Sam Milby takes advantage of Hawaiian vacation to recharge

"I'm very excited, hindi lang para sa kasal ng sister ko kundi makikita ko uli yung dati kong coach in [figure] skating, pati yung partner ko. Pupunta sila sa kasal ng sister ko, mga ten years ko silang hindi nakita.I'm excited to see my family," says Sam Milby about his Hawaii trip.


Sa kabila ng pagkakaroon ng problema ng Star Cinema sa SM Cinemas, naging maganda pa rin ang resulta ng And I Love You So sa takilya. Ayon sa report ng Ad/Prom ng Star Cinema, kahit hindi palabas sa alinmang sinahen ng SM ang pelikulang ito na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Derek Ramsay, at Sam Milby, ay kumita raw ng P8 million sa unang araw nito.

Bago lumipad patungong Hawaii para sa kasal ng kanyang kapatid na babae ay nakausap muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam last Monday, August 17. Kinuha namin ang kanyang pahayag sa problema sa pagitan ng Star Cinema at SM Cinemas, na naging dahilan kung kaya't hindi naipapalabas ang kanilang pelikula sa SM Cinemas.

"I'm super hoping na sana maayos ang problema," sambit ni Sam. "Alam ko sa mga provinces minsan, ang mga movie theaters nila, SM lang. I'm hoping na maayos ito siyempre, para yung mga places na SM lang ang theaters nila, mapanood din nila ang And I Love You So."

RAVE REVIEWS. Sa kabila nito, patuloy ang mga papuri na tinatanggap ng buong cast ng And I Love You So. Sa The Buzz nga noong Linggo, August 16, ay sinabi ni Kris Aquino na humanga siya nang husto sa galing na ipinakita ni Sam sa pelikula. Anong reaksiyon ni Sam dito?

"Sobrang flattered ako, lalo na kay Ate Kris sa mga sinabi niya nung nag-The Buzz ako last Sunday. Coming from Ate Kris, it's really uplifting. I guess pati yung mga writers, sila Ate Vanessa [Valdez], and Direk Loren [Dyogi], lagi silang nagte-text na nakaka-receive sila ng mga texts congratulating the movie.

"Tita Cory [Vidanes, head of ABS-CBN] called me. Nung premiere night, nandun si Tita Malou [Santos, managing director of Star Cinema] to support and I'm happy and thankful with Direk Loren, with the writers, and Bea. It's a hard role for me, my character in the movie is hindi si Sam, it's very different. I need a help to get into the character and they help me with that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pelikula, ginagampanan ni Sam ang papel na Chris, isang playboy na kakahiwalay pa lamang sa kanyang asawa, at tutulong kay Bea para maka-recover sa pagkamatay ng mister nito (Derek).

REALISTIC SLAP. Dahil nadala nang husto sa isang eksena si Bea ay naging sobrang makatotohanan ang pagsampal nito kay Sam. Tinamaan daw ni Bea ang tenga ng Fil-Am actor na naging dahilan kung bakit nabasag ang eardrum nito.

According to Sam, patuloy pa rin ang treatment niya para hindi na lumala pa ito at hindi na operahan ito.

"Yung lang ang medyo nakakalungkot, kasi pupunta ako sa Hawaii... Siyempre, when you say Hawaii—beach, surfing. Pero bawal akong mag-swiiming, pati earplugs. Kasi kahit kaunting tubig ang pumasok sa tenga ko, di maghi-heal yung butas sa eardrum. At 'pag hindi ito nag-heal, magkakaroon ng surgery. I had a check-up na and until now, umiinom pa rin ako ng antibiotics," lahad ni Sam.

ONLY YOU. Sa Biyernes, August 21, ay magwawakas na ang primetime series na kinabibilangan ni Sam, Only You, with Angel Locsin and Diether Ocampo. Last Sunday ay nagkaroon ng thanksgiving ang buong cast para sa mga bata sa Payatas bilang pasasalamat sa mataas na ratings ng Only You.

"It was a lot of fun!" sabi ni Sam. "Ako, I have a soft spot sa mga bata. It's not only for giving them some stuff, but just to see their faces na kilala nila ako. They call me 'idol,' nakaka-touch talaga. It's just giving back all the big blessings of Only You, these are the people who've been supoorting us the whole time.

"Kami, we're very thankful sa mga supporters, sa mga nanood ng show namin. Since the first day, mataas ang ratings namin hanggang ngayon. I'm very thankful na nasama ako sa show na ito."

ANNE CURTIS. Nang maaksidente si Anne Curtis recently, ang isa raw sa unang tumulong sa aktres ay ang dati niyang boyfriend na si Sam. Balita na madalas daw nakikitang lumalabas ngayon sina Sam at Anne at mukhang mauuwi na raw sa balikan ang mag-iisang taon din nilang paghihiwalay. Ano ang masasabi ni Sam dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're friends again, we hung out one time with some friends. Ako naman, I'm open to anything. We both moved on, we passed na the ilang stage. Matagal na yun, so we're really good friends again. We'll see where it will go from there. Just like I've said, I'm open to any possibilities."

Mukhang naayos na nga talaga ang samahan ng dalawa. Pinanood pa nga raw ni Anne ang And I Love You So at alam din ng aktres ang pagpunta niya Hawaii.

"She watched na. Sabi niya sa akin she really liked it, ang ganda raw. Pati nga si Liz Uy, I think she cried when she watched the movie... Oo, alam ni Anne na I'm going to Hawaii. Open naman ang communication namin ngayon."

HAWAII TRIP. With all the projects na ginawa ni Sam—from Only You, to And I Love You, at ang pelikula niya with Toni Gonzaga, Erap Estrada, and Ai-Ai delas Alas—his Hawaii trip will be time for him to recharge.

"Six days lang ako dun, actually gusto ko nga mas matagal pa para makapagpahinga, pero hindi puwede kasi I'm finishing a movie with Toni. Last couple of months, nahirapan talaga ako. Dire-diretso ang trabaho ko especially this last week. Four days straight kami [ng taping ng Only You], kasi aalis ako and I really have to finish everything. Now, puwede na akong matulog uli, mag-relax.

"I'm very excited, hindi lang para sa kasal ng sister ko kundi makikita ko uli yung dati kong coach in [figure] skating, pati yung partner ko. Pupunta sila sa kasal ng sister ko, mga ten years ko silang hindi nakita. I'm excited to see my family," sabi ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN