Willie Revillame will return to Wowowee on August 29

"Siyempre, hindi ka naman basta-basta makikinig sa mga 'yan. E, kung nakinig tayo sa mga petition, si PGMA [President Gloria Macapagal Arroyo] ang tagal nang nawala. Ang dami ring nagpe-petition sa kanya," says Bobot Mortiz, Wowowee consultant, about the petition to remove Willie Revillame (left) from his own show. Last August 17, fans of the show held a rally outside ABS-CBN in support of the Wowowee host.


Natuloy ang rally ng fans and supporters ni Willie Revillame sa labas ng ABS-CBN sa kabila ng malakas na ulan noong Lunes, August 17. Hinihiling nilang bumalik na si Willie sa noontime show nitong Wowowee, na noong araw na 'yon ay si Gabby Concepcion ulit ang nag-host ng programa. Pero na-disperse agad ng mga pulis ang fans and supporters ni Willie dahil wala silang maipakitang rally permit.

Sa loob ng studio ng Wowowee, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang consultant ng show na si Edgar "Bobot" Mortiz.

Ano ang reaksiyon ng management sa pag-rally ng mga supporters ni Willie sa labas ng ABS-CBN?

"E, sigurado nami-miss siya ng mga 'yan. Siyempre, marami rin ang nagrereklamo na wala siya. Kasi, mas maraming nagmamahal sa kanya. Yung masa na walang email. Wala nga yung mga pumipila d'yan araw-araw, kumonti."

Ano naman ang masasabi nila sa petition na kumakalat sa Internet na ayaw nang pabalikin si Willie sa Wowowee?

"Wala naman 'yan," sagot ni Direk Bobot. "Siyempre, hindi ka naman basta-basta makikinig sa mga 'yan. E, kung nakinig tayo sa mga petition, si PGMA [President Gloria Macapagal Arroyo] ang tagal nang nawala. Ang dami ring nagpe-petition sa kanya."

MTRCB COMPLAINT. That same day, naka-schedule din ang hearing ng Movie and Television Review & Classification Board (MTRCB) para sa kasong inihain nila laban sa TV host sa paglabag diumano ng Sec. 3 of Presidential Decree 1986. Ito ay dahil sa pagpapatanggal ni Willie sa inset video ng funeral cortege ni Pangulong Corazon Aquino sa episode ng Wowowee noong August 3. (Click here to read related story.)

"Hindi ko alam [yung hearing]. Baka abugado na yung humarap doon," sabi ni Direk Bobot.

Ano sa palagay niya ang chance na manaig ang desisyon ng MTRCB na suspension kay Willie?

"Hindi naman siguro. Hindi naman papayag na basta ganun na lang," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang personal assessment niya sa kaso ng MTRCB laban kay Willie?

"Hindi ko kasi alam dahil dalawa 'ata yung kaso. Hindi ko alam kung ano yung hearing nila ngayon. Yung isa, yung may biniro 'ata siya [na contestant]. Yung ngayon, tungkol kay Cory. Tingin ko, wala naman siguro 'yan. Sana, wala lang. E, siyempre, hindi naman papayag ang management."


IS WILLIE SUSPENDED? May balita na sinuspinde raw ng ABS-CBN si Willie. Totoo ba ito?

"Hindi, hindi. Nag-leave of absence talaga si Willie. Nagbakasyon siya, nung kailan ba? Humingi siya ng bakasyon after nung insidente."

Tinanggap ba nila agad ang leave of absence ni Willie?

"E, kasi nga, pagod. Yun ang ano niya, e, napapagod siya. 'Tsaka wala pa siyang bakasyon ever since nagsimula. Hindi, pero ang alam ko, two weeks lang. Yun ang pagkakaalam ko, ha," saad ni Direk Bobot.

Kinumpirma rin ni Direk Bobot na hinakot na ni Willie ang mga gamit niya na nakalagay sa loob ng dressing room niya sa Wowowee.

"Personal niya yun, e. Siyempre, dalawang linggo siyang mawawala. Mga damit niya 'yan, siyempre kukunin niya. Pati yung picture ng Will Theater na naka-frame sa loob, kailangang kunin yun dahil gagamitin 'ata nung arkitekto niya," sabi ni Direk Bobot.

Sa hiwalay na panayam kay Willie, palalagyan na raw kasi niya ng hotel sa gitna ang kanyang Will Theater kaya babaguhin ang naunang proposed look ng kanyang itatayong mall sa tapat ng audience entrance ng ABS-CBN.

IN WILLIE'S ABSENCE. Kumusta naman ang show ngayong wala si Willie?

"Okey naman. Okey pa rin ang ratings. Hindi naman bumababa. Siyempre, marami rin ang nakaka-miss sa kanya gaya nung mga nagra-rally sa labas ng ABS-CBN. Ang daming nagmamahal sa kanya," sagot ni Direk Bobot.

So, hindi option ang paghanap ng permanent na kapalit na host ni Willie sa Wowowee?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hndi, wala namang ganun!" natatawang sabi ni Direk Bobot.

Bakit dalawang beses nag-host si Gabby ng Wowowee?

"Oo, kasi ang alam ko si Piolo dapat. Pero hindi puwede dahil may natanguan na pala siya. Parang naghahanap kami ng mga ano... Alam mo naman ang mga artista natin, ang dami ring raket niyan, di ba? Para lang habang wala si Willie, may nagho-host na lalaki sa show," paliwanag ni Direk Bobot.

Totoo bang next week ay babalik na si Willie sa Wowowee?

"Oo," diin ni Direk Bobot.

Kaugnay nito, may balita rin na nakatakdang bumalik sa Wowowee si Willie on August 29 pagkatapos ng naganap na meeting with ABS-CBN executives at ng TV host sa kanyang yate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN