Entrepreneur Joel Cruz shifts to singing in Celebrity Duets Season 3

"I asked him kung meron na siyang perfume [endorsement] at ang sabi niya, wala pa. Dun ko na siya inumpisahang kausapin na maggagawa kami ng perfume for him at welcome naman sa kanya ang idea agad," says entrepreneur Joel Cruz (left) about getting John Lloyd Cruz to endorse his perfume line.


Very proud ang entrepreneur na si Joel Cruz dahil nakuha nila ang Box-Office King na si John Lloyd Cruz bilang pinakabagong celebrity endorser ng Joel Cruz Signatures. May sariling perfume label din si John Lloyd, ang Like Her and Like Him.

Masayang ibinida ni Joel sa launching ni John Lloyd last night, August 19, sa Skydome: "Walang ibang perfumer na nakakuha kay John Lloyd kundi the Lord of Scent no less, Joel Cruz Signatures."

Kitang-kita ang excitement ni Joel on having John Lloyd as their newest endorser. Si John Lloyd ba talaga ang ina-eye niyang maging endorser?

"Yes, yes, definitely!" mabilis na tugon ng entrepreneur. "Nagkasama kami ni John Lloyd sa Betty La Fea. He's very, very nice, very warm. Hindi mo ma-feel na John Lloyd Cruz siya. He's just, you know, friendly...ordinary person. Yun kasi ang gusto ko sa mga celebrities, that once you're gifted with talents and beauty, you stay humble. And that's what I like about John Lloyd."

Nasa Betty La Fea pa lang daw sila ay ina-approach na ni Joel ang aktor.

"I asked him kung meron na siyang perfume [endorsement] at ang sabi niya, wala pa. Sabi ko, yun, dun ko na siya inumpisahang kausapin na maggagawa kami ng perfume for him at welcome naman sa kanya ang idea agad," lahad ni Joel.

Natawa naman nang malakas ang entrepreneur and part-time actor nang kamustahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang talent fee ng bago niyang endorser.

"Paano ko ba sasagutin kung mahal ba? Siyempre, John Lloyd Cruz yun, 'no! Mahal talaga yun!"

Hindi kaya magkaroon ng intriga among his other celebrity endorsers dahil sa bonggang launching na ipinagkaloob niya kay John Lloyd?

"I don't think so because, for one, we treat everybody as one big happy family para maganda ang samahan. Walang ganoon. And to think, we have GMA and ABS-CBN talents na pinagsama namin," paliwanag ni Joel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOEL SINGS "DUETS." Kasabay ng launching ni John Lloyd as the new endorser of Joel Cruz Signatures, in-announce din ni Joel na isa siya sa celebrity contestants sa third season ng Celebrity Duets, ang relaity-based singing competition sa GMA-7 na hinu-host nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Humingi na nga siya ng tulong sa mga taong nasa Skydome para suportahan at sana ay iboto rin daw siya through texting.

Makakalaban ni Joel sa Season 3 ng Celebrity Duets ang mga sumusunod: actress-director Gina Alajar, actor-concert producer Jomari Yllana, boxing champ Nonito Donaire Jr., Brazilian-Japanese model Akihiro Sato, former beauty queen Janina San Miguel, photographer Niccolo Cosme, and fashion designer Maxi Cinco.

Paano niya naisipang sumali sa Celebrity Duets?

"To be honest, I love to sing," sambit ni Joel. "However, I'm not really gifted with that voice. But I can dance. At mahilig talaga akong manood ng mga concert like Moulin Rouge, manood ng mga shows, like Broadway. Gusto kong mag-perform talaga. But as an entrepreneur, palagi na lang akong nanonood sa kanila. So, this time, nagkaroon ng break, kinuha ako ng Celebrity Duets. Hindi ako nagdalawang-isip, so, go!"

Naging inspirasyon din daw niya ang unang batch ng contestants sa Celebrity Duets.

"In a way, yes, lalo na sina Tessa Prieto, sila Bayani Fernando. Parang gusto ko rin naman na makita ng tao yung talents ko in terms of performance. But during the pilot episode, I was really enjoying kasi ang ganda-ganda! Nagsasayaw ka, ang daming confetti, kaya feeling mo, performer ka talaga. I'm really enjoying, having fun, ang daming audience, may camera...yung ganoon."

Diretsong sinabi ni Joel na lalaban talaga siya sa Celebrity Duets.

"Siyempre!" natatawa niyang sabi. "Lalaban po talaga ako."

Tanggap din daw niya kung maiintriga siya.

"Sumali ka dito, e, it's part of the game. Diyan din naman sa business, may mga intriga and everything. So, it's another challenge ulit. Marami na po akong challenges na pinagdaanan, pero huwag naman po yung sobrang intriga. Sana makayanan ko naman agad. But I'm ready naman po," pahayag ni Joel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga kasama niyang contestants sa Celebrity Duets, sino ang nakikita niyang posibleng maging mahigpit niyang katunggali?

"Naku, ang ganda ng boses ni Jomari Yllana and, of course, superstar na si Gina Alajar—they have the fans. Yung dalawa ang nakikita ko...at si boxer din, si Nonito Donaire Jr. Pero mabait sila, lahat sila, kaibigan ko na rin," saad ni Joel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN