Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo say daughter Yohan now wants twin siblings

"We're just blessed na kapag magkasama kami sa pelikula ni Juday, tinatangkilik. Ngayon kasi, lalo na't mag-asawa na kami, kailangang maingat kami. There are several lined up, pero nasa pag-uusap pa lang talaga," says Ryan Agoncillo about doing a project again with Judy ann santos.


Wala pa man, marami na ang nag-aabang sa pagbubuntis ni Judy Ann Santos. Hindi takot si Juday na masira ang kanyang figure, na inalagaan din niya through the years, kapalit ng pagbubuntis sa magiging anak nila ni Ryan Agoncillo.

"May mga bagay ka talagang isasakripisyo para lang magka-baby. Madali lang sa akin ang maibalik ang figure na 'yan kung gugustuhin ko. Basta, magbuntis lang ako, at yun naman ang wish namin ni Ryan," pahayag ni Juday nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sabay na dumating ang very happy couple na sina Juday at Ryan sa ribbon-cutting ceremony para sa pormal na pagbubukas ng Piandre salon sa Sgt. Esguerra Street, Quezon City, noong August 18.

YOHAN'S WISH. Kasama rin ba ang anak nilang si Yohan sa mga umaasang magbuntis na siya?

"Maraming tanong si Yohan, like, 'Paano gumawa ng baby?'" tawa nang tawa si Juday.

Sabi naman ni Ryan, "Ayun, nangungulit nga! E, paano ko naman masasagot yun doon sa bata? Sabi ni Juday, 'Ask Daddy.' Yun nga ang mga nakakagulat, yung first time na may anak kang magtatanong ng ganoon sa 'yo.

"Eventually, nawala naman doon yung usapan. Mabuti, naiba ang topic. Mahirap sagutin. Kahit ipaliwanag ko yun, mahirap ipaintindi doon sa bata. Baka in the next few days, sakaling maitanong niya ulit, baka may sagot na kami ni Juday."

Noong una raw, ang gusto ni Yohan ay isa lang na kapatid. Ngayon, dalawa na ang ikinukulit sa kanila.

"Para raw brother and sister," sabi ni Ryan. "Noong una, sister lang ang gusto niya."

Sabi naman ni Juday, "Sa susunod, kapag tinanong mo 'yan, gusto niya tatlo na agad ang kasunod niya. Parami na kami nang parami."


NO OTHER PROJECT. Busy ngayon sina Juday at Ryan sa ABS-CBN sitcom nilang George & Cecil. Wala pang ibang projects for them to team up anew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May offer, sa Unitel, pero pinag-uusapan pa 'yan," sabi ni Juday.

Ayon naman kay Ryan, "Maingat kasi kami sa pagtanggap ng project together. Hindi rin kami totoong loveteam. Material-driven pa rin dapat ang project namin. We can't just bank on us.

"We're just blessed na kapag magkasama kami sa pelikula ni Juday, tinatangkilik. Ngayon kasi, lalo na't mag-asawa na kami, kailangang maingat kami. There are several lined up, pero nasa pag-uusap pa lang talaga."


POSSIBLE MOVIE WITH SARAH. Kung si Juday ang tatanungin, excited siya sa offer ng Star Cinema na magtambal sila ni Sarah Geronimo. Hindi lingid kay Juday ang lakas sa box-office ni Sarah.

"Hindi ko rin alam kung alam na ni Sarah na may offer ngang ganito!" natatawa si Juday. "Sa write-up pa lang yata nalalaman. Slight na melodramatic ang tipo ng pelikula. Pero sa umpisa, hindi mawawala yung medyo pagpapatawa.

"Ang sabi ko naman sa Star Cinema, kung gagawa ako ng pelikula with Sarah, gusto ko yung ma-showcase yung pag-arte ng bata. Malalim ang pinaghuhugutan ni Sarah. Made na siya sa comedy. Sa ibang larangan naman. Para makita ng mga tao na versatile performer talaga siya."

Naniniwala ba si Juday na after na siya ang maging succesor ni Sharon Cuneta, si Sarah naman ang susunod sa kanya?

"Ganoon ba kaganda ang boses ko?" sagot ni Juday, na sa puntong yun niya naikumpara ang sarili sa dalawang nabanggit namin.

"Bongga! Pinagitnaan ako nina Sharon at Sarah. Pero, gusto ko 'yan. Not in that category siguro," natatawa na lang si Juday.

We specified na yung pagrereyna ang tinutumbok namin.

"Kanya-kanya naman kasi 'yan. Kasi yung ganyang bagay, hindi pumasok talaga 'yan sa utak ko, 'yang mga reyna-reyna. Maniwala man kayo o hindi, never akong naniwala talaga sa basta sinasabi lang ng mga tao sa akin. Na kesyo ganito ako, ganyan. Nag-e-enjoy lang ako sa ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natutuwa ako na may mga taong sumusuporta sa mga ginagawa ko. May mga taong gusto akong gumagawa ng mga pelikula. Pero, hindi ko pinasok sa kukote ko na superstar ako, artista. Naku, naaaliw lang ako! Very blessed ako sa mga nangyayari sa akin.

"As for Sarah, she will really go a long way. Very talented siya," pagwawakas ni Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN