John Lapus honored to be working with GMA-7 royalty Manny Pacquiao and Marian Rivera

"Ngayon, may reason ako not to have a lovelife, kasi busy ako sa trabaho. Noong araw, wala akong lovelife, pero wala rin akong trabaho. Hindi ba, kawawa naman ako? Mas sad yun! At least ngayon, may trabaho ka, may pera ka, mas madaling darating ang lovelife!" says John Lapus about having three shows and being single.


Talagang masaya ngayon ang TV host-comedian na si John "Sweet" Lapus—natutupad na kasi ang wish niyang magkaroon ng maraming trabaho.

Tatlo na ang regular shows niya sa Kapuso network. Bukod sa showbiz talk show na Showbiz Central at ang primetime series na Adik Sa 'Yo, kasama rin si Sweet sa bagong sitcom ng GMA-7 na Show Me Da Manny.

"Pangatlong show ko na 'to!" nakangiting pagmamalaki ni Sweet sa presscon ng Show Me Da Manny kagabi, August 18.

Hindi ba't parang pareho lang na comedy ang Adik Sa 'Yo at Show Me Da Manny?

"Technically, hindi," paglilinaw ni Sweet. "Kilala n'yo naman ako, I make sure na lahat ng trabaho ko...kasi, given na yun na pare-parehong bakla ang role. Pero sinisigurado ko na iba-iba ang makikita nilang bakla sa lahat ng mga shows na ginagampanan ko. Tulad niyan, third show ko na 'to, meron akong Adik Sa 'Yo na running ngayon. So, pinaghandaan ko talaga itong Show Me Da Manny. I wanted it to be different."

Kung sa Adik Sa 'Yo ay may pagka-matapang na Batangueño si Sweet bilang si July, dito naman sa Show Me Da Manny, bilang Nicole, ay bakla siyang soft, iyakin, matamlay, pero fashionista.

WORK IS A BLESSING. Hindi nagrereklamo si Sweet sa pagkakaroon niya ng tatlong sabay-sabay na shows:

"Again, I'm not complaining. Ang tawag ko nga sa trabaho ko ay blessing. Tatlong blessing ang ibinigay sa akin ni God and, of course, yung GMA ang ginawa niyang instrumento. Tatlong show, everyday akong nagtatrabaho, but it's worth it. Hindi ako nagrereklamo kundi puro panay lang gratitude ang puwede kong ibigay.

"M-W-F-S, Adik Sa 'Yo, kasi four times a week kaming nagte-taping. Itong Show Me Da Manny, supposedly every Tuesday lang 'to. Pero next week, since aalis nga si Manny for his fight [against Miguel Cotto of Puerto Rico], magiging Tuesday-Thursday kami. So, everyday, dahil Sunday, Showbiz Central.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinasabi ko nga, ngayon, hindi na ako nagrereklamo kung puyat ako at wala akong tulog. Kasi, mas mabuti na ang walang tulog kesa ang walang gising!" biro ni Sweet.

Since sabi nga niya ay araw-araw siyang nagtatrabaho, paano na ang kanyang lovelife?

"Wala!" mabilis niyang sagot. "Na, okay lang."

E, di, ang sad?

"Actually, hindi sad. Kasi ngayon, may reason ako not to have a lovelife, kasi busy ako sa trabaho. Noong araw, wala akong lovelife, pero wala rin akong trabaho. Hindi ba, kawawa naman ako? Mas sad yun! At least ngayon, may trabaho ka, may pera ka, mas madaling darating ang lovelife!"


GOOD DECISION. Ipinarating namin kay Sweet ang naging komento ng ilang entertainment press habang nagsasalita siya during the presscon proper, na good decision daw niya ang paglipat sa Kapuso network.

"Ay, oo naman!" bulalas niya. "Ano ako, e, nag-iisip naman ako. Hindi ako grab nang grab. Hindi ako tanggap nang tanggap ng opportunity. Sinabi ko na 'yan sa inyo dati, as much as ayokong lumipat—galing ako sa ABS—ayokong iwan ang mga kaibigan ko. But then again, you know, meron akong mga kaibigang binubuhay. Meron akong mga God-given talents na gustong i-share sa taong-bayan, so sayang naman.

"Ngayon, this is my third year sa GMA. Ako ay natutuwa sa lahat ng blessing na ibinibigay sa akin ng GMA at sa opportunity to entertain the televiewers and actually get paid for it. Hindi ba, wala ka nang blessing na hahanapin dun? I'm doing something that I like, and that is to entertain and to perform, and yet, sinusuwelduhan ako. Di ba, nakakataba ng puso na may ganoong blessing na ibinibigay si God?"

Pero isa raw sa ipinagmamalaki ni Sweet ay hindi siya nagsunog ng tulay.

"Ay, never! In fact, once a week, I get to see them [mga dati niyang kasama sa ABS-CBN]. Kapag may mga birthdays, nai-invite pa rin ako sa mga ABS-CBN parties and events. Like two months ago, I attended Tita Cory Vidanes's birthday. And to be honest, tinitingnan ko ang lineup, ako lang yata ang taga-GMA that night. At alam ng mga kaibigan ko na kapag dumarating ako sa mga ABS-CBN events, tinatawag nila ako. Alam nilang may tendency ako to feel awkward or yung mamahay," lahad ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Sweet, ang co-manager niyang si Ricky Gallardo ang namamahala sa TV projects niya. Pero hawak daw ng Star Magic ang movies, live shows, at corporate shows. Pero puwede rin naman daw kumuha rin ng mga naturang projects ang manager niya.

"Alam n'yo yun, to avoid conflict of interest na rin, I opted to get Ricky na rin," sabi niya.

MANNY & MARIAN. First time ni Sweet na makasama sa isang project sina boxing champ Manny Pacquiao at ang tinaguriang "Primetime Queen" na si Marian Rivera.

"Natuwa ako na si Manny... Well, actually, expected ko na si Manny, nakakatawa in real life. Di ba, si Manny, nakita na natin in real life, nakakatawa ang mga commercials niya? Minsan nga, ini-spoof na namin sa harapan niya ang mga commercials niya. Kami ni Tuesday [Vargas, co-star din nila sa Show Me Da Manny], ginagaya namin siya. So, I was surprised. I'm actually honored to be actually working with Manny. Let's face it, he's our Pambansang Kamao. Buong mundo, kilala si Manny. Heto ngayon at kabiruan ko lang sa taping," lahad ni Sweet.

Pagdating naman daw kay Marian, "I was surprised na napakaganda ng kanyang comic timing. At saka si Marian, nakikinig, alam mo yung nauna ako sa kanya sa comedy. Minsan, binibigyan ko siya ng advice kung paano niya ide-deliver ang line na ito, kung paano niya tatapusin. Nakikinig naman yung bata.

"Although, nag-bonding na kami. Hindi ba, nag-guest siya sa show kong Sweet 16? Noong time na yun, hindi ko alam na magkakatrabaho pala kami dito sa Show Me Da Manny. Sabi ko nga, it's an honor to be working with the two royalty of GMA—Manny Pacquiao as Pambansang Kamao and Marian Rivera, the Primetime Queen."

KRIS AQUINO. Kinumusta naman namin kay Sweet ang isa sa itinuturing niyang best friend sa showbiz, si Kris Aquino. Okay pa rin ba sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman!" mabilis niyang sagot. "Last Sunday [August 16]... Funny ito... Nag-text siya sa akin. Sabi kasi niya kay Josh, we'll eat out daw, sila. Noong Sunday lang ito, habang nasa The Buzz siya siguro at nasa Showbiz Central ako. Magdi-dinner si Kris kay Josh. Sabi raw ni Josh, 'Okay, let's pick up Tito John in GMA.'"

Natatawang ikinukuwento ni Sweet na laking Dos daw si Joshua at hindi nito alam ang GMA-7. Si Kris lang daw ang nagsabi kay Josh na, "Tito John is working in GMA."

"Eh, after Central," sabi ni Sweet, "may taping naman ako. Pero naka-schedule ako to visit them this week."

Yun nga lang, aminado si Sweet na hindi raw siya talaga "pang-sad moments" na kaibigan. Lalo na ngayon na nagluluksa pa rin si Kris dahil sa pagkamatay ng kanyang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino.

"Alam naman ni Kris yun na hindi ako magandang friend if you're sad and grieving. Hindi ako magaling sa ganoon. But if you want to have fun, if you want to move on and finally recover—since alam naman niya yun—kapag handa na siyang mag-recover, tawagan niya lang ako and I'll be there.

"Kasi, so far, umiiyak pa rin yata and let's give her that, kasi hindi naman ganoon kadali. Very close siya sa mother niya and buong family nila, very close, and I am a witness to that. So, hayaan muna natin siya sa ganoon. Knowing Kris, she will call me. Magpaparamdam 'yan that she wants to see me. And, usually, mag-o-organize 'yan ng dinner and we will eat out with the kids... Alam naman niyang I'll be there," pahayag ni Sweet.

The last time daw na nakita niya si Tita Cory ay noong birthday ni Josh. Kung may maaalala man daw siya rito, every time na magkikita raw sila ay parati nilang pinag-uusapan si Josh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN