Piolo Pascual reveals political views and his dream to portray Ninoy Aquino

"If you'll ask me, at this point, ayoko. Ayokong pumasok sa pulitika. I've always said na ayoko. Pero kung magkagipitan man, ganoon ko kamahal ang bansa ko na gagawin ko ang nararapat. Ayoko rin namang mamatay na wala akong ginawa sa bansa natin," said Piolo Pascual when asked if he plans to enter politics.


Isiniwalat ni Piolo Pascual sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi pa siya nakakaboto sa kahit na anumang eleksiyon dahil wala raw siyang tiwala sa sistema natin.

"Gusto kong bumoto. Gusto ko namang i-exercise ang right ko. Kaso, wala akong tiwala sa sistema natin," diretsong sabi ni Piolo.

This time ba, may paniniwalaan na siya?

"Marami naman akong paniniwala, pero marami akong gustong ipaglaban. Yun nga lang, siguro, pana-panahon lang. Kapag dumating na ang panahon na yun, I'm sure I'll be ready to face whatever consequences I have to face. Pero ako as a Filipino, karapatan ko yun at obligasyon ko as a Filipino na i-exercise ang karapatan ko to vote."

Saan nanggaling yung kawalan niya ng tiwala sa sistema natin?

"Sa mga taong nakikita ko na naghihirap araw-araw. Sa mga bagay-bagay na makikita mo na lalo pang nagpapahirap sa bansa natin. Nakaka-sad, pero, you know, you just have to do your part, your small part. So, sana lang magbago," saad ni Piolo.

Piolo plans to register para ma-exercise niya ang voting rights. Laking Mandaluyong siya, pero sa Quezon City siya nakatira kaya malamang sa Q.C. siya magrerehistro.

"Nakakahiya naman kasi, bilang Filipino, kailangan natin ng mga tao na mag-e-encourage sa tao. Kasi, mas malakas na ang boto ng mga kabataan ngayon, so we're gonna boost their morale. We've got to help them to exercise their right to vote."

NO POLITICAL ENDORSEMENT. Sinabi rin ni Piolo na hindi pa siya nag-endorse ng kahit sinong pulitiko.

"I'm always non-political," sabi niya. "I always made a stand, even sa Star Magic, wala kaming ine-endorse. Hindi naman bawal, directive lang siguro. There is, of course, offers. Pero ako kasi, I would like to know the person first, the candidate, bago ako mag-endorse."

Never ba siyang na-tempt na mag-endorse kahit na ang laki-laki ng talent fee na kapalit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ko namang pagtrabahuan, so bakit ko iko-compromise ang pangalan ko nang ganun-ganun lang? I can endorse a person for free basta pinaniniwalaan ko," rason niya.

Aminado naman si Piolo na nanliligaw siya kay KC Concepcion. Sakaling maglambing sa kanya ang dalaga na i-endorse ang stepdad niyang si Sen. Kiko Pangilinan, na tatakbong vice president next year, gagawin ba niya?

"I'll cross the bridge when I get there," sagot ni Piolo. "For now, I don't have any comment about that. Pero, we'll see."

Nasa plano ba niya ang pagpasok sa pulitika?

"May mga offers po, pero ayaw ng pamilya ko," sabi ni Piolo. " Ako, personally, ayoko. Kasi, feeling ko, baka ikamamatay ko yun. Baka mamaya, may threat. You know, you don't wanna compromise, may pressure. Ang laki ng mga kakalabanin mo, e.

"So, if ever it happens, si Lord na ang bahala sa akin. If you'll ask me, at this point, ayoko. Ayokong pumasok sa pulitika. I've always said na ayoko. Pero kung magkagipitan man, ganoon ko kamahal ang bansa ko na gagawin ko ang nararapat. Ayoko rin namang mamatay na wala akong ginawa para sa bansa natin."

PIOLO'S DREAM AS NINOY. Dahil nasabi na ni Piolo ang kanyang political views, puwedeng sabihin na nakahanda na siya to play Ninoy Aquino sa isang pelikula. Isa raw kasi si Piolo sa matunog ang pangalan para gumanap bilang Ninoy sa isang biopic.

"Kapag nangyari yun siguro, naku, mas magiging agresibo ko!" sambit ni Piolo. "Pero sinabi ko naman ang commitment ko kay Kris Aquino [bunsong anak ng pinaslang na senador]. If ever na matuloy yun, pag-aaralan ko talaga nang mabuti ang buhay ni Ninoy...and malaking karangalan sa akin yun.

"Katulad ng nagawa ko noon sa Dekada '7o, binasa ko ang nobela so many times. I researched sa Martial Law. Ganoon din ang gagawin ko. Si Mommy Vi [Vilma Santos] nga, parang sinabi niya honor yun. Vilma Santos na yun! So, lalo naman ako, wow! Ganun talaga! Yun talaga ang hindi ko makakalimutan. Napakalaking karangalan nun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi nga raw ni Piolo na dream come true kung matutuloy siyang gumanap bilang Ninoy.

"Oh, yes, kasi ni hindi ko nga naisip na mangyayari yun. Parang, wow! It's too much already. Pero if ever na mangyari yun, gagawin ko talaga ang lahat para mapaganda ko," aniya.

Pormal na ba siyang kinausap ni Kris tungkol sa intensiyong gampanan sa isang pelikula ang ama nito?

"Through text," sagot ni Piolo. "Sabi rin ni Tita Mariole [Alberto of Star Magic], the sisters also want me to do the MMK of the security guard [of Cory Aquino]. Sabi ko, sobra-sobra naman yun! Yung mga ganoong pagkakataon talaga, nakaka-overwhelm at nakakatuwa because ibinibigay sa 'yo ang right na ganoon."

Wala pa naman daw black-and-white about it, pero na-excite na raw siya agad.

"I called my mom right away. Sabi ko, wow, that would be an honor. And sa rare time na sinabi sa akin ng mommy ko na—kasi kritiko rin yun—sinabi niya sa akin, 'Son, I'm very proud of you!' For your mom to say that, muntik na akong maiyak," pahayag ni Piolo.

Incidentally, ngayong araw na ito, August 21, ay ipinagdiriwang ang 26th death anniversary ni Ninoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN