Joseph Bitangcol renews bond with ex-girlfriend Sandara Park on her recent visit

"Three years din kami at may pinagsamahan. Masaya ako na reunion yun ng SCQ. Pero siyempre, mas masaya na nakita ko ulit si Sandy, na ang tagal kong hindi nakita dahil sa Korean na siya naka-base," says Joseph Bitangcol about his recent meeting with ex-girlfriend Sandara Park.


Kamakailan ay dumating sa Pilipinas si Sandara Park, ang tinaguriang "Pambansang Krung Krung ng Pilipinas" noong kasikatan niya matapos maging first-runner up sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest (SCQ). Bumisita siya rito para muling makita ang mga naging kaibigan niya noong nandito pa siya at nag-aartista.

Ngayon ay unti-unti nang sumisikat si Sandara sa kanyang sariling bansa, ang South Korea. Kilala na siya bilang Dara sa all-female group na 2NE1.

Bago umalis ng bansa si Sandara ay naging malaking isyu ang breakup nila ng boyfriend niyang si Joseph Bitangcol, na ka-batch ni Sandara sa SCQ, kung saan si Hero Angeles ang itinanghal na Grand Questor.

SCQ REUNION. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joseph noong August 17 nang maging bisita siya sa birthday party ng movie writer at presidente ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na si Roldan Castro.

Ikinuwento ni Joseph sa PEP ang nangyari nang magkita sila ni Sandara sa reunion ng Star Circle Quest Batch 1, kung saan naroon din ang iba pa nilang mga kasamahan gaya nina Michellle Madrigal, Errol Abalayan, Raphael Martinez, at Neri Naig. Bagama't wala raw sina Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, at Melissa Ricks ay nagkita na rin naman daw sila bago ang reunion.

"Nung dumating talaga ako sa venue ng pagkikita namin, na-excite ako kasi, siyempre, long time no see," umpisa ni Joseph. "Gusto ko kaagad siyang [Sandara] makausap para i-congratulate. Nung nagkita kami, medyo nagkahiyaan pa, pero okay naman. Siya din, nahihiya.

"Hindi ko naman siya kaagad makausap nang bigla-bigla kasi konting usap namin, tinutukso na kami ng mga kaibigan namin. Bulungan na, binibiro na kami ng lahat. Tapos, ako na yung nag-umpisa. Kinumusta ko lahat, pati yung family niya at yung grupo niya ngayon kung mababait ba sa kanya. Siyempre, hindi maiiwasan sa grupo yung may inggitan.

"Nung medyo tumagal, okay na, nakapag-bonding na nang konti. Kinabukasan, balak pa sana naming lumabas, pero hindi na kaya ng schedule niya kasi kailangan na siyang bumalik sa Korea."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa taong inabangan sa reunion na yun ng SCQ ay ang pagdating ni Hero Angeles, ang unang ka-loveteam ni Sandara. Bakit wala ito? May kinalaman kaya si Joseph?

"May taping yata siya sa Tagaytay, so hindi umubra," banggit ni Joseph. "Alam ko nag-try naman na ma-contact siya. Okey lang din naman kung nandun si Hero. Matagal naman nang isyu yung tungkol sa aming tatlo. Iba-iba na rin yung buhay namin. Hindi dapat mailang kung nandun man siya, kasi nagkita na rin naman kami few times ni Hero sa GMA at nagti-text pa rin naman kami at nagkakamustahan."

THE NEW SANDARA. Inamin ni Joseph na noong nakita niya ang ex-girlfriend ay may kilig pa rin siyang naramdaman, na dinagdagan pa ng tuksuhan ng mga dating kasama nila sa SCQ.

"Three years din kami at may pinagsamahan," sabi ng young actor. "Masaya ako na reunion yun ng SCQ. Pero siyempre, mas masaya na nakita ko ulit si Sandy, na ang tagal kong hindi nakita dahil sa Korean na siya naka-base."

Kuwento pa ni Joseph, nang huli silang magkita ni Sandara sa pagdalaw ng huli sa Pilipinas noong nakaraang taon ay wala pa raw nangyayari sa career nito sa Korea. Under workshop pa raw ito nang mga panahong yun.

"Yun yung huling balita ko sa kanya, tapos nawalan na kami nang communication. Kaya nga nagulat ako na may narating na pala yung paghihintay niya."

Ano ang nabago sa hitsura ni Sandy?

"Marami, from head to foot talaga," sagot ni Joseph. "Buhok, ulo, makeup, yung dating niya, at tindig, iba na. Ang laki ng binago, fashionista talaga ang dating niya. Ang laki ng ginaling niya sa pagsasayaw. Biniro ko nga siya na puwede na siyang sumabay sa amin sa paghi-hip-hop, tawa lang siya nang tawa.

"Nung una, lahat ng mga balita, nanggagaling sa friends ko o sa TV. Tapos, sinearch ko sa YouTube. Napanood ko pa yung kinanta n'ya, yung 'In Or Out' [single ni Sandara] sa isa sa mga guestings niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BABALIK KA RIN... Proud daw si Joseph na kahit na nilisan na ni Sandara ang Pinas at pinili nang magkaroon ng career sa Korea ay bumabalik-balik pa rin ito sa Pilipinas.

"Yun nga ang nakakatuwa. Kasi kahit sikat na siya, hindi niya tayo nakakalimutan. Binigyan siya ng three-days vacation. Puwede naman sa ibang bansa na walang kamera, Pilipinas pa rin ang pinili niya. Proud talaga ako sa kanya at fan na nga niya ako," saad niya.

Aware ba si Sandara sa pagpapaseksi niya at kissing scene kay Polo Ravales sa pelikulang Walang Kawala?

"Hindi ko alam kung alam na niya, pero nahihiya ako siyempreng i-open," sabi ni Joseph. "Masyadong maiksi rin yung time. Puwedeng alam na niya, puwedeng hindi niya inalam."

Magandang alaala raw ang iniwang pabaon ni Sandara sa mga kaibigan nito sa SCQ, lalo na kay Joseph. Hindi pa rin daw nagbabago ang Koreana na kahit sumikat ay nanatiling totoo.

Bilang panghuli ay tinanong ng PEP si Joseph kung naroon pa ang feelings niya para kay Sandara. May posibilidad kaya na magkabalikan sila?

"Sa estado ng career niya ngayon, medyo malabo," aniya. "Pero hindi ko isinasara yung possibility. Nandun pa rin yung feelings. Iba talaga kapag nakikita mo yung tao. Bumabalik kung ano man yung naramdaman mo sa kanya ngayon. Sa ngayon, ang importante, okay siya at ako, okay rin naman sa career. Ang importante, okey siya dun, okey ako dito. Kung kami, panahon na lang makakapagsabi."

Dagdag niya, "Bumalik na rin ako sa ABS, kasama ako sa Tiagong Akyat at ibang shows pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN