Show Me D Manny, na magsisimula na sa August 23. Sa pelikula naman, ipalalabas na sa August 26 ang horror film nila ni Dennis Trillo na Tarot para sa Regal Entertainmen.

Ano ang mae-expect ng fans niya sa sitcom at sa movie niya?

"Ay, masaya ang sitcom!" bulalas niya. "Kabaligtaran ng role ko sa Darna dahil sobrang tapang, sibrang kalog, at walang kinatatakutan ang role kong si Ella. Horror naman ang movie namin ni Dennis Trillo, at promise, matatakot kayo 'pag pinanood ninyo. Natutuwa nga ako na iba't ibang projects ang ginagawa ko, masaya ako."

PORSCHE FOR DINGDONG? Ibinuking naman ng mga kasama ni Marian sa Darna na sinundo siya ng rumored boyfriend niyang si Dingdong sa taping noong birthday niya last August 12. Sabi nga ng mga co-stars niyang sina Mark Anthony Fernandez at Gabby Eigenmann, "They look very much in love with each other."

Ayaw nga lang mag-comment ni Marian tungkol dito. Pati kung ano ang birthday gifts nila sa isa't isa ni Dingdong ay "secret" pa rin daw.

So, hindi totoo ang tsismis na binigyan niya ng Porsche car si Dingdong at house and lot naman ang gift ng aktor sa kanya?

"Hindi totoo 'yan, lahat ay hindi totoo," tanggi ni Marian. "Simple lang ang gifts namin sa isa't isa, pero special.

"Bakit ko siya bibigyan ng Porsche? Mas mayaman pa siya sa akin, kaya niyang bumili nun! Kawawa naman siya at insulto sa kanya yun na pinalalabas na hindi niya kayang bumili ng ganun kamahal na sasakyan. Saka, hindi niya ako sugar mommy, haller!" natatawang reaksiyon ni Marian.

Kung may Darna si Marian, si Dingdong naman ay malapit nang mapanood sa Stairway To Heaven, kung saan makakapareha ng aktor si Rhian Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tanong: Bibisitahin ba ni Marian si Dingdong sa taping ng Stairway To Heaven?

"Ayoko, ayaw!" bulalas niya. "Siya rin naman, hindi dumadalaw sa taping ko. Once pa lang siyang pumunta, at yun ay nang sunduin niya ako noong birthday ko para mag-dinner kami. May respeto ako sa leading lady niya, kaya hindi ako bibisita sa taping niya. Nakakahiya naman kay Rhian. Kahit pareho kaming busy, may time pa naman na nagkikita kami ni Dingdong."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN