Glaiza de Castro considers Stairway To Heaven her biggest project to date

Young actress Glaiza de Castro will play the role of Eunice in the upcoming GMA-7 primetime series Stairway To Heaven. "Bumili kaagad ako ng DVD copy ng Stairway To Heaven para mapag-aralan ko na ang character ni Eunice. Sa mga napanood ko na, grabe pala sa bigat ang story at talagang iyakan. Kaya kailangan handa ako dahil mahirap pala ang role na Eunice. Hindi siya basta-basta lang na role," she says about getting ready for her pe


Hindi pa rin makapaniwala si Glaiza de Castro sa magandang suwerte na dumating sa kanyang showbiz career. Nagkasunud-sunod kasi ang TV at movie projects niya sa taong ito. Para kay Glaiza, suwerte ang taong 2009 para sa kanya dahil dumarating na lang ang mga trabaho sa kanya, unlike sa mga nakaraang taon na talagang naghihintay siya ng trabaho.

Ang itinuturing na pinakamalaking TV project ni Glaiza ay ang role niya bilang Eunice sa nalalapit na adaptation ng GMA-7 ng hit Koreanovela na Stairway To Heaven. Nagulat nga ang young actress nang ipinatawag at sabihing siya ang napili bilang Eunice, ang magpapahirap sa buhay ni Jodi.

"Akala ko nga may audition pa," sabi ni Glaiza sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero ako na raw ang napili nila kaya tuwang-tuwa ako. Isang surprise 'yon para sa akin. Hindi pa kasi natatapos ang Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, pero may kasunod na akong work.

"Kaya ang laki ng pasasalamat ko sa GMA-7 dahil nagtitiwala sila sa akin. Bumili kaagad ako ng DVD copy ng Stairway To Heaven para mapag-aralan ko na ang character ni Eunice. Sa mga napanood ko na, grabe pala sa bigat ang story at talagang iyakan. Kaya kailangan handa ako dahil mahirap pala ang role na Eunice. Hindi siya basta-basta lang na role."

Makakasama ni Glaiza sa Stairway To Heaven sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, at TJ Trinidad.

UNEXPECTED AUDITION. Nagbalik-tanaw si Glaiza noong nag-audition para sa pelikulang Cool Dudes: 24/7 ng Regal Films, kung saan nakasama niya sina Cogie Domingo, James Blanco, Danilo Barrios Angelene Aguilar, at Jemalene Estrada. May nagsabi nga kay Glaiza na siya na lang ang naiwang aktibo pa sa showbiz dahil ang ibang co-stars niya ay halos hindi na nakikita.

"May nagsabi nga sa akin niyan noong may magpadala sa Facebook ko ng cast photo namin. Oo nga, 'no, ako na lang pala ang natitirang active sa cast? To think na hindi ako talaga dapat kasama sa cast ng Cool Dudes. Aksidenteng napasama lang ako sa pelikula," pag-alaala ni Glaiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin ni Glazia sa PEP ang muntik-muntikan na niyang hindi pagpasok sa showbiz. Dahil sa maling text message kaya raw siya naging artista ngayon.

"Nakatanggap kasi kami ng text message na may final audition ako, kasi magpa-final casting na sila for Cool Dudes. Pagdating namin sa venue, tinanong ako ni Direk Ruel [Bayani, director of the movie] kung bakit nandoon ako. Sabi ko na may text message akong natanggap. Nagkamali raw sila kasi hindi talaga ako kasama.

"Handa naman na akong umuwi no'n, pero sinabi ni Direk Ruel na mag-stay na rin ako at baka makapasok ako. Huwag ko na lang daw banggitin na may naligaw na text message sa akin.

"Noong final audition, pinasampal sa akin ni Direk Ruel si Cogie. Kailangan daw kasi na hindi aware si Cogie na sasampalin ko siya, tapos may mahabang dialogue. So, sinunod ko naman at nagustuhan nila ang final audition ko kaya nasama ako sa cast.

"Ang mommy ko, panay ang pasasalamat kay Direk Ruel kasi kung hindi niya kami pinigilang umuwi, baka hindi ako artista ngayon. Baka hanggang ngayon, nangangarap pa rin ako, nag-aaral, at nanonood lang ako ng TV ngayon sa bahay," lahad ni Glaiza.

Ngayon ay isa na si Glaiza sa itinuturing na pinakamahusay na young actress ngayon na puwedeng magbida at magkontrabida. Lahat daw ng roles ay gustong gampanan ni Glaiza hangga't kaya niya.

"Yun naman ang challenge ng pagiging artista natin, di ba? Kailangan makaya natin ang kahit na anong role. Mapa-TV at pelikula, pinag-aaralan dapat lahat. Marami pa naman akong kailangan matutunan at sa mga roles na binibigay sa akin, marami akong nalalaman tungkol sa pag-arte. Isa ito sa mga gusto ko ring i-share sa kapwa ko artista balang-araw."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN