Eugene Domingo is proud of her body and needs no "retoke"

"Yung mukha ko, siguro ganito siya para maka-relate ang marami. Tuwang-tuwa naman ako sa mga mata ko, ilong, bibig, sa tsuk-tsuk-tsuk ng katawan ko. Lahat ng ibinigay ng Diyos na 'itsura natin, may dahilan kung bakit ganoon," says Eugene Domingo.


Idinaan na lang ni Eugene "Uge" Domingo sa katatawanan ang pangungulit ng isang movie reporter sa presscon ng Kimmy Dora tungkol sa kung anu-ano sa katawan niya ang gusto niyang iparetoke. Nag-umpisa kasi ito sa mismong joke ni Direk Joyce Bernal na medyo nahalata nga raw na hinahanapan ng anggulo ang komedyana sa launching movie nito mula sa Spring Films.

"Kaya siguro ganito ang mukha ko, kasi, may dahilan," sabi ni Uge. "Yung mukha ko, siguro ganito siya para maka-relate ang marami. Tuwang-tuwa naman ako sa mga mata ko, ilong, bibig, sa tsuk-tsuk-tsuk ng katawan ko. Lahat ng ibinigay ng Diyos na 'itsura natin, may dahilan kung bakit ganoon.

"Ang dahilan ng akin, para iparamdam sa marami na marami nga tayong ganito. Kung ano ang 'itsura mo, ipagmalaki mo, dahil it makes you unique, charming, adorable. "


EUGENE'S CONFIDENCE. Si Uge ang isa sa mga artistang walang kiyeme sa kanyang katawan. Kung kinakailangang ipakita niya ito, wala siyang pakialam kung mapintasan pa siya.

"Kung in character naman, why not? Basta kailangan lang sa istorya. Kumikita pa naman ako sa 'itsura ko. Sa Kimmy Dora, nagpasadya pa ako ng swimsuit na babagay naman sa akin sa isang eksena. Kung napanood mo ang 100 [indie film], wala akong takot na naghubad doon sa beach. Say mo?" sabay tawa niya nang malakas.

Kung hindi na raw siya kumikita, that will be the time na may ipababago siya sa mukha niya.

"Yung ibang 'itsura naman, yung kikita rin! Mag-explain ba sa 'itsura ko?" tawa nang tawa si Uge.

Alam ni Eugene na marami siyang angat na katangiang nagpapakita ng kanyang kahusayan.

"Ayoko namang magpa-humble effect pa, pero ang iniisip ko kasi, bigay ng Diyos sa akin ang ganito. Regalo ito sa akin. Marami ang nagsasabing I should just be thankful.

"Araw-araw, kinakausap ko ang Diyos, at nagpapasalamat ako na kaya ibinibigay sa akin ang mga regalong ito dahil may purpose. Hindi lang ito matatapos sa pang-aaliw ng mga tao. Baka nga mas may malaking misyon pa ito sa mundo. I won the gift. Magtutuloy-tuloy ito. I will share the gift," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UGE IS "DIYOSA" TO AI-AI. Ang tanyag na Ai-Ai delas Alas ay hindi nakararamdam ng insecurities sa kanya, kahit may ibang artistang baka nati-threaten sa kanya.

"Si Ai-Ai nga, talagang sige rin ang promote niya ng pelikula ko sa Ruffa and Ai," ani Uge. "Siya pa ang unang nag-offer at tinatanong ang playdate ng movie ko. 'Ayan nga at pino-promote niya. Naiiyak ako. Sabi pa ni Ai, huwag na lang daw akong mangarag. Mag-pray na lang ako. 'Good luck, BF [best friend] and God bless, yun lang ang sabi niya.

"Hindi ko inilalagay sa utak ko na ako ang susunod kay Ai-Ai. Gusto ko lang makapaghatid ng saya sa pelikula ko. Kung sasabihin naman ni BF na sige, ako na ang sumunod sa kanya, okey lang. Kasi maganda naman ang tinahak ni Ai-Ai."

Kung i-describe nga ni Ai si Uge ay "dyosa" raw ito.

"Aba, dyosa naman pala ako, e, bakit may mga tanong pa sa akin kung anu-ano ang gusto kong iparetoke?" at saka siya natawa pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN